MGA BANGUNGOT NI KUYA 🛀

16 2 0
                                    

MGA BANGUNGOT NI KUYA 🛀

Magandang araw sa inyo mga Ka-Spookifies. Sa mahigit isang buwan ko nangg pagsusulat ng mga kuwento ay talaga namang napamahal na kayo sa akin. Hinahanap-hanap ko kayo sa mga panahong di ako nakakapag-bahagi sa inyo ng kuwento. Hala parang gusto kong kumanta HAHA. Hinahanap-hanap kita, hinahanap-hanap kita 🎵🎶🎼. For more than a month ay bale pang 29 stories ko na pala to. Salamat sa magandang Admin sa lagi nyang pagpost sa story ko. And thank u so much sa pag-compile sa mga stories ko. I was really surprised when my friend told me about it 🥰. At siyempre sa inyong mga kapwa ko readers, na kung wala kayo ay walang magbabasa sa mga kuwento namin. Kaya naman pati kayo ay kasali na sa mga panalangin ko na Nawa'y lagi kayong ingatan ng Diyos at ilayo sa anumang kapahamakan, sampu ng inyong mga mahal sa buhay. 

Ang kuwento ko ngayon ay nangyari noong bata pa ako. Hindi pa ako nag-aaral nun. Masakitin ako gawa ng aking hika. Lagi lang ako sa bahay, minsan nakatanghod sa mga batang naglalaro sa kalsada. Nandun ako sa ginawang mesa at upuan ng Kuya ko sa ilalim ng umbrella tree, o balkonahe. Grabe ang dami kong namiz dahil sa aking hika. Praise God at pinagaling NIYA ako bago ako mag-7 years old. Dahil na rin sa marubdob na pananampalataya ng Nanay ko sa Diyos. Nakuwento ko na to dati sa story kong "Hika" ang title.

Yung Nanay ko nagwo-work na rin noon para makatulong kay Tatay, ang mga ate ko ang nagbabantay sa akin pag wala silang pasok. Pag meron naman ay yung hipag ko na bisaya. Itago natin sa pangalang Menchie. She's from Samar. Pinatitingnan ako sa kanya ni Nanay kasi that time sa amin sila nakatira. Mabait naman siya sa akin.

Ang work ng Nanay ko nun ay kapatas siya ng mga nagpapatanim ng palay. Bale siya ang humahawak ng tao kung ilan katao ang estimate na makakatapos base na rin sa laki ng lupa na ipapatanim ng palay ng may-ari. Sa kapampangan ay tinatawag itong "mandarul". Pag minsan na walang pasok ay pati mga kapatid ko (ate Annie, Ate Pattie pati si Kuya Norbert), sumasamang magtanim ng palay para may pandagdag gastos at pambaon sila. Masaya naman daw sila sa bukid, pag nagtatanim na. May mga biruan at kantahan. Maaga silang gumigising para gumawa ng baon. Madalas ay nagbabaon sila kasi madalang lang ang nagpapatanim na may libreng pakain. Ang baon nila ay ginagawa sa dahon ng saging tapos kakain sa bukid, imaginin ninyo. Masarap yun kahit ano lang ang ulam nun. Minsan pag umuuwi sila may mga dala silang tubo (sugar cane), mga bayabas, mangga o kasoy na galing sa bukid o bundok kung san sila nagtanim. Minsan naman ay may pang-ulam na kami sa dala nilang kangkong o kamaro. Wow! Sarap yun sa adobo. Simple lang ang buhay probinsiya, walang stress sa bills at kahit ano lang ang ulam ay makakaraos ka talaga.

Isang araw may pagtatanim sila na gagawin sa araw na yun. Malayo ang lugar ng bukid, ang tawag sa baryo ay Mabatu. Tinawag siyang ganyan dahil ang mahabang daan na papunta doon ay maraming bato. Ang lupang tatamnan nila ay sa isang Doktor na nakatira sa may kabayanan at nagbibigay din ng libreng serbisyo minsan. Ng umalis sila ay maganda naman ang panahon. Umalis sila ng 6:30 kasi ang layo talaga nun. Isang oras na lakaran. Tapos pahinga ng konti habang may pakape at pandesal at  magsisimula na silang magtanim.

Bago mag 8am ay lumusong na sila para agad matapos. Sabi ni Nanay sa kanila kahit nag-uusap ay magtanim pa rin ng mabuti. Kasi bawal ang naka-tagilid at nakayuko ang palay. Dapat nakatayo.  Para balanse pag dumating ang panahon na mammumunga na ito.

Pangkaraniwang araw lang yun sa tingin nila kaya nagtaka sila  ng mga bandang 10am ay biglang umulan. Kahit umuulan ay nagtanim pa rin sila. Tumulong na ang Nanay ko para bumilis sila. Konti pa lang daw natatanim nila nun. Tapos yung mga tanim nila dahil sa lakas ng ulan ay nagsiyuko, pag reject at bubunutin at uulitin. Sobrang hirap kasi mas bumabaon mga paa nila. Tapos lalong nagsungit ang panahon sumabay pa ang pag guhit ng malakas na kulog at kidlat. Kaya pinatigil muna sila ni Nanay. Sumilong sila sa kubo na nasa gilid ng bukid malapit sa may water pump o patubig sa tagalog. Pinapatay na muna ang water pump gawa ng sobrang apaw na ang tubig sa mga pa-rectangle na hugis ng lupa na tina-taniman nila.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now