Hospital noon, school na ngayon

71 2 0
                                    

"Hospital noon, school na ngayon"

Hi, spookify! Sana mapost po ito and please hide my identity. This is soooooo 100% true, okay lang kung di nyo papaniwalaan.

Itago nyo na lang ako sa pangalang Jen, nakatira ako sa binansagang Bataan of the west. (Starting point of the saddest and unlawful Death March) oh alam niyo na.

Way back 2015, nung tahakin ko ang buhay bilang college student dito sa isa sa pinakakilalang school sa buong lalawigan namin at isa sa pinakamatandang school. I choose ROTC as NSTP dahil gustong gusto ko talagang maging army noon.
So back to story, nag orient kami noon sa isa sa mga room sa school nun regards Rotc matters at kung anu ano pa at sinabi samin na kelangan pumasok kami before 7am kapag nagstart na ang regular class, so basically kami kami palang mga rotc ang mauuna sa school.

Explain ko pala muna yung itsura ng school namin, ito ang pinakamatandang hospital sa lalawigan namin project pa to ni dating Pres FEM at ngayon naging school na ewan ko kung bakit (haha), sa paligid nito ay napapaligiran ng maraming puno, kung sa aerial view ay pa "H" ang itsura neto at yung daan sa gitna yung magsisilbing daan papunta sa kabilang part ng hospital, apat na floor ang taas at maraming kwarto gawa nga na dati itong hospital, ang kalahating part ay hindi ginagamit at nakasarado para hindi mapasok ng mga estudyante pero madami pang mga gamit ng hospital (aparatus, etc.), hindi ko alam ang kwento kung bakit ayaw ipagamit yung kalahati pero maganda pa ang mga gamit.

Back to story, nag umpisa na ang regular class nun  (June 2015) maaga akong pumasok nun dahil nga sa rotc ako at yun ang habilin sa amin, ang quarters pala namin ay nandun pa sa basement sa pinakadulo pa.

-6:30 ng umaga nung pumasok ako nun, masyado pang maaga at ang tao palang nun sa school ay yung utility namin at gwardiya, so basically tatlo lang kami nun.
Bumaba na ko nun sa basement ng mapansin kong madalilim pala dun first time kong bumaba nun sa basement ng school at hindi rin kami nag meeting dun sa quarters nung nag orient kami as rotc. Oo nga pala sa basement din na yun, dun daw dati yung morgue at hindi ko talaga alam yun. Naglalakad na ko nun papunta sa quarters ng madaanan ko yung isang kwarto na malaki, bigla akong nanlamig sa part na yun kahit wala namang hangin gawa nga na basement yun. Di ko pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Sampong metro na lang ang layo ko nun sa quarters ng makarinig ako ng boses na nagtatawanan, nagiiyakan, babae lalake, sabay sabay na boses, para akong binuhusan ng tubig nun dahil ako lang ang mag isa dun, at nakita ko naman na wala pang tao sa quarters namin at sarado pa ito. Dali-dali akong tumakbo nun, mangiyak ngiyak ako sa takot nun, at natapat na naman ako dun sa malaking kwarto napakalamig sa part na yun. Muntik pa ko madapa sa takot nun dahil medyo malayo din kung nasan yung hagdan papunta sa first floor. Saktong pag akyat ko nung nasalubong ko yung kabuddy ko na saktong pababa na sana sa quarters, itago na lang natin sya sa pangalang Reese. Nagtataka syang nagtanong kung bakit daw ako tumatakbo at sino na daw ang mga tao sa baba. Nagdahilan na lang ako na may kukunin at sinabing mamaya na lang kami bumaba pag andun na yung mga mas ahead samin. Nabunutan ako ng tinik ng mga oras na yun buti na lang may kasama na ako. Hinintay na lang namin yung iba namin kasamahan para sabay sabay na pumunta sa quarters

Hindi ko kinwento sa kanila tong nangyari sakin at nilihim ko to hanggang ngayon. Sa tagal ng pagsasama namin ng mga kabuddy ko totoo ngang may kakaiba sa basement kwento ng mga ahead samin.

Hanggang dito na lang po admin, ang haba na pala. Marami pa pong nakakatakot na nangyari sakin dun sa basement, tungkol naman dun sa batang lalake sa basement, ikukwento ko nalang po pag napost na to! Maraming salamat.
Please hide my identity.😇

Alumni.
2015-00***-BT-0


📜Spookify
▪︎2019▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now