Hello po admins, sana po maapprove itong post. If hindi man, maiintindihan ko po since medyo may mga disturbing subject din po kasi sa post ko.
Hello, mga ka LTaP. My dreams have been disturbing me lately. Medyo natakot na rin po ako kaya i-share ko na dito sa group baka sakali po may makapag advise kung need ko ba mag ingat or what. Wala po kasi ako mapagkuwentuhan nito. Anak ko lang pong maliit pa ang lagi kong kasama lately kasi. May dalawang panaginip po ako nitong huli lang na na-weirduhan ako. Usually naman pag medyo scary or sad panaginip ko, nawawala rin naman sa isip ko within the day pagkagising. Bale ito po yung mga panaginip ko:Nasa isang hospital daw ako. Dinadalaw ko daw mom ko na na-confine. Then may isang kakilala po ako (very random 'tong person na 'to na lumabas sa dream ko kasi di naman kami close at di ko naman sya naiisip ever) pinipilit nya po ako sumama sakanya dahil may sasabihin daw sya then pumasok daw kami sa isang parang chapel then nung nagstart na sya kausapin ako, biglang lumindol. Nagtakbuhan na kami then ang next na naalala ko was nasa harap ko daw yug isang friend ko na nanghihina na and medyo blo0dy yung face. Hinawakan ko daw mukha nya and pareho kami umiiyak. Then bigla nagchange scene, hinahanap ko na daw mom ko sa hospital. Marami na debris na nakakalat dahil sa lindol. Tas change scene nanaman, yung mom in law ko naman nakita ko nire-revive sa isang hospital bed. Marami din daw pumanaw sa dream ko na ito. May isang random scene lang sa dream ko na 'to na naging reason kung bakit di sya maalis sa isip ko. The scene was very brief lang. There was a boy (about 6 to 8 years old ata) surrounded by a number of men wearing black masks and the boy was being m0l3st3d. Not going into details na po sa part na 'to. Sumasakit po kasi ulo ko at nasusuka pag naaalala ko. I didn't know the boy in my dream din.
Ngayon lang 'tong 2nd dream na 'to. Gabi daw, umuulan. Di ako familiar sa lugar but supposedly dun ako nakatira dahil sa panaginip ko naglalakad ako sa labas dahil may bibilhin daw ako sa tindahan. May nakasalubong akong babae na nakapayong at mukhang nag-aalala yung itsura. Sa unahan nya, may mga lalaki na may buhat-buhat ding isang lalaki. Mukhang may emergency sila so tinanong ko daw yung babae (supposedly kakilala ko din sya dito sa dream). Sabi ko daw, "Anong nangyare?" Tas sabi nya lang habang umiiyak na, "Si Kuya Edmon/Emond.." (di ko maalala eksakto yung name pero parang mas katunog nya yung Emond) sabay turo dun sa lalaking binubuhat. Nakita ko daw yung lalaki na nangingisay na habang buhat-buhat sya. Tas ayun, bumagsak nalang po yung katawan na parang nawalan ng buhay. Nilampasan ko lang daw po yung commotion na yun then yung next scene was pauwi na ako. Umuulan parin, at may nakasalubong nanaman akong babae na nakapayong (di ko maintindihan bakit wala akong payong sa panaginip ko kasi naalala ko ramdam ko yung patak ng ulan e) nagmamadali lumapit sakin parang nagpapanic. Tinanong nya ako kung nakasalubong ko daw yung unang babae at yung Emond. So ako naawa daw ako baka kako kamag anak at ako pa magbabalita na pumanaw na yung lalaki. Nag salita daw ako, "Naku ate, si kuya Emond kanina nangisay....." bago ko pa matapos yung sasabihin ko, sa malayo naaninag ko daw yung Emond, tumatakbo papalapit samin nung pangalawang babae. Pataas pa nga yung kalsada nun at nasa mataas na part kami pero napakabilis ng takbo nya at ramdam ko samin lang sya nakatingin. Yung takbo pa nya, pareho kung pano tumakbo yung mga ninja sa Naruto. Yung nakataas sa likod yung mga kamay at sa sobrang bilis nya, parang mababali na palikod yung mga braso nya. Sobrang layo ng pinanggalingan nya pero parang mga 5 seconds lang, inabot nya kami. Ramdam ko parang dinambahan ako and next na naaalala ko is parang nasi-sleep paralysis ako within the dream. Nasa kwarto daw ako nito. Kumbaga sa loob ng panaginip ko is binabangungot ako at parang sinasakal. Nasa tabi ko daw yung partner ko pero parang di sya aware na binabangungot ako. Pinilit ko daw gumalaw at gumawa ng sound hanggang sa napansin po nya ako. Di po nya ako magising so binangon po nya yung katawan ko. Nung napa-upo na daw yung katawan ko, nakahinga na ako pero parang babagsak ulit sa pagkakatulog ang pakiramdam ko. Tapos, nakita ko yung sarili ko naka-slouch sa upuan at parang nacho-choke pero walang malay or tulog parin. Bale dun sa panaginip ko parang lumabas ang consciousness ko sa katawan ko. Tapos sa bintana may nakita akong nakasilip na babae. Di ko kilala. May sinasabi sya pero di ko nakuha lahat. Ang naalala ko lang sa sinabi nya ay parang gagawin daw akong parang vessel ng mga yumaong relatives para gumawa daw ng masasamang bagay. Nung narealize ko daw yung sinabi nung babae, parang naging mas eerie and dark yung pakiramdam ko parang naramdaman ko andun yung Emond sa paligid. Pinilit ko nang magising that time. Sakto lang talaga nag alarm yung cellphone ko at talagang nagising ako. Di muna ako bumangon kasi natakot na rin ako. Habang binabalikan ko yung panaginip ko, saka ko lang narealize pag iniba mo yung arrangement ng letters sa Emond, ay pwedeng maging demon. Kaya eto po ako ngayon, napa message na po ako dito.
Since the first dream po, napansin daw ng partner ko na parang lagi ako malungkot or tahimik. Nung lumaon, nagiging mas irritable na ako. Mabilis nagagalit at minsan di ko macontrol galit ko napapasigaw nalang ako na sobrang lakas na halos magwala na. Di ko po sure if may connect pero yun lang po ang meron akong details. Di po ako mapakali ngayon. Sana po may makapag advise kung ano pwedeng gawin para mawala yung ganitong mga panaginip/eerie feeling. Salamat po.📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.