DREAM ABOUT YOU III

22 1 0
                                    

DREAM ABOUT YOU III

Good day KaSiGAW. Sa mga nakabasa ng part 1&2 alam nyo na yung about kay camille. Sa mga nagsasabi na dapat tinulungan ko sya, ahm sorry if umalis ako ng bansa. Una kasi hindi ko alam kung ano nangyayari sakanya. Pangalawa hindi ko sure if may mental disorder ba siya. Wala kasi ako talagang idea guys,  kung ano ba dapat kong gawin.
Etong story na ishare ko is about padin sakanya. So here it goes...

Umalis ako ng bansa para umiwas kay camille at para na din magpagaling. Akala ko matatahimik na ako pero hindi pa pala. Malaki pala talaga ang nagagawa ng social media at internet sa panahon ngayon. Simula nong dumating ako dito lagi na akong nakakatanggap ng message sa messenger ko gamit ang dummy account,  so ako ignore ignore lang kahit na kinakabahan na ako.  Iniisip ko na malayo to hindi sya magkakasunod. 
Hanggang sa email ko na mismo ngsesend ng kung ano-ano. Hanggang sa umabot na sa punto na may natawag na sa number ko. Which is impossible nyang malaman kasi nagbago na ako ng number bago ko umalis ng pinas. Minsan nanaginip ako ng babae na nakatayo sa paahan ko, alam ko na panaginip kasi di ako makagalaw minsan. 

Until neto lang, may tumawag dito sa landline namin.  Take note nasa abroad pa ako until now. Sabi nya "masaya ko kapag nakikita kita". I ended the call kasi takot na takot ako. Hindi ko alam saan ako pedeng lumapit. Sinabi ko sa mga kaibigan ko lahat even sa family ko. Sabi nila wag daw akong uuwi ng pinas kahit na ganito ung nangyayari. Hindi ko alam bakit sa dinami dami ako pa. Hindi naman ako kagandahan para magka stalker. Madaming beses naulit ung may natawag sa landline namin so my abuela decided na pansamantalang ipa cut ung line. Pinatrace namin ung call at nashock ako kasi sa isang payphone malapit dito sa amin natrace ung tawag. Hindi na ako halos na labas ng bahay kasi takot ako talaga. Kapag gabi natunog lagi ang alarm namin sa gate, twice nangyari yon. Nakikita sa cctv na may tao na gustong pumasok.

Hanggang sa mismong number ko na sya natawag and it really creeps me out kasi sabi nya...
📱: "gustong gustong kong naririnig ang boses mo, lalo na ang paghinga mo sarap sa ears".
Binaba ko agad ang phone call, inalis ko sim ko at nagpalit ng bago.

Sa ngayon tahimik ang buhay ko, mga ilang araw ng walang paramdam. Pero di ko na alam gagawin ko.  Minsan nakikita ko sya sa dream ko and she was crying.  Minsan inaabot nya ako tas ako naman takbo nang takbo. Minsan naman nakikita ko syang naked at papalapit sakin. Then bigla ako magigising kasi parang naririnig ko boses ng pinsan ko pero wala naman kasi nasa pinas yon.

Hindi ko talaga alam gagawin ko. Sana matuloy tuloy na wag nya kong guluhin. 

LUNA

Parts I&II:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=537312317010376&id=218238752251069



📜Sigaw
▪︎2019▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now