Ayaw Ko Pa

41 1 0
                                    

Ayaw Ko Pa

Masarap sa pakiramdam na may hints ka na kung sino ang taong nakatakda para sa'yo. Sa mga movies, parang ang romantic.
But for me, hindi.

I have psychic abilities and I'm terrified.
Lagi akong nag-aastral last year dahil gusto kong makita kung magtatagal kami ng ex-boyfriend ko. Pero it turns out na hindi siya ang para sakin.
Instead nakita ko ang lalakeng para sakin.
He's quite a catch, Ideal type.

Kapag nag-aastral ako palaging sa kanya ako napupunta. Like, nakikita ko na pagod siya sa work or what. Kung hindi naman mga scenario na tinatakbuhan ko siya.
Oo palagi ko siyang tinatakbuhan.

Pre-med. student ako and ayaw ko pang mag-asawa. I need at want to finish med. school without a ring.
Pero palagi ko siyang nakikita sa astral na I'm going to be a wife and a mother sa batang edad. Iba ang ibig sabihin sakin ng batang nag-asawa. Kung sa iba ang batang nag-aasawa eh mga underage or wala pasa 20's. Para sakin ang batang nag-aasawa eh, ang pag-aasawa na hindi natatapos ang pre-med or med.

Sa astral nakikita ko na tinatakbuhan ko siya dahil ayaw ko pang mag-asawa even though I have feelings for him.
Last year din panay kwento sakin mga kakilala ko na napapanaginipan nila ako na maagang mag-aasawa or mag-aasawa before finishing my pre-med. Nakita nila ako ng ilang beses na ikakasal. Masaya sila kasi bongga daw, ang lalake daw na napangasawa ko ay mayaman, gwapo in short ideal type.

Ang nakaka-shock, hindi magkakakilala 'yang mga nagkkwento sakin.

And this Feb. I met a man on Tinder. Since nakakulong lang ako sa pag-aaral, sinubukan kong magliwaliw sa Tinder. Ginawa kong tambayan. Tipong makikipagchikahan lang ako. Hindi dahil naghahanap ako ng kung ano doon. Pawang kadaldalan lang ang kailangan ko. Alam ko kasi na maraming makakausap doon.

Noong una na we'd match, may something na pero I'm hoping na hindi naman siguro siya. Disente naman siya at matino. Sa itsura, alam niyo na.
I don't know why pero umabot na talaga kami sa Facebook and kung dati if I'm not interested on someone, seen lang or delete na lang agad ang conversation. Pero sa kanya, ewan ko kung bakit nagrereply ako kahit inis na inis na ako.

Hindi ko namalayan ang sarili ko na gusto ko na siyang bakuran. Though na-kuyazoned siya ng ilang buwan.
'Yong feelings ko para sa kanya hindi pinilit. Kusa lang talaga. Hindi fall pero parang stair process. Step by step.
Ngayon at committed na kami (Hindi nga lang legal sa side ko. My Father is super strict as well as my family and friends.) biglang bumalik sakin 'yong tungkol sa nakita ko sa astral. Halos parehas sila. The way he talk and laugh. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
And parang hinuhunt ako, nasa late 20's na siya and gusto na niyang magsettle down but since nag-aaral pa ako hindi muna namin pinag-uusapan. Pero nagtry ako magparead last lat week. And nakita nga na my relationship or marriage akong itatago sa mga taong closed sakin for a long time until we get the chance.
Natatakot ako. Lahat ng naramdaman ko noong nag-astral ako, ngayon surreal na.
Ayaw ko pa pero nangyayari na.

Oxytocin
Sierra Madre



📜Spookify
▪︎2018▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now