Welder's tale

17 1 0
                                    

Welder's tale

https://youtu.be/P5bYH8C9_0k

Welder tatay ko. Ako naman sumunod sa yapak nya. Nakatuntong naman ako ng kolehiyo kaya lang kc di ko kinaya yung takot. Pero ang sabi ko kila tatay di ko kinaya kc nahirapan ako. Di ko masabi ung totoo na nakakakita ako ng mga multo. Malamang kc si tatay sasapakin ako. Di sila naniniwala sa mga multo. Nursing kasi course na pinakuha nila sakin. Yung tyahin ko kc na nasa singapore may posisyon na sa ospital. Sabi nya kc kukunin nya ko pagkagraduate ko kaya dapat nursing na lang daw. Mejo kaya ko pa nung unang taon. Madalas kasi mga pahapyaw lang nakikita ko sa room namin. Kaya lang pagdating ng ikalawang taon doon na kami sa lumang building. Kahit umagang umaga kahit tirik ang araw ang dami kong nakikitang multo. Minsan pa nga akala ko totoong tao yung kausap ko. Kaya lang pagtingin ko sa paa aba nakalutang ang pastilan. Hirap na hirap ako makaconcentrate sa tinuturo. Lalo na pag may kailangan akong libro at sa library lang ako makakahiram. Sobrang dami sa library. Mga naka sinaunang mga damit. Mga sundalong hapon. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay multo ng bata. 2nd sem ng ikalawang taon ko unang unang unang araw ng semestre doon ko na hindi kinaya. May pang ala sais kaming klase at sa itaas yun ng library. Yung library namin sa kanang parte nun ay maraming puno, shortcut yun papunta sa mga dorm. Apat ang kwarto sa 2nd flr at iisa lang ang ginagamit. Yung pagkaklasihan namin. Nasa gitna yun. Yung tatlo pang kwarto tambakan na ng mga sirang upuan o mga sirang ano pa man. Dun sa gilid nun, may ibang studyante na nagyoyosi. Minsan ako din. Nung gabing yun di namin alam na hindi pala papasok yung instructor namin. Kahit kailan di na sya papasok. Ako yung look out ng dalawa kong kaibigan na nagyoyosi. Mga kaklase naming iba nasa gilid gilid lang din. Yung iba tsismisan. mejo natigil ang usapan nila nung may marinig kaming putok. Sabi pa namin ng mga kaibigan ko ang aga namang magpaputok nun kung sino man yun. tapos balik na ulit sa mga ginagawa. Ako naman nagsusulat ako sa binder ko nung may sumitsit sakin. Pagtingin ko may lalaki sa may hagdan. Hindi ko kilala pero naka uniform sya ng instructor. Kinawayan nya ko. Ako naman lumapit. Nag good eve sir pa ko. Tumango lang sya tapos bumaba na. Sumunod naman ako. Nung nasa tapat na kami ng pinto ng library humarap sya sakin. Inabot nya sakin susi. Dalawang susi. Tapos sabi nya pakisabi kay kakay sorry. Kinuha ko naman kc akala ko akong pinagbubukas nya ng room namin. Tapos akala ko rin nangtitrip sya. Kaya lang naglakad na sya paliko sa kanan. Ako naman nagtataka man umakyat na at sinusian yung room. Mag iisang oras na kami doon pero wala pa rin si sir. Kinukulit na ko ng mga classmate ko kasi bakit daw wala pa si sir. Syempre kwinento ko yung nangyari. Walang makapag explain sakanila kung anong probema. Dalawang oras klase namin doon sana. Kaso natapos na yung oras wala pa rin si sir. Babaan na kami. Magkakasama kami papalabas ng campus. Nauna lang ako ng konti para iwanan yung susi sa guard kasi ayokong iuwi baka may mawala sakin pa isisi. Kaya lang nung tanungin ng guard sakin kung panong nasakin yung susi ni sir sa room at sinabi ko sakanya. Pinaghintay nya ko sa labas ng outpost nila. Mabuti na lang mga kaklase ko lahat sila hindi pa umaalis. Paglabas ng guard sabi nya sama ako sa guidance office. Naiiyak na ko. Kasi bakit ako dadalhin sa guidance wala naman akong ginagawang masama. Pero nung sinamahan ako ng kaibigan kong dalawa at kalahsti ng mga kaklase ko mejo napanatag ako. Ako lang muna ang pinapasok sa guidance office. Andun yung counselor. Sabi nya patingin sya nung susi. Inaabot ko pero di nya kinuha tinitigan nya lang tapos napaupo ako nung sabihin nyang kanikanina lang, nagbaril ng sarili nya si sir sa bahay nya. Yung bahay ni sir malapit sa mga dorm. Kaya papano daw maibibigay sakin ni sir yung susi. Pinipilit nya kong paaminin. Parang gusto nya na ako yung idiin. Iyak ako ng iyak. Disi otso pa lang ako nun ayokong makulong. Tapos nanakbo ako palabas pagkabulsa ko nunh susi di ko alam nun bakit ko pa binulsa yun kaso nahila ako nung guard. Lumapit dalawang kaibigan ko. Lalo akong nagwala nung sabihin nung guidance na tatawag syang pulis. Hinablot sakin bag ko. Tapos yung mayor namin na ssg president ng buong campus naglakas loob ng magtanong kung anong nangyayari. Nung sinabi lahat ng guidance sakanila. Bigla na lang nya kong hinila sa guard. Sabi nya tignan nila sapatos ko. Maputik kasi dun sa mapunong parte, kung dumaan ako doon mahahalata. Kaya lang yung sapatos ko parang naka ariel. Binitawan ako nung guard. Umalis kami sa office. Sabi ng mayor namin punta kaming police station. Habang naglalakad kami lumitaw si sir. Sinisigawan nya ko sabi nya yung susi ingatan ko yun na lang pag asa ng pamilya nya. Di ko mapigilang umiyak habang sinasabi ko sakanila lahat na mga kaklase ko na nakakakita nga kong multo pero minsan di ko agad nalalaman na multo kausap ko. Siguro kasi umiiyak ako malayo sa malokong pagkakakilala nila sakin na laging nakabunghalit ng tawa kaya naniwala sila. Di ko inaksaya yung pagkakataong yun para ibigay yung susi sa mayor namin sabi ko wag na wag nyang ibibigay kahit kanino kung di lang ako ang kukuha. Pagkatango nya. Nawala yung multo ni sir. Tatlong araw akong nasa kustodiya ng pulis. Inexamine ako. Yung ikot ikot na tanong. Tinignan din nila kung may pulbura kamay ko. Kung nagpaputok ba ko ng baril. Nadudurog puso ko pag nakikita ko si nanay na hindi maayos makatulog binabantayan nya ko kc sabi nya delikado baka tirahin ako doon. Tapos dumating pamilya ni sir. Niyakap ako ng asawa ni sir. Nagsosorry samin ni nanay. Yung anak na babae ni sir nakayuko lang. Nung tinabihan sya ng mama nya at bumulong sakanya. Lumapit sya sakin tapos may pinakitang papel. May drawing. Sabi nya ala singko pasado nung hapong magbaril si sir ng sarili nakita nya rin si sir sa school nya. Highschool sya sa kabisera. Dalawang oras ang layo sa campus namin. Binigay ng papa nya yung papel. Yung papel ang nakadrawing parang drawer. May number 03. Naalala ko yung susi. Tinanong ko sya kung sino si kakay. Napatingin sya sa mama nya. Mama nya naman lumapit ulit sakin. Si nanay naman takang taka. Sinabi ko yung sinabi ni sir sakin. Sorry kakay. Iyak sya ng iyak. Niyakap nya ko ulit tapos sabi ko yung susi nasa mayor ng klase namin. Paglabas naming station diretso kami sa bahay nung mayor namin. Binigay nya agad sakin. Binigay ko din yun sa mag ina ni sir. Ako naman kahit kailan di na pumasok. Di ko alam kung anong problema ni nanay. Di pa rin sya naniniwala sa mga nakikita ko. Halos isang taon na hindi nya ko kinibo dahil sa pagtigil ko. Si tatay naman sabi nya magwelder na lang ako. At eto na nga po at batikan na kong welder. Sa susunod na lang po ulit kung sakaling mapost.

Si raul kaw



📜Sigaw
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now