The Beast

27 0 0
                                    

The Beast

Hello mga ka sigaw !! 👋🏻 This is chin chin again, like sa mga previous confessions ko sana mapost din po itong icoconfess ko tonight 😄 (nag promise si kuya sherwin na magcoconfess daw dito pero iboblock nya na daw muna ako kasi baka awayin ko daw sya 😅)

(Hello sa mga taga san bartolome novaliches jan...!) Since pre school er palang ako dun na ko nagbabakasyon sa Nova (holy cross). I don't know kung anong year sila lumipat sa loob ng compound na pinagtatrabahuan ni tito N non, libre yung pabahay sakanila nung boss nyang intsik kasi loyal at mapag kakatiwalaan daw si tito, libre lahat pati tubig at kuryente pero mas maliit yung space kaysa dun sa recent na tinirhan nila. Tsaka mas creepy dun sa loob ng compound na yon, almost lahat ng puno na makikita mo don e balete tapos yung alateris nila dalawa lang ata tapos my puno din ng sampaloc na kasing tanda na ata ni jose rizal. Sa loob ng compound tatatlo lang sila na my bahay don, maliban sa guard. Yung bahay ni tito N malapit sa guard house, kung papasok at lalabas ka sa compound madadaanan mo talaga yung bahay, kasi wala naman ng ibang dadaanan maliban don.

One time, nag bakasyon ako don, grade 6 na ata ako non, sinama ako ni lola na magbakasyon dun non. Habang natutulog ako sa may sala non wala akong kasama kasi nasa work sila tita at tito non tapos si lola pinuntahan yung isang tita ko sa sampaloc tapos yung tatlong pinsan ko nasa galaan. So yun na nga, nagising ako mga bandang hapon na e di pa ako nakakaligo non. Mga ilang saglit lang pumasok ako sa guest room, pinag kwartuhan namin ni lola nun, kumuha lang ako ng gagamitin ko sa pagligo. Nung bubuksan ko na yung pintuan sa cr, nakalock tapos maririnig mo yung tubig sa may faucet, yung naopen ba. So nag antay ako sa labas, then halos isa't kalahating oras na kong nag aantay pero wala paring lumalabas. I tried to asked kung sino nasa loob pero wala ding nasagot, tapos my naramdaman ako na parang may tao sa my likuran ko, luminga linga ako, tumingin ako sa likod but i found nobody. Nung pagharap ko sa pintuan ng cr, nakabukas na ito at sarado na yung faucet. That time nag aalangan na akong pumasok at maligo pero dahil hindi ako komportable na hindi naliligo, nilakasan ko na loob ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagligo ko ng may narinig akong kumatok sa may pintuan sa cr, "Wait lang po may naliligo" sigaw ko. Tapos a few moments lang nag knock ulit, "Saglit lang" sigaw ko ulit. Nag stop ulit yung kumakatok, saktong nakadamit nako nung may kumatok ulit sa pintuan. "Oo lalabas na!" sigaw ko ulit, pero before ko pa mahawakan yung knob, kinalampag na yung door, naka step back ako kasi nagulat ako, then sa inis ko, binuksan ko yung pintuan kahit kinakalampag lang, naka-ready na ko ng sigawan or komprontahin yung kumalampag sa pintuan pero pag open ko, wala,walang tao. Kala ko pinagtitripan lang ako ng mga pinsan ko, "T@ng in@ nyo! Wag ako gaguhin nyo, ihahampas ko sa pagmumukha nyo tong tsinelas ko!" sigaw ko pero wala talagang sumasagot. Super tahimik ng buong bahay. Inikot ko yung buong bahay kahit sa mga kwarto tinignan ko kung dun nagtatago yung kumalampag sa may pintuan, pero wala until i decided to go out. Nakita ko si kuya bai (guard) nakamotor papalapit. Pinara ko sya then i asked kung dumating na yung mga pinsan ko or si lola at si tita, or si tito, "Wala pa chin, baka gabihin na yung mga pinsan mo, ganon talaga sila, si ate alma naman alas 7 pa ng gabi", sagot ni kuya bai. "Ahh kuya, may nakita ba kayo kanina na pumasok dito sa bahay?" tanong ko pa saknya. Nangunot noo nya, "Wala, bakit? May nakapasok ba?", tanong nya sakin tas bumaba na sya sa motor nya. Kinwento ko sakanya yung nangyari tapos sabi nya samahan ko daw sya tignan daw namin tapos yun na nga pumasok kami pero wala talagang tao. Nung nasa labas na kami sinabihan nya akong dun nalang muna ako sa guard house mag antay kasi baka kung mapano pa daw ako pag meron ngang ibang nakapasok dun.

So pumunta akong guard house, hanggang 8pm andon ako. Tsaka lang ako umuwi nung nandun na si tita A.

"Oh chin, wala pa ba yung mga pinsan mo?" bungad sakin ni tita, ako nagbukas ng gate.

"Wala pa po, pati si tito at lola", sagot ko naman, tas inaya na ako pauwi ni tita.

Nagluluto na nun si tita nang tumawag si tito sakanya na baka madaling araw na daw sila matatapos kasi nagkaaberya daw sa makina nila don. "Oh chin, si lola mo bukas na daw uuwi dito", sabi ni tita sakin. Mga 9pm na ata nung nagsidatingan yung tatlo kong pinsan. Si tita non tulog na tapos kami namang apat nasa may sala nanonood pa tas kwentuhan. Actually hindi naman talaga kami nanonood e, naka open lang yung tv tapos si ate shan telebabad sa jowa nya, tas yung dalawa seselpon tapos nakikipag kwentuhan sakin, tas naalala ko yung nangyari that day. Kinwento ko sakanila yon, nahinto sila sa pagseselpon tapos si ate din binaba yung telepono tas sumiksik sila sakin. "Oyy ikaw din? Nakita mo? ", tanong sakin ni ate shan, napatingin ako saknya. Tinanong ko kung ano yon "Yung ano, yung kumakatok sa may pintuan sa cr!", tanong nya sakin.

A: Hindi nga e

S: Nako!. Si tita joe nga eh nung pumunta sila dito, may nakita daw syang lalake jan sa my banyo akala daw nya si papa. Tinawag nya daw pero di daw sumagot tapos nung pumunta sya sa sala andun daw si papa. Nagtaka daw sya kaya dali dali syang tumabi kay papa tapos sinabi nya yung nakita nya. Akala ni papa napasok na bahay non ng magnanakaw. Nung tinignan naman ni papa sa banyo nakasarado daw tapos nung pumasok si papa sa loob e wala naman daw. Kinagabihan non naalala ko pa yun, kasi magkatabi kami ni tita sa bed non, nagisingan ko na umuungol si tita pero di sya gumagalaw. Tita ako ng tita pero umuungol lang sya. Niyuyugyog ko na sya pero wala padin ungol lang sya. Natakot na ako non, sinampal ko na sya pero wala pa din. Nagpanic na ko non, sumigaw na ako kila mama kinurot ni mama si tita non, sinabayan ko pa ng sampal (natawa sya), ayun na nagising na. Hingal na hingal sya non, tinanong namin sakanya anong nangyari tapos kwento nya, may sumasakal daw sakanya lalake daw, yung nakita nya daw sa my cr tapos nun kinaumagahan umuwi na sila sa Quezon province.

Dan: Kagabi nga, diba dito ako natulog sa sala, jan ako nahiga sa sofa, akala ko nga si mak yung nagkakamot sa paa ko eh, nakailang sipa na ko dipa din tumigil tapos nung tinignan ko wala namang tao. Kaya lumipat nalang ako sa loob.

Mak: gago panong ako yun e maaga akong natulog!

Dan: Bingi ka pala e sabi ko AKALA KO, AKALA! Bobo mo!

That night napagkasunduan namin na don nalang kami sa guestroom matutulog madaling araw na kami nagsitulog. Ginigising kami ni ate non kasi si Dan daw binabangungot. Buti nagising din sya nong niyuyugyog namin sya, "Hindi ako makagalaw pero aware naman ako sa nangyayari sa paligid ko, tapos my nakita akong nakatayo sa may paanan ko, di ko maaninag yung mukha pero alam kong lalake yun dahil sa built ng katawan", kwento nya. Sobrang takot kami non tapos hanggang sa nakita namin yung lalake nakatayo sa may aparador. Si ate unang nasigaw tapos nagsigawan na kami sa loob non di kami makababa sa bed. Nakatingin sya samin na nakangiti tapos yung ngiti nya sobrang creepy hanggang sa nahimatay na si ate tapos si mak tumakbo na palabas. Nagising na din mga kasama namin sa bahay non tapos nung nakapasok na sila tita sa kwarto nawala naman yong lalake. Di na kami ulit natulog sa room na yon pero akala namin hanggang don lang yon, pero di pala...

High school ako nyan nangyari 🤣 Andon pa din sila tita gang ngayon pero my inuupahan na silang ibang bahay sa labas ng compound na yon tapos si ate shan nasa states na kasama asawa at mga anak nya tapos si dan at mak nasa tarlac nagtatrabaho.

Chin

More from Chin
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=536658020409139&id=218238752251069



📜Sigaw
▪︎2019▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now