Tree House

14 2 0
                                    

Ito yung area na tinulugan namin overnight sa isang tourist destination somewhere in Davao. Maganda sya, pero di lang kasi kami masyado nakatulog nung gabi. Meron ba kayong naoobserve sa aura ng lugar? Di kasi ako nakakaramdam/nakakakita ng negative elements kaya parang nacurious lang ako.

Nung hapon, naging maulan na, tas nung lumabas kami para maghanap ng makakainan, nakita namin kami lang pala ang nag overnight doon. Bago lang din ang mga pang overnight na accommodation ng lugar. Ang distance ng tree house na yan mula sa pinaka main na facility is nasa more than a hundred meters siguro.

Kinagabihan, since medyo maulan pa nga, di kami masyadong nakatulog. Maya't maya may kalabog, siguro mga bunga ng puno or kung anong nahuhulog mula sa puno, plus ang patak ng tubig. Ako iniisip ko lang na syempre dahil sa ulan at kahoy ang paligid kaya konting bagsak lng ng kung anong bagay e maririnig mo talaga ng klaro. Nakatulog na ako pero ang kasama ko pala na akala ko e nauna nang natulog sa akin, patuloy na nag oobserve. Di sya nakakakita, pero madalas syang nakakaramdam. Naikwento nya sa akin kinaumagahan na habang kumakain kami na nung tumila ang ulan, patuloy pa rin syang nakakarinig ng unusual para sa kanya, mga sounds na may babagsak sa paligid or kahit sa bahay mismo, na hindi na sya cause ng kakatapos lang na ulan. Sa tuwing nagdadasal daw sya, nawawala, pero sa tuwing maririnig nya ako na nag ga-grind ng ngipin ko habang tulog, meron nanaman.

Fast forward na sa pag uwi namin, kasi ang tour sa lugar habol namin bakit kami nag overnight dun eh, nagtanong sya kung wala na daw kami nakalimutan. Sabi ko wala naman na pero pinabalik ko sya sa room to double check. Don nya na sinabi sakin na ang bigat na daw ng feeling nung pumasok sya kya pala pagbalik nya sa labas nakatayo na mga balahibo nya.

Dyan pala kami natulog sa first na room. Ang sa taas, bakante sya, tas ang CR nyan, nasa pinaka ground. Di lang masyado makita sa pic.

Thank you.

📜Let's Takutan, Pare▪︎2022▪︎

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora