Balite

12 2 0
                                    

Balite

Gusto ko lang magshare.. medyo mahaba kaya pagpasensyahan niyo na talambuhay ko kasi toh.. bago kami lumipat sa bahay na tinitirahan namin bakanteng lote palang my puno po ng balite tatlo at dalawang balon.. pinatanggal namin yun at pinatabunan namin ung balon ksi panu nga naman namin matatayuan ng bahay kng my ganun.. nung nakapag patayo na kami ng bahay napansin q na yung kapitbahay namin mahilig maglagay ng candies or anu mang pagkain sa gilid ng bahay namin.. noon pa man nung ginagawa ung bahay namin ganun na ginagawa ng kapitbahay namin.. nag ask ako sa kapitbahay namin bakit ganun ginagawa nia.. sabi nia my nakatira dw kasi sa tinatayuan namin at madalas nya dw itong nakikita... Sa ilang taon na pagtira namin.. dumating ang bagyong ondoy.. 2009 ata yun ndi ako sure... nawalan ng kuryente at ung family ko nasa evacuation pero ako nagdecide na magstay s bahay kahit kandila lang ung ilaw.. 12 years old palang ako that time.. d q makalimutan ung gabi na yun uso pa dati ung tetris na black and white na laruan nilalaro ko yun habang nakahiga ako sa higaan.. bago ako humiga ung posporo at susi sinigurado ko na nasa gitna ng lamesa para kng mmatay man ung kandila madali ko makukuha ung posporo at masisindihan ung kandila.. so ayun na nga habang naglalaro ako tatlo ung kandila nun sabay sabay bglang namatay edi tumayo ako para kunin ung posporo dahil madilim kinakapa ko ung posporo sa gitna ng lamesa dun ako nagpanic kasi wala yung posporo sa gitna ng lamesa.. kaya nagmadali ako hanapin yun susi dahil ndi ko mahanap nagpinto ako ng pinto para sumigaw at makiusap na pahiramin ako ng ilaw.. kaso bago ko pa man nagawa yun.. bigla lumamig yung hangin sa loob ng bahay tapos ramdam q yung hangin na ang ihip is papunta sakin.. dun ko naramdaman nung humampas ung hangin sakin na parang pinagpipilitan na paghiwalayin ung kaluluwa ko sa katawan q ramdam na ramdam q sya sa sobrang takot q nahimatay aq at umaga na ako nagkamalay pagtingin q s posporo at susi nandun naman sa gitna ng lamesa.. sa sobrang takot ko ndi na ako umulit na magisa lang s bahay... After ilang years bumisita tita ko na taga probinsya.. nasa pinto palang sya ng bahay namin sinabi nya agad my ibang kasama dw kami s bahay.. plano dapat nila dito magpalipas ng gabi pero yung tita q prinangka kami magiingat nga dw ksi d lang kami ang nakatira sa bahay at sobrang bigat dw ng aura ng bahay.. base sa reaksyon ng mukha ni tita takot sya at d rin sila nagtagal ng stay sa bahay parang 5 hours lang layas na ganun.. ilang taon ang lumipas nagkasakit mama q nung 2019.. nagpasya sya na magstay sa bahay pero kalbaryo ang nangyari.. si mama may 2019.. dun q first time nakita sa kania na tahimik na nakatayo sa kwarto nia.. nung tinapik ko sya iba ung reaksyon ng mukha nya tapos pansin q parang mas malaki ng unti mata nia specially ung color black sa mata nia.. sabay nia ako tinanung kung sinu daw ba ako my sakit na sya that time at kng ibabase sa sakit nia mahina na sya pero nung time na yun sobrang lakas nia tapos hbang sinasagot ko tanung nia na sabi q ma ako toh anak mo ibang iba ung tone of voice nia medyo malki na boses yung napapanood natin sa horror.. ganun boses nia tapos after nia ako kausapin tinigilan nia ako pero nagsasalita sya magisa at ang napansin q ibat ibang language ung nababanggit nia.. ilang beses nangyari un bago sya namatay ng june 2019.. tapos sa burol nia nakatitig aq sa kania napansin q na my mga insecto na lumalabas sa ilong at tenga nia.. haysstt d q makalimutan yun.. tapos tuwing martes at friday naggng creepy mother ko nun.. after nun natahimik ulit kami this year nakakaramdam na naman ako ng pagkacreepy.. tuwing 11pm my mga nararamdaman ako naranasan q nga my sumitsit sa tenga q na akala mo katabi q lang pero wala akong katabi.. father q naman nakakaramdam din .. pero sa baby ko ako nagwoworried 2 yrs old na sya.. 12mn to 3 am gising sya dahil pagod aq sa work hinahayaan q lang sya maglaro magisa.. then 2 times ko sya nakita na para bang my kausap tinuro nia pa nga sakin na my kalaro sya at kng san banda kalaro nia.. first time q lang magshare ng kwento q kasi kng ikukwento q sa iba baka walang maniwala buti my group na katulad nito na pwd ka magshare ng creepy na naexperience mo.. pasensya na sobrang haba po.. penge na din ako advice anu po kaya pwd gawin para matapos na lahat ng kababalaghan na naexperience sa bahay namin.. still dito pa rin po kasi kami nakatira.. d namin afford lumipat... Salmat po..


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now