Ara

29 1 0
                                    

Ara

For 11 years, hindi ko nakita si miel. Last year na lang ulit nung mamahinga na si mike. May mga kasama sya. Apat na babae at limang lalaki. Yung isang babae di ko sinasadyang mahawakan. Nanikip kasi dibdib ko ng sobra. Sya yung kasama ko sa kusina. May kung ano na naman ang parang humigop sakin. Nakita ko syang nakahiga sa kama while may apat na lalaki ang sumasalbahe sakanya. Nakatingin lang sya sa kawalan, tahimik na umiiyak. Kilabot na kilabot ako nung makitang kulay pula mata nung mga lalaki. Then nag iba yung scene. Ibang lalaki na naman pero iisa na. Sinasampal sya sinasakal, iniinsulto habang nasa ibabaw nya, nagpapump. In, out. Wala syang emosyon habang nangyayari. Nung matapos yung lalaki yumakap sakanya. Saglit lang umiyak sya. Hindi ko maexplain eh pero sa lahat ng nakita ko, sya, karanasan nya yung sobrang bigat sa pakiramdam. Nung matauhan ako humahagulgol na ko. Ako pa ang tinanong nya kung okay ako. Gusto kong sagutin sya, seryoso? Ako pa talaga tinanong nya. Samantalang ang hirap ng pinagdaanan nya. Hindi ko pa alam nun yung mas nakaka gagong sitwasyon nya. Pinainom nya ko ng tubig. Sabi nya tatawagin nya si miel pagkaabot nya sakin ng baso. Pinigilan ko sya. Please magsumbong ka. Magsabi ka, sabi ko sakanya. Then yung part ng wrist nya na nahawakan ko, may mga peklat. Laslas. Ang dami. Ate ano pong sasabihin ko? Tanong nya. Bigla na lang akong nakaramdam ng galit. Nirape ka! Magsumbong ka! Sigaw ko. Natigilan sya, halatang nagulat. Pagkatapos nabalot ng pagtataka mukha nya. Ate dito ka lang tatawagin ko si kuya miel, sabi nya ulit. Pero that moment nawalan ako ng kontrol inulit ulit kong sinabi na narape sya dapat magsumbong sya. Naka attract ng atensyon yung pagsigaw sigaw ko sa mga tao sa labas. Pagpasok ni miel sa kusina niyakap nya ko pinakalma. Pinalabas nya yung babae. Sinabi ko kay miel. Nagulat ako sa sagot nya. Tapos na yun nadia, okay na sya. Nasampal ko si miel. Para kasi sakin pag narape ka, it will haunt you for the rest of your life. Hindi yun mawawala. Kaya nagalit ako ng sobra sobra. Sabi ko kay miel ang insensitive nya. Hindi biro ang rape. Then i calmed down. Sa araw ng libing ni mike, pasimple kong tinanong kay miel kung sino yung babaeng yun. Si ara, sagot nya. Nahanap ko sya sa fb, bigla na naman akong kinapitan ng hindi mapaliwanag na galit. Kasama nya sa picture yung isa lalaking nakita kong nangrerape sakanya. Ang matindi asawa nya. Chinat ko sya. Nagsorry ako (kunwari). Tinanong ko sya kung pwede ba kaming magkita. Sure, sagot nya. Nagkita kami sa isang coffee shop malapit sa office nya. Halos naging weekly na kaming magkita. Until february came, this year, ininvite nya ko sa birthday ng asawa nya. Ngitngit na ngitngit ako sa loob loob ko. Yung isa sa rapist nya, asawa na nya. Napilitan pa kong bumili ng regalo para dun sa asawa nya. Sa isip ko habang kakwentuhan ko asawa ni ara, ang galing mukhang anghel pero deep inside demonyo. That night pagkauwi ko nanaginip ako. Si stella. Sabi nya ginayuma si ara. Kailangan kong tulungan si ara. Kasi lahat silang magkakaibigan including miel, nagayuma ni eric, yung lalaki. Pag gising ko pawis na pawis ako. Natulog ako ulit. Si stella na naman panaginip ko. Sabi nya kailangan kong tanggalin yung gayuma sa sistema ni ara. After nun makukuha na ni ara yung justice na deserve nya. Nagresearch ako ng pangontra sa gayuma. So kahit feb pa lang, i invited ara with miel at iba pa nilang kaibigan na magbeach. Dinahilan ko yung pangungulila ko kay mike. Pumayag naman sila. Thank goodness sabi ko pa kasi hindi sumama si eric. Sabi sa nabasa ko kailangan kong itawid ng dagat yung nagayuma. Kaya lang nung nakabalik kami pagkatapos mamangka, tinanong ko si ara anong nararamdaman nya kay eric. Ngumiti sya. Mahal na mahal ate nads, sagot nya. Si miel naman inakbayan ako. I told you nadia okay na sya sabi pa nya. Sa inis ko imbes na makisama sa bonfire kinagabihan, natulog na ko. Lumitaw ulit si stella sa panaginip ko. Sabi nya kailangan ma ingest nila ara ang tubig dagat. Nagising ako. Nagrequest ako sa staff ng resort kung pwede akong magluto kahit kanin lang. Kahit naweirdan sila sakin pumayag sila. Kumuha ako ng tubig sa dagat. Yun pinangtubig ko. Nakakain naman sila pag gising nila pero hindi naubos. Kaya lang nung tanungin ko sya ulit anong nararamdaman nya kay eric, mahal pa rin nya. Wala pa ring pinagbago. Nakauwi na kami, hindi ako mapakali. Lagi na lang akong tulog. Hindi na ko umaattend ng sunday service. Lagi na kong tulog. Parang sa isang snap lang, nakalimutan ko lahat ng natutunan ko. Yung mga bagay na ayaw ng diyos na gawin. Dahil sa pagka obsessed kong matulungan si ara, ginawa ko. Bumili akong ouija board sa isang online store. Tumagal ng dalawang linggo para dumating kasi overseas pa. Naglaro akong mag isa. Tinawag ko si stella. Sumagot naman "sya". Sabi nya kailangang maisuka ni ara yung gayuma. Yun lang. Bumili akong pamurga. Saturday, dinala ko sa bahy nila ni eric yung coffee jelly na ginawa ko. Nagkunwari akong nag alala nung tawagan ako ni eric at sabihin nyang nasa ospital si ara, nagsusuka at nagtatae. Naka confine sya ng halos isang linggo. Pero bigo pa rin ako. Tinawag ko ulit si stella. Obsessed na obsessed na kong tulungan si ara. Pero imbes na si stella, si mike ang sumagot.

Gawin mo ginawa ko. Yun lang paraan para mapalaya mo sya.

Natulog akong umiiyak. At nanaginip ako. Sa panaginip ko, nakikita ko kuno si eric na nilalagyan ng kung ano ang pagkain ni ara. Lumitaw si stella. Kailangang mamatay sya nadia, sabi nya. Kaya lang ang sagot ko, hindi ko kaya. March 18. Pumunta ako sa bahay nila. Wala pa si eric. Si ara lang. Hinawakan ko sya ng mahigpit sa kamay. Sinabi ko sakanya, hindi maaring mahalin ang taong sumira sakanya. Nakiusap ako, i begged na magising sya. Pero niyakap nya ako.

Ate nads, matagal ko na syang napatawad. Matagal ko na silang napatawad. Isa sya sa sumira sakin, tama ka  pero ate sya rin ang umayos sakin. Mahal ko sya ate. Ate hindi ko sinasabing kailangan lahat ng nagkasala palayain. Ate hindi dahil pinatawad palalayain na. Pero hindi rin lahat ng kriminal kayang ipakulong ng batas natin hindi ba?

Nagdilim paningin ko. Sinabunutan ko sya at inuntog. Ilang beses. Tumigil lang ako nung may dugo na. Bigla rin akong tumilapon. Si eric. Ginigising nya si ara. Bumigat isang kamay ko. Lumitaw yung abre lata. Yung abre lata'ng matagal ng panahong tinapon ko sa ilog. May bumulong sakin, boses ni mike pero wala sya sa kahit saan. Hampasin mo, iligtas mo si ara katulad ng ginawa ko para sayo sabi ng boses ni mike. Kusang kumilos katawan ko. Pinukpok ko sa likod ng ulo ni eric. Then may humawak sakin. Si miel. Nagdasal si miel ng malakas. At ng matapos sya, may lumitaw sa harap namin. Si stella. Or should i say ginaya si stella.

Napakadaling lasunin ng isip ninyong mga tao miel sabi nito naglaho rin sya agad

Si miel hindi na ko iniwan. Saan sya magpunta kasama nya ako. Maraming nagsasabi nabaliw ako, dala dala ko pa rin yung trauma ng mga kababuyang ginawa sakin noon kaya ko nagawa yun. Sabi ni miel napatawad na ko ng mag asawa. Kaya lang lumayo na sila sakin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan si ara. Paano nya nagawang mahalin si eric? Sabi naman ni miel sakin, ganoon daw siguro talaga ang pag-ibig. Heck no. Kaya lang nag aalala ako. Nanaginip na naman kasi ako. Si ara. Nirerape ng isang anino. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya. Hindi ako baliw. Gusto ko lang mabalaan sya. Hindi ko masabi kay miel. Alam kong maniniwala sya sakin pero hindi ko alam kay ara. Alam ko ara nasa 5% chances lang na mabasa mo ito. But gamit ko totoong nickname mo. Si eric din gamit ko totoong pangalan nya. Pero kung ito man ang maging instrumento ng diyos para mabalaan kita gagawin ko. Ara please be strong. Magsabi ka kay eric. Please. Sabihin nyo ang oa ko bigla? Sa panaginip ko kasi nag bigti si ara.

Nadia

Iba pang kwento mula kay Nadia
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=525922994815975&id=218238752251069


📜Sigaw
▪︎2019▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon