Panaginip

18 0 0
                                    

Silent reader here. Kwento ko lang yung mga naging panaginip ko na di ko makakalimutan, at para sakin tuwing maaalala ko, kinikilabutan parin ako.

Yung una kong panaginip na ganito ay sa bahay ng parents ko, matagal na yon siguro nasa early 20s palang ako non. Bangungot raw yon sabi, and it felt very real for me. I fell asleep sa kwarto namin magkakapatid one afternoon, beside our bed is a big cabinet at yung side na yon is madilim ang aura. Siguro dahil di ganun kalinaw yung ilaw sa kwarto namin noon. Habang nakahiga ako may kumakaluskos sa loob ng cabinet na yon, na parang may something sa loob na gustong lumabas pilit kinakalampag yung pinto ng cabinet. Kita ko from my peripherals yung palakas ng palakas na paggalaw ng pinto, gusto ko tumayo at tumakbo palabas ng kwarto pero di ako makagalaw. Nakita ko Mama ko dumaan sa kwarto namin, kasi nakabukas ang pinto non, sumisigaw ako tinatawag ko sya pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko nacho-choke ako, inangat ko kamay ko na parang gusto kong abutin yung Mama ko pero di ko sya maabot. In a snap bigla akong nagising, same position ko sa panaginip ko. Di na ulit ako natulog sa side na yon ng kama.

Eto naman pangalawa is sa bagong bahay namin, bumukod na kasi ako sa mga Nanay ko kasama ko anak ko. 2 floors bahay namin, pero 3 lang kami nakatira dun. Ayaw ko ng masyadong maliwanag kasi sumasakit mata ko, so madalas patay mga ilaw sarado mga bintana at pinto, at madalas tahimik ang bahay. Working pa kami ng partner ko that time at schooling anak ko, so weekend lang kami madalas mag-stay dun pag weekdays naman tulog lang kasi gabi narin kami nakakauwi. So minsan while tahimik ang bahay makakarinig ako ng nga kalampag sa taas, yung parang tinapik ng malakas yung nga pinto ng cabinet ganun. Minsan naman sa cabinet sa kusina. Ako deadma lang di ko masyado iniintindi kasi nga matatakutin ako ha ha. May moments rin na kapag mag-nap ako sa room sa taas, alam mo yung parang may umupo sa kama kasi ramdam kong parang may lumapat sa foam ng bed, basta ganun sya. Deadma parin ayaw ko lingunin baka kung anong makita ko lol. Then one time during one of my naps, nanaginip ako, bangungot ulit. Nakahiga ako sa kama ng biglang may naglakad papunta sakin na madilim na figure ng tao, mahaba buhok nya, at alam kong lalaki sya, di ko aninag mukha nya pero nung lumapit sya sakin, hinalikan nya ako sa labi at hinawakan nya yung boobs ko habang nakahiga ako, at kitang-kita ko yung braso nya na sunog yung mga balat nya. Di ako makagalaw non, pero in a snap nagising ako. Ang init ng pakiramdam ng boobs ko pagkagising ko.

Meron ako friend na madalas kong makasama noon after kong mag-resign sa job ko at maging full-time sa bahay at asikaso sa anak ko. Madalas sya sa bahay, one time pumunta sya samin saglit may kasama siyang 2 pinsan nya, isa lalaki at isa pang babae. Yung pinsan nyang guy bukas third eye, sabi ko umikot sa buong bahay tignan kung may something. Sabi wala naman, so umalis narin sila after. Di ako convinced na wala kasi nga may mga nararamdaman ako. Tinext ko sya sabi ko kung meron ba nakita, sinabi nya meron nga raw. 3 sila, tig-isa sa kwarto sa taas, at isa sa kusina. Parehong lalaki sa 2 rooms, at batang babae sa kusina. Ang pwesto nila, sa room ng anak ko pagpasok mo ng pinto nakaharap sya dun nakatayo lang. Yung batang babae, nasa sulok ng kusina kung nasaan ang lababo, nakatayo facing the wall. At yung isang lalaki sa room namin, naka-yupyop sa bedside table kung saan madalas na side ng kama akong nakahiga at nakaharap, nakaharap sya sa kama.

No wonder nung may aso ako sa bahay, small dog, madalas may tinatahulan sya sa kusina namin sa side na yon ng lababo. Nagpa-cleansing ako ng bahay after ko malaman yon, nag-insenso yung kakilala ko at sabi nya, lumabas na raw ng bahay namin habang nagpapausok sya that time. Kasi nung paakyat sya ng hagdan sinalubong raw sya kaya nasamid sya nun habang nagdadasal. Pati ako pinausukan nya, siguro kasi bad vibes ako nun kasi madalas kami mag-away ng partner ko that time. After nyan wala na ko nararamdaman at hindi narin ako binabangungot. 3-4 yrs ago na 'to nangyari.

Until lately, it happened again. Gabi naman while I was sleeping, kakapikit palang ng mata ko non. Sa panaginip ko nasa isang ospital raw ako, sa ospital na yon may 2 hallway. Yung isang side maliwanag, yung isa madilim, at sa side ng madilim andun yung CR. Naiihi na raw ako. Sa isip ko walang akong choice kasi ihing-ihi na ko, nilakasan ko loob ko, paghakbang ko sa madilim na hallway may biglang humablot sa likod ko. Isang anino, malaki sya, alam mo yung payapos na hablot from behind, ganun ginawa nya. Sumisigaw raw ako pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Lumulutang kami, nung malapit na kami sa wall ng isang room bigla akong nagising.

So ayun lang po, sorry mahaba. Eto lang yung mga tumatak sa isip ko at di ko malilimutan na nga panaginip, or bangungot. Btw, etong huling panaginip ko feeling ko kakabasa ko dito sa group he he. At dahil sa group na 'to di na ko makanood ng horror ng mag-isa ha ha 😅🙄😂 Pero ang saya kasi magbasa he he

#ltapreal



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now