Kape

9 0 0
                                    

"Kape"

3rd year College, pmunta ako para mag overnight sa isang boarding house ng classmate ko kasi cramming sa finals exam, bale 3 kami magttropa at nakisabay ako sa review nila.

Mga 2am nagdecide na matulog Yung dalawa kong Kasama,  so ako nalang natira sa study table, may ilan ilan parin na boarders Ang gising pa habang nagrreview.
nagpunta ako sa kitchen para maghanap Ng kape panlaban sa antok.
Madalas ako sa boarding house na yun tumambay kpag Wala klase kaya Kilala ko na halos lahat ng estudyante doon kahit ibang course pa sila.

Sa labas Ng kitchen medyo dim ang ilaw may naaninag ako na nakaupong babae at nakayuko pero di sya nkahrap sa akin.
Habang nagttimpla ako Ng Kape, naisipan kong tawagin Yung nasa labas.
"Ate, madilim dyan dun ka nlang sa study table magbasa Wala na gaano tao doon"
Di namn sumagot Yung babae, bumalik ako sa study table dala yung Kape.
Habang nagbabasa ako doon ako nakaharap sa pintuan Ng kitchen kasi gusto ko abangan Kung Sino Yung nakita ko,
(Wala kasi ibang dadaanan Yung  babaeng nakita ko maliban sa door Ng kitchen)
3am tumayo ulit ako papasok sa kitchen para tignan ulit sya...

Nakasalubong ko Yung babae kanina !!
....Walang mukha..alam ko na nkahrap at nakatingin sya sa akin....
Nanginig katawan ko, pinagpawisan , hindi ako nakagalaw,
sinundan ko Ng tingin Kung saan sya papunta pagdating sa hagdanan nawala sya parang bula,
Hindi nako nakatulog, 7am umuwi ako sa bahay, kapag pinipikit ko mata ko imahe nya na blanko Ang mukha nakikita ko, mga ilang Araw din nahirapan ako matulog.

hanggang ngayon kahit matagal na panahon na kpag naiisip ko na halos kaharap ko Yung babae na nakita ko, kinikilabutan parin ako.
😳😳😳😳😳😳😳


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now