Nangunguha

18 0 0
                                    

Bilang isang muslim and creepy story lover, yes meron ding mga entity or mythical creatures na nag susuot ng normal na kasuotan natin even yung naka burka.

I want to share this story sa province namin sa mindanao, which is somehow related sa nagpapanggap.

Every year or 2 years if di ako nagkakamali palaging may naaaksidente sa may malaking ilog sa aming bayan. Usually nalulunod sila then ilang araw bago makita. Tinatawag sila na "mangengeteng" or sa tagalong nang hihila/nangunguha. Sabi ng lolo ko, sila raw yung mga mythical creatures na nakatira sa dagat/ilog or sapa na nagsisilbing guardian. Malalaman mo na di sila pangkaraniwang tao dahil tulad ng aswang, may mga palantandaan kang makikita. Una sa kanilang mga mata, normal na mata ng tao pero pag tinignan mo maigi, iba yung repleskyon kasi naka baligtad yung image mo sa mata nila. Wala rin silang philtrum or yung cleft sa bibig, usually flat yun.

Ang sad thing lang once nakuha na nila yung bigtima, mawawala ito ng ilang araw at pag nakuha na yung bangkay, wala na itong mata. Ito raw ang nagsisilbing kabayaran sa magulang. Bakit? Dahil paniniwala sa tradisyon ng bayan namin na everytime na may isisilang na sanggol, dapat mag lalagay or mag tatapon ng kapirasong gold or pilak ang magulang sa dagat. Ito raw ay magsisilbing gabay o proteksyon sa kanilang anak sa dagat or anumang uri ng yamang dagat.

Pero ang good thing naman. Once na malaman mong hindi sila totoong tao by saying their name. Gagantipalahan ka nila ng maraming gold or good fortune.

Hindi ko alam if till now nag eexist parin ba yun at kung totoo ang kwento na yun. Kaso marami talagang nagsasabi na totoo raw ito  lalo na yung matatanda sa amin.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora