Communicate with Nature: All Seeing Eye Of Nature (Part 2)

35 1 0
                                    

Communicate with Nature: All Seeing Eye Of Nature (Part 2)

PART 1
[ https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/657042857796658 ]

Gusto ko lang linawin yung sa unang karanasan ko na ibinahagi ko rito which is "Communicate with Nature" Yung part na nasa probinsya kami bakasyon po noon. And then nag jump-in agad ako sa school year which is ang settings ay sa bahay ng kaklase ko. To make things clearer, ang school po na tinutukoy ko ay P. Burgos Elementary School katabi ng Maceda na paaralan. Tapat po ng bahay namin yung P. Burgos yung gate 2 or gate 3 po ata yung nasa harapan namin na gate ng school di ko na po maalala maraming taon na kasi lumipas. Yung sa house naman ng kaklase ko na malapit din sa school ay Paraiso St. Ang address ko po ay Sta Mesa Manila sa tapat ng Burgos. Sana malinaw na po lahat. Paumanhin po sa mga susunod ko pang ibabahagi kung hindi malinaw. First time ko lang po kasi mag bahagi ng karanasan ko sa Social Media.

Napakarami ko ng karanasan sa kalikasan ang naging sanhi kung bakit ko nasabing nag e-enhance by itself ang kakayahan ko. Kada taon na lumilipas ay siya ring paglakas ng kakayahan kong makipag ugnayan sa kalikasan. Hindi ako yung tipo na kailangan mag meditate oh kung anumang ginagawa ng mga taong may ibang kakayahan para mapalakas ang abilities na taglay nila. Kusa ang paglakas at pag enhance ng kakayahan ko. Siguro dahil nakatadhana na ako sa pagiging ganito. Hindi ko siya naiisip as a "CURSE" kasi napakalaki ng naitutulong niya sakin even though may mga negative na kapalit kagaya ng panghihina, pag ba-black out ng paningin, pagiging stress o anuman.

12 yrs old ako nag bakasyon ulit kami sa probinsya sa Surigao. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nakapag bakasyon dun. Mga pinsan ko malalaki na rin ka-edad ko si Kin at may kapatid siyang si Ken. Babae si Kin panganay, at si Ken naman ay bunsong lalaki. Dalawa lang sila. Medyo binata na ako noon at 12 na kasi ako pero childish parin kumilos at ganun din mga pinsan ko. May mga kapatid ako na kasama kaso tska ko na sila ipakikilala kapag involve sila sa karanasan ko. Kami ni Kin close kami dati pa lang... pinapasyal niya ako sa lupain ng lolo ko napakalawak kasi nun parang dalawang baranggay ang lupain niya nakuha niya kasi yung mga lupang yun nuon pa. Hindi ko hinahawakan ang anumang hayop na nanduon kasi baka kung ano nanaman maramdaman ko kapag nakita ko ang mga nakita/nakikita nila. Nalaman ko yung kakayahan kong makita ang mga nakita/nakikita ng hayop simula nung mangyari yung sa pakikipag ugnayan ko sa aso.

Matapos mangyari yun sinubukan ko siya sa mga ibang hayop gaya ng pusa, rabbit at maging sa insekto gaya ng tipaklong at iba pa. At masasabi kong hindi na ako beginner sa ganoong kakayahan dahil ilang yrs ko ng ginagawa yun. Habang namamasyal kami ni Kin sa lupain ng Lolo ko, naisipan kong pumunta kami sa ilog/sapa (minsan tawag nila dun sapa minsan ilog kaya d ko alam totoong tawag dun) kasi napakaganda roon. Pumayag naman siya kaya pumunta kami sa sapa/ilog high-tide noon napaka plane ng tubig walang isda. Alam niyo kung bakit ko nasabing walang isda? Kasi walang gumagalaw sa tubig alam niyo yung kapag yung isang patak ng tubig nahulog sa tubig mag fo-form ng bilog bilog yun na parang echo style? Kapag inaangat ng isda yung bibig niya sa tubig diba nagkakaroon ng ganon? Gets niyo? So wala akong nakitang ganon sa sapa.

NV

Me: Kin asan na yung mga isda rito diba dati andami nila rito pinapakain pa natin?
Kin: baka natutulog kuya?

Btw hapon na nuon. Kumuha si Kin ng bato, medyo malaki siya sinlaki ng paa ng adult na tao. Binato niya yun sa sapa/ilog yun ang bumasag sa katahimikan ng lugar. Walang anumang ingay nung mga oras na iyon kaya dinig na dinig mo ang pagtama ng bato sa tubig at kita namin ang alon na nagmula sa bato nang tumama ito sa sapa/ilog. Yung buong lupain ng tatay ko ay tinatayuan ng nagtataasang puno ng niyog. Nung tumama yung bato sa tubig sumigaw yung ibon na nasa puno ng niyog. Hindi ko maaninag yung ibon na iyon pero mahaba ang buntot niya, napaka majestic niya tignan. Nung narinig ko yung sigaw ng ibon (twit na malakas po sigaw ng ibon baka isipin niyo sigaw ng kung ano. Imagine nalang po yung sigaw ng agila pero hindi tlga ganon yung narinig ko ah imagine niyo nalang) hindi ako makakilos nung narinig ko iyon natulala ako. May mga clips na lumitaw sa mga mata ko...

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon