Dwende

11 0 0
                                    

Share ko lang po yung nangyari sa kapatid kong gitna. Hindi ko na maalala kung ilang taon siya nung nangyari sa kanya to.

Sa caloocan kami nakatira pa non. Apartment na compound type basta ganern. Kami yung nasa pinakaunahang bahay may garahe na malaki para sa lahatan, may puno ng malunggay at parang may 'sapa' kung tawagin nung mga naunang nakatira sa compound. Sa tabing compound may malaking bahay at may 5 puno ng caimito.

Nung nangyari ito ilang taon na din kaming nakatira dun kaya nakakapagtaka na, siguro nga totoo sila.

Sa 2nd floor kami natutulog kasama dalawang nakababatang kapatid ko. Saktong 10 pm biglang tumayo kapatid ko kumaripas ng takbo kaya napatayo din ako sinundan ko siya, pumasok siya sa banyo dumapa na parang nag ttantrums at sinasabing "gusto ko na mamatay" mga tatlong beses paulit ulit. Tapos tatayo siya pupunta siya sa sala kung saan tinutulugan ng lolo't lola namin sa banig bigla niyang ibabagsak katawan niya hanggang sa makatulog na ulit siya.

At naulit pa yun gabi-gabi tuwing 10pm. Bilang ate naaawa na ako sa kanya hanggang sa pinatawas na siya. May natamaan daw siyang malakas na duwende na nakatira dun sa 'sapa' malapit sa puno ng malunggay. Hindi ko alam kung paanong ginawa para mawala sa kapatid ko yung lakas ng duwende, pero nagpapasalamat ako na hindi na siya ginambala ulit o kahit sino man samin sa compound.

Siguro nga totoo sila kaya mag iingat tayo sa mga nasa paligid natin na hindi nakikita bigyan natin sila ng respeto hindi naman sila gaganti kung hindi sila nasaktan.

Dugtong ko na din kwento ng lolo ko. Na minsan na siyang may alagang puting duwende sa probinsya nila. Sobrang bait daw at magaan sa buhay. Yung lola ko na nastroke nakahiga na lang sa kama minsang gabi daw eh nakikita ng lolo ko na nasa noo ng lola ko yung alaga niya hinihilot. Nasa bulsa niya lang daw minsan basta hindi lumalayo sa tabi niya. May isang beses na tinawag ng lolo ko mga pinsan ko at ibang nasa compound sa probinsya sa kusina namin, pinatay ang ilaw, sa may ilalim ng mahabang lamesa nandun naglalaro yun dalawang alaga niya na kasing laki lamang ng pinakamaliit na zonrox. Pero ngayon wala na daw yung mga alaga niya.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now