Bataan

61 3 0
                                    

Bataan

Nadatnan naming amoy kulob yung dorm na tutuluyan namin sa loob ng dalawang linggo. Kailangan naming tumira doon kase malayo ang pinanggalingan namin at may 2 weeks duty kami sa isang mental hospital sa Bataan. Bago pa man kami makarating, usap-usapan na sa College namin ang mga istorya at kwento ng kababalaghan ukol sa dorm na yon na taon-taong tinutuluyan ng mga estudyanteng maduduty sa mental hospital na iyon...

Para syang dalawang bahay na pinagdugtong ng hagdanan sa gitna. May limang kwarto ito. Dalawa sa baba at tatlo sa taas. Right room sa baba yung mga clinical instructors tapos kami sa may left. Sa right room sa taas yung mga lalaki tas meron ding isang grupo ng babae sa left side sa taas. Pero yung isang kwarto dun sa taas, sarado at parang ginawang bodega. Pero kahit na mga kutson at kama lang yung laman nun, may kung ano na hahatak na atensyon mo para tumingin at titigan yung maliit sa siwang sa pinto nito.

Day1:
Abala ang lahat sa labas sa pagprepare ng hapunan. Naiwan ako sa loob ng kwarto namin. Tahimik, ako lang mag-isa at walang kasama. Nasa taas ako ng double deck habang naglalaro sa ipad nang mapansin ko yung black na reflection sa lumang tv. Para syang itim na aura. Tumingin ako sa angulo kung nasaan yon pero wala. Ibinalik ko ang tingin sa tv pero andun pa din ito, animo'y itim na tela na lumulutang sa hangin. Natakot ako. Dumapa ako sa kama para hindi na ako matingin sa tv. Subalit may narinig akong mga tapak ng tsinelas na galing sa cr. Naglalakad. Dinig na dinig ko habang pumapakat ito sa tiles at patuloy na naglalakad. Nagtext ako sa kaklase ko na bumalik na sa loob dahil natatakot na ako. Sabay silang lahat pumasok, yung mga CI namin at sabay-sabay kaming nagdasal. Akala ko, tapos na ang lahat pero umpisa pa lang pala ito ng mga kababalaghang mangyayari sa dorm na yon...

Day2:
Naliligo kami sa hapon pagkatapos namin magduty. May cr sa loob at may apat na cubicle ding cr sa likod. Dun ako sa cr sa loob maliligo, inaayos yung sabunera, damit at tuwalyang gagamitin ko nang may marinig akong parang hangin. ""Shh.. shh.. shhhh"". Naisip ko na baka tubo lang tubig sa may gripo. Pero, bigla akong  kinilabutan. Nabalot ako ng pagkatakot. May bumulong sa tenga ko ng pangalan ko. Boses ng isang babae. Marahan akong lumabas ng banyo na parang walang nangyari. Ayaw ko naman kasing isipin nilang nagpapapansin na naman ako at ayaw ko din sila matakot.

Lumilipas ang mga araw at parang nasanay na lang din kami na may nagpaparamdam sa dorm na yon. Oo, hindi lang ako ang may nararamdaman doon. May mga gabi na may naririnig silang malalakas na yabag ng paa mula sa taas subalit tulog na daw nang mga oras na yon ang mga tao sa taas. May mga batang nagtatawanan paakyat ng hagdan at kakatok pero pagbukas ng pinto, wala namang tao. Bagkus ang sasalubong ay isang ihip ng hangin mula sa bakanteng kwarto. Minsan pa nga'y may dadaan na kulay puting tela mula sa pader pababa ng hagdan.

Ang ikinabahala namin ay nang mag-umipisa ""sila"" na gumalaw ng mga gamit. Yung bag ko na may pera at mahahalagang gamit, bigla na lang nahulog mula sa kinalalagyan nito. Sinabi sa akin ng isa kong kaklase na nakarinig din ng bulong ng kanyang pangalan na huwag ko ilagay patayo ang mga libro sa taas ng tinutulugan ko, baka daw kasi mabagsakan ako nito kapag pinakeelaman na naman ""nila"" yung gamit ko. Ang ayos ko ng mga libro ay malaki hanggang maliit. Nung hiniga ko yung mga libro, malaki papaliit pa rin ang pagkakaayos nito. Pero pagkagising ko, yung mga libro, gulo-gulo na yung ayos.

Huling araw ng pagtuloy namin doon nang sabihin sa akin ng isa kong kaklase na may nakita syang nakasunod sa aking babaeng nakablack na sando galing cr. Nung araw na may bumulong sa akin. Parehas sa kwento ng isa pa naming kaklase na may nakita daw syang babaeng nak-itim na gulo-gulo ang buhok na nakaupo sa tabi ko habang ako'y natutulog...

Pag-uwi namin, pumunta ako sa burol ng tatay ng kaklase ko nung high school. Kasama ko yung dalawa kong bestfriend. Pagpasok namin ng bahay, eto ang sinabi ng kaklase ko: ""Oh, nasaan na yung isa nyo pang kasama? Apat kayo kanina sa labas nang nakita ko kayo""

myelin shealth



📜Spookify
▪︎2017▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon