Inaswang

15 0 0
                                    

Share ko Lang exp. ko Kagabi na halos di ako maka moved on !!

Kami lang 3 ng mga anak ko ang nasa bahay namin past 2am na siguro yun , Yung lip ko wala nasa labas sya gumala ata 🙄. Habang nag papaantok ako nararamdaman ko na parang meron gumagapang sa bubungan namin , Buntis nga po pala ako at kabuwanan ko na ngayon Dec.
Ang nakakakilabot lang is Nung time na diko alam kung Tulog ba ako at panaginip sya o totoo syang nangyari 🤔😫 .

Inaantok antok narin kasi ako habang pinakikiramdaman ko yung Nasa bubungan namin kasi may naririnig din ako na Tunog ng Tik ! Diko ma explain tunog nya diko rin alam kung tiktik ba ? Kasi isang "Tik" lang sya and minsan parang nasa malapit lang Minsan naman kapag tutunog parang ang layo ? Kaya pinakiramdaman ko Lang sya baka kasi aswangin ako wala ako kasama kundi mga anak ko Lang at diko rin alam gagawin ko kung Nagkataon na totoo ngang inaaswang ako . So Back sa nangyari .

Ayun na nga medyo inaantok na ko kakapakiramdam dun sa Bubong namin saka dun sa naririnig kong tunog , Maya maya Dzai 😱😱 Nung nakarinig ako na parang nagapang sa bubong namin As in mula sa Ulunan ko Pababa sa paanan ko Mararamdaman mo naman kasi kung nasa Tapat mo yung kumikilos sa Bubong , Dzaii 😱😱 Habang nagapang sya pababa sa paanan ko Yung Ulo ko parang nanlalaki na parang nag Vvibrate yung katawan ko na parang kang nanginginig ng Light lang pababa hanggang paa , Habang nababa yung nagapang kasabay ng pag vibrate ng katawan ko pababa din na parang nasa Isip ko Nun Aware na ko na Aswang yung nasa bubong and andyan na sya tapos habang nakahiga ako Hala , Yung katawan ko nga na parang Nag vvibrate parang di ako makagalaw para slow motion talaga sya Hanggang pagbaba ng paa ko para talaga ako Binubusan ng malamig na tubig mula ulo hanggang Paa Na gets nyo ba ? Basta ako rin diko Mapaliwanag yung Nangyari sakin Na yun .

First time Ko lang sya ma exp. then ramdam ko pagbaba na nung vibrate sa paa nag Back to normal na , then dun nako parang nagising .



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now