BULAKLAKAN

17 1 0
                                    

BULAKLAKAN

Magandang araw mga Ka-Spookifies. Faith ng Pampanga.

Sa hometown ko pa rin to nangyari. Katatapos ko lang ng grade 4, month of April bago mag-Semana Santa. May kwento ako na ganun ang title. Di ito ganun ka- creepy. Gusto ko tong i-share sa inyo dahil hindi lahat ng mga ghost ay masama. Hindi lahat ay dapat nating katakutan at takbuhan.Hindi lahat ay dapat takbuhan ar taguan. May mga iba na gusto lang nilang balikan ang lugar kung sa'n sila galing o ang mga bagay na nakasanayan na. Heto na.

Bigyan ko muna kayo ng ilang eksplanasyon tungkol sa bulaklakan. Pag may namamatayan sa aming barangay, naka-ugalian na ng mga namatayan na magpalaro, sa pamumuno ng ilang mga kabataan. Bulaklakan ang tawag dun. Ginaganap ito tuwing ika-3 gabi at ika-9 na gabi ng namatay, either nailibing na o hindi pa ang patay.  Pag walang mga available sa barangay na kabataan magyaya sa karatig barangay. Explain ko para sa mga millenial okay kasi di naman nila nadatnan ito. Bale may mesang mahaba tapos sa kabila ay mga binata ang nakaupo, sila ay gumaganap as mga buko ng bulaklak, in english bud of a flower. Sa kabilang side naman ay mga dalaga na gumaganap as mga bulaklak mismo. Halimbawa, buko ng kampupot o bulaklak ng kampupot. Bale patula or parang balagtasan ang pagbigkas nito. Bale ang flow ng laro ay may hinahanap silang paru-paro, sagutan sila di daw dumapo ang paru-paro sa kanya, baka daw dumapo sa bulaklak ng piti mini (haha may ganun talaga na gamit silang name ng bulaklak) mga ganung banat. Masaya yun pampalibang sa namatayan. At way na rin para magkakilanlan ang mga kabataan. Ang mga nakaupo at dapat walang asawa.

Sunday yun at dumating ang Ate Mary ko na nagwo-work sa Mabalacat. Pinaglihi daw siya ng Nanay ko kay Maricel Soriano. Tapos na siyang mag-aral kaya tumutulong siya sa pamilya. Kami naman nina Tatay, nanay at mga kapatid kong iba kakadating lang, nag attend ng sunday service.

After lunch gumayak uli ang nanay ko pupunta daw dun sa namatayan kasi magluluto, pa-siyam ng namatay. Lagi siyang invited pag may kasal o anumang okasyon kasi magaling siyang kusinera. Tapos nagpaalam ang Ate Mary na pupunta kami at manonood ng bulaklakan. Tulog daw kami ng tanghali sabi ni Nanay pag di kami natulog, wag kaming pupunta. Edi kami pinilit naming  makatulog.

FF: Kinagabihan kumain kami ng maaga at gumayak na para magpunta na dun sa bahay ng namatayan. Si Ate Mary, Ate Donna, Ate Annie at Ate Pattie at ako. Magkakasunod ang tanda naming apat, si ate Donna at Ata Mary ay may naka-pagitan na lalaki. Si kuya Norbert. Paalis pa lang kami sinabihan na ako ni Ate na wag akong matutulog at ayaw nilang magkarga. Oo kako naman.

Pagdating namin dun ay nagsisimula na ang Bulaklakan. Naririnig na namin ang tawanan dahil may mga pilosopo. Ang mga pilosopong yan ang nagdadala sa laro e. Narinig naming sagot ng isang binata, sa kapampangan may rhyme to pero tatagalugin ko. Dumapo nga dito ang paru-paro pero nakuha kong mahawakan ang dalawang bagwis nya. Bago ko siya pakawalan, maaari ba munang makipagkilala? Hayun style ng mga binata pag me dayo e. Lagi silang pumaparaan na makipagkilala. Pwedeng mag-request din ang nanonood basta makikiusap ka lang at dapat parang  balagtasan ang way ng pagsasalita ganun. Tsaka laging may rhyme. Kaya di pwede ang mahiyain sa ganun.

Tapos bigla nalang kaming nagulat kasi may mga binata, may lider sila at siya ang tagapag-salita nila. Kung pwede daw ba silang maka-abala. Maaari ko po bang malaman sabi naman ng hari ( yun ang tawag sa tagapamagitan). Ganito ang pagkakasabi, May isang maganda akong binibining nasilayan. Ng aking makita ako'y nahalina, mga mata'y di na naialis sa kanya. Kung maaari sana ako'y makipagkilala at pariniggan nya sana kami ng isang magandang kanta. (Sa salita namin rhyme yan at malalim mga salita na gamit nila). Tawanan mga tao at sigawan. Si Ate Mary pala tinutukoy.

Tapos yung lalaki ang daming alipores nakapila para makipagkilala sa Ate Mary ko. Siyempre pag ganun di pwedeng maging bastos kaya nakipagkilala ang ate ko. Mga kababaryo naman halos namin sila HAHA. Tapos ni-remind si ate na kanta daw siya. Yung ate ko sanay naman yun sa madaming tao. Kasi laging sumasali sa ameteur sa barangay namin. Kinanta nya ang Break it to me gently... Palakpakan ng matapos.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now