Candyman

22 0 0
                                    

JULIE TEARJERKEY

Si ate Julie ay pinsan namin sa side ni papa. Hindi naman kami pinsang buo, pinsan ni papa ang papa ni ate kaya mag pipinsan na din daw kami.

Isa siyang teacher sa public school sa Maynila, pero umuwi na siya dito sa Bicol mula nung lockdown.
Ibabahagi ko itong kwento niya nung nagtuturo pa siya sa Canada.

Nai-kuwento niya ito sa akin nung birthday ng panganay niyang anak na si Chin.

Year 1996,  after niyang maka pasa sa board exam agad siyang kinuha ng tita niya na nagpa - aral sakanya (nasa Canada din po tita niya) doon siya unang trabaho. Natanggap siyang English teacher sa grade 2 sa isang elementary school. Ang room niya ay napapagitnaan ng storage room sa left side (pag nakaharap ka sa door ng room ni ate) at sa right side naman ay dating guidance office, hindi na ginagamit puro boxes ng books and bookshelves na lang ang andon.

Ayon sa pagkakwento ni ate, yung pagitan ng walls sa room niya at sa dating office ay masyado daw makapal halos kasya ang isang tao sa loob nito. Semento po yung wall. Wala naman daw kakaiba noong baguhan siya sa school maliban sa mga spoiled brats na akala mo magugunaw ang mundo pag di nabigay yung gusto nila, may mga kasama pang nanny kahit grade 5 na. Hahaha (wala lang, inggit lang ako. Haha)

Sa unang taon ni ate sa school madalas siyang makarinig ng knock sa wall. Imagine niyo yung knock na may pattern (1.....2.....3) mga 5 seconds ang pagitan ng bawat katok, naririnig niya yun bigla bigla kahit minsan nag tuturo siya naririnig din daw ng mga bata. Hindi naman takot si ate kasi akala niya mga daga lang na nagrarak en rol sa loob ng wall, pero yun nga bukod don, wala naman nang iba, pero may isa siyang pinag-tatakahan, iyon daw ay kung bakit ang ganda ko. HAHAHA joke. Nagtataka siya kung bakit kahit hindi naman daw naulan e nagkakatubig sa sahig ng room niya na mula sa loob ng wall. Yung tubig hindi siya basta bastang tubig kasi daw mapanghi. Pinupunasan niya na lang tas spray siyang lysol (not a paid advertisement HAHAHA). anyway, yun nga nung hindi na siya makatiis   sinabi na niya sa principal ng school yung problema sa room niya at doon nga sa wall, sabi ng principal ganoon na daw talaga iyon dati pa. Kaya umalis yung nasa guidance office kasi hindi na din makatiis. Ginawa na lang imbakan yun ng books,  hindi naman daw dati tumatagas iyon doon sa room ni ate julie ngayon, naisip nila baka dahil na din sa luma na yung pader kaya ganoon nga. Naitanong din ni ate kung may cr daw ba sa 2nd floor malapit sa room niya kasi room ni ate nasa 1st floor ng building, pero wala daw cr ang taas dahil library ito, wala din daw kahit lababo kaya wala namang tatagas mula doon.

So ayun nga. Naisipan nilang patingnan sa manggagawa yung pader sa room, may kalumaan na nga siya. Lumipat na si ate ng room. Pinagiba yung pader sa room na iyon at sa kalagitnaan ng pagrarambulan ng jackhammer ata at maso ay natuklasan nila ang hindi maipaliwanag na senaryo.
Mabaho, makalat, maraming daga, ipis, alikabok, dumi ng tao,  at Isang buto't balat na batang lalaki ang natagpuan nila sa loob mismo ng pader. Oo beh sa loob, buhay ang bata, buhay!pinasok daw siya doon ng isang lalaking may mahahabang kamay, at paa imagine niyo nalang parang lastikman creepy version. Sa loob ng wall ay may  malaking parihabang salamin,  doon daw dumadaan ang lalaki kapag bibigyan siya ng kendi, three knocks para lumabas siya at bigyan siya ng candy, imagine candy lang ang bumuhay sa kanya sa loob ng wall na yun.
Nangmakalabas ang bata, napag-alamang isa siya sa missing persons noong panahong iyon, talamak noon ang kidnapping sa lugar na iyon isang taon bago pa man dumating doon si ate. Ibig sabihin, isang taon nang nawawala ang bata. Isang taong naka-kulong sa loob ng mainit at masikip na pader na iyon na kung iisipin mo e imposible pa siyang mabuhay. Isang taon na akala ng mga magulang niya ay patay na siya kaya hindi na siya hinanap kahit ng mga police, at ngayong nahanap na siya mga magulang niya naman ang hindi na makita.

Dinala ang bata sa foster home, doon inalagaan, pinakain at pagkalipas ng ilang buwan ay medyo naka recover na din ito. Ang nakapag tataka lang ay mula nang masagip ito hindi na alam ng bata ang kanyang pangalan, di niya alam ang address nila, edad niya, mukha ng mga magulang at kahit ang mukha ng sinasabi niyang candy man hindi na niya alam. Pagkalipas ng isang taon sa foster home, binawian ng buhay ang bata. Nakaharap lang daw ito sa salamin nang biglang dumugo ilong at natumba. Sabi ng mga kasama nito sa foster home mula daw nang dumating ito palaging bukambibig nito "three knocks for a candy" . Madalas din daw itong humarap sa salamin at mag knock ng tatlong beses dito. Nagtataka ang lahat sa foster home dahil bigla bigla na lang napakadami nang candy sa kwarto ng mga bata.

Nung mag 2 years na sa trabaho si ate Julie, lumipat na siyang Maynila. Dahilan niya sa auntie niya makukulit daw mga bata doon which is totoo naman. Haha sa ngayon dito na nag tatrabaho si ate sa Bicol.

Hindi na alam ni ate kung anong nangyari sa salamin na nasa loob ng wall kung saan nahanap yung bata. Pero sana, sana talaga nabasag na yun at hindi na makita pa.

Sabi nila, baka pinamumigaran daw yun ng mga entities. Baka nga demon at base na din sa pagkakaalam ko pwede talagang maging pugad or passage ng evil spirits ang mirror, minsan nga daw yung nakikita mong reflection sa salamin e hindi talaga ikaw, ginagaya lang mukha mo.

Ikaw ba? Sigurado ka bang sarili mo yang nakikita mo sa salamin?
Harap sa salamin, pikit, hinga ng malalim, pag dilat mo. Di ka na niya mahal. HAHAHA

Ps. Wag pansinin yung Tearjerky, title po yan sa kanta ng Eraserheads. Hahaha

-Blueming




📜Sigaw
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now