AMETEUR SINGING CONTEST

17 1 0
                                    

AMETEUR SINGING CONTEST

Magandang araw sa inyong lahat. Faith po ng Pampanga.

Ang kwento ko ngayon ay nangyari noong 5 years old pa lang ako. Base sa mga bagay na natatandaan ko at kinwento din ng mga ate ko. Ito ang pang last 3 sa story ko na nangyari sa hometown ko.

Napabalitang may ameteur singing contest sa aming barangay. Para sa mga may edad na, mga dalaga at binata tsaka bata. May deadline yun na pag di ka nakapalista agad kung nais mo man na sumali ay di ka na pwedeng sumali nun pag nag-start na. Basta ang rules magpalista ang sasali bago yun at syempre dapat marunong kumanta.

Sumapit ang araw ng contest. Ang mga kapatid ko isinama akong manood, yung mga magulang ko nun may gawain sa Panginoon kaya di nakapanood. Tapos may hika pa ako nun pero ng time na yun ay di naman nakasumpong ang alaga kong hika. FYI, dun sa mfa nagkoment po pano ako nakatakbo ng mabilis, bago po ako nag 7 ay nawala ang hika ko. Naniniwala kaming pinagaling ako ng Diyos.

Basta lagi lang akong may towel sa likuran. Kaming lima na babaeng magka-kapatid ay nanood at nakita ko din dun ang dalawa ko pang kuya na may pamilya na. Yung Ate Pattie ko na sumunod sa akin ay nakabihis at kasama siya sa contest pati na rin si Ate Mary ko. Kaming tatlo nina Ate Annie at Ate Donna ay full support naman.

Hanggang sa magsisimula na kasi ang contest. Una ang mga bata, natawag sila bale pang lima ang Ate Pattie. Gitara ang sumasabay sa mga contestants. Palakpakan ang mga tao ng ang Ate ko na ang kumanta kasi ang galing nga naman at biritera. Makapanindig balahibo. One moment in time ang kinanta nya. Sigawan ang mga tao
ng matapos siya.

Sa kabinataan at kadalagahan na. Apat lang sila nun tatlong babae at isang lalaki. Yun na nga kasama ang Ate
Mary ko at inawit ang Help. Ng siya na ang kakanta ay tahimik ang lahat, kilala na siya ng barangay. Sabi ng karamihan ay may nanalo na daw.

Ng sa mga may asawa na, tinatawag silang pwede pa po kami, kaya pala nandoon ang dalawang Kuya namin ay dahil kasali rin sila. Kilala ang pamilya namin sa barangay na magaling na mga mang-aawit kaya hayun sabi ng mga tao kahit di pa naman nasabi ang mga nanalo ay namakyaw daw ang mga anak ni Aling Conching, pangalan ng Nanay namin. At ganun nga ang nangyari ng i-announced ang mga winners. Sa bata ay Ate Pattie ko ang winner, sa kabataan at Ate Mary, sa pwede pa po kami sina kuya Lyndon at Kuya Ed. Ang saya-saya namin nun, hanggang yun kamayan pa sila tas ako naupo sa bench dahil nangalay na maghintay sa mga kapatid ko, gusto ko ng magmaktol kasi antok na antok na din ako noon. Hanggang sinabihan kami ng dalawa naming kuya na una na sila kasi malayo yung bahay nila. Nakabukod na sila sa amin. Uwi na rin kayo sabi pa sa amin. Kaso nga ang mga ate ko dami pang ka-chika. Napipikit na ang mga mata ko. Hanggang naramdaman ko ng namimigat ang talukap ng mga mata ko.

Ang mga kapatid ko kwentuhan pa tsaka dami bumabati sa kanila. Kasama din nilang nakikipag-kwentuhan ang dalawa ko pang ate na kala mo nanalo din sa pakaway-kaway. Aisssttt. Napasandal na ako nun sa poste. At pumikit. Naisip ko matatagalan pa ang mga  ito.

Mga 40 mins na rin siguro ang lumipas ng magmulat ako ng mga mata kasi naramdaman ko tahimik na. At nakita ko wala ng mga tao at puro dilim na lang ng buong paligid ang nakikita ko. At nakaramdam ako ng lamig siguro dahil wala na ang mga tao. Hanggang lumitaw ang liwanag ng buwan. Palingin-lingon ako sa paligid natatakot na ako nun, yung towel na nasa likod ko ay hinila ko nang konti habang  pinupunas ko sa uhog ko at luha. Umiiyak na ako, pinigilan ko na magkatunog ang hikbi ko kasi naisip ko nun kung may mumu baka marinig ako. Lalo na ko sinipon ng tuluyan at sinisinok na ko nun sa kakaiyak ng bigla may nakita akong batang babae na papalapit sa akin. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling basta ng paglingon ko bigla nalang siyang nandiyan at papalapit. Naka-bestida ito ng may manggas at puti na may raffles sa baba. Tapos mahaba ang buhok nya at naka doll shoes na puti na may ribbon sa gitna at may medyas na puti. Ang gara ng suot ng bata. Mukha siyang mayaman sa gayak nya. Malaki siya sa akin siguro ay nasa walong
taong gulang ito. Ng makalapit siya sa akin ay di ko maaninag ang mukha nya. Naisip ko nun siguro dahil gabi na nga.

Narinig kong nagsalita siya bakit ka umiiyak? Tagalog ang salita nya. Kaya ako naman ay trying hard na nagtagalog HAHA. Tagalog malabyas ang tawag dun sa aming mga kapampangan. Kako kasi iniwan ako ng mga ate ko pagkatapos ng ameteur. Ang layo ng sa amin kaya paano akong makakauwi huhu. Tapos naiiyak na naman ako. Tapos sabi nya huwag ka ng ng umiyak sasamahan kita. Gusto mo laro tayo? Tumango ako, ngumiti at tumahan habang sinisinok. Tapos nag pik pak bung kami at ang taya ay mapipitik bulag. Ang saya. Tawanan kami at nawala na sa isip kong ng mga oras na iyon ay gabi at naiwan ako mag-isa sa basketball court. Tzaka yung tagalog ko ay mali mali pero di ako pini pintasan ng bata.

Samantala sa bahay namin ay tulog ma ang mga mga magulang namin ng dumating ang mga kapatid ko. So nagsihiga narin ang mga ate ko, at hindi pa rin nila namamalayan na wala ako. Hanggang yung ate Pattie ko ay naalala ang sobre na natanggap wala sa bulsa nya. Tumayo siya at pinag-hahanap ito. Nawawala pala! Pati sa harap ng  pinto ay lumabas hawak ang gasera at hanap siya ng hanap. Dun nagising ang mga magulang ko at tinanong ni Nanay kung napano ba siya. Hanggang pati mga kapatid ko ay naghanap na. Dun biglang nagtanong ang Tatay ko kung nasaan si Faith? Hala dun pa lang nataranta ang mga kapatid kong nanalo lang ay nalimutan na ako. Turuan daw sila kung sino ba ang huli kong kasama. Agad na bumangon ang Tatay ko at kinuha ang flash light at pamalo na ginagamit sa aming magka-kapatid. At lumabas para balikan ako sa basketball court. Kami naman nun ay naglalaro pa rin ng bata. Papalapit daw ang Tatay ko ay naririnig nya ako na tawa ng tawa. Ang saya ko daw na tila may kausap ako at kalaro. Hanggang sa nakita nya ako na tila naglalaro at nagsasalitang mag-isa. May mga kawad na nakaharang nun sa bakod. Kung pwede lang syang lumusot dun ay ginawa nya na para agad makalapit sa akin.  Kaya dali-dali daw itong tumakbo para makalapit sa akin. Nasa entrance na siya ng court ng marinig kong tinawag ako, "Dungdong"( means love-love). Natuwa ako ng marinig ko ang boses ni Tatay at tumakbo ako papalapit sa kanya. Knight in shining armour ko talaga ang Tatay ko kahit kailan. Alam na alam nya pag kailangan ko siya. Kaagad akong yumakap sa kanya, yumuko siya at kinarga ako. "Tara uwi na tayo neh hinihintay ka ni Nanay" sabi nya. "Ayy Tay may kalaro po ako magpa-paalam muna ako sa kanya", sabi ko naman.
"Asan siya", ani Tatay. "Hayun o nakaupo kasama ko kanina ng wala ka pa naglalaro nga kami. Tara lapit tayo", sabi ko lumapit naman kami.
"Wala naman e", sabi ni Tatay. Tumingin tingin kami sa buong paligid wala ang bata na talaga namang pinagtaka ko. Ang entrance ay dun sa pinasukan ni Tatay kaya paano at saan ito dumaan?

Ng pauwi na kami tinanong ako ni Tatay kung sino daw ang kalaro ko, sabi ko batang babae. Maganda.
"Bakit nakita mo ang mukha?", sabi ni tatay, "ayy di ko po matandaan kasi madilim," sabi ko.
" O e anong suot ng bata?" Tanong ni Tatay.
"Maganda po naka puting dress tapos white doll shoes kala ko nga flower girl o may honor at aakyat sa stage". Kasi naalala ko ang ate ko pag umaakyat sa stage ganun porma nila.
"O e ang buhok" sabi ni Tatay. Naramdaman ko ang kabog ng dibdib nya nun kasi nga kinakarga ako. Mahaba po hanggang dito kako isinenyas ko na hanggang baywang.
"Nag-usap kayo?" tanong nya.
"Opo tagalog nga eh." Hindi na kumibo si Tatay at halos tumakbo na siya para makauwi kami.

Pag-uwi sa bahay pinunasan ako ni Nanay at pinahiga na. Ang mga kapatid ko naman ay tinawag ni Tatay at kinausap sa dining table. Alam ko galit sya nun pero nagpipigil siya. Narinig ko lang nun ang sinabi nyang bakit nyo iniwan ang kapatid nyo? Kinalaro nya ang kapatid nyo!

Kinabukasan ay narinig ko ang mga ate ko na nag-uusap at inaasar ako na ang kasama ko daw pala na naghintay sa court ay multo. Kaya napagalitan sila kay Tatay dahil iniwan nila ako at kinalaro ako ng multo. Sabi ko mabait siya sa akin at hindi naman nya ako sinaktan, hindi siya multo kako. Baka angel pala yun sabi ko pa nun. (Sabi sa inyo eh, di lahat ng multo ay salbahe at gustong manakot.)

May isang pamilya daw na nag-bakasyon sa lugar namin na taga-Manila at ang batang yun ay nasagasaan ng rumaragasang sasakyan sa harap ng basketball court kaya daw dun madalas magparamdam. Bibili lang siya ng chocolate sa katabing tindahan ng basketball court. Mahilig daw yun sa bata kasi solong anak. Nagkaroon naman ng justice ang pagkamatay nya. Ako naman nun ay naging tagalog na ang dialect, kwento ng Nanay ko at mga kapatid ko 😂.
P.S.- yung mga nag- send po sa akin ng friend request di ko po kayo ma-confirm dun kasi dummy account ko lang yung paglike and comments ko. Pasensiya na. Gusto ko nalang kayong i -add dun sa totoo kong fb. Alam nyo na kung sino kayo.
Yung part2 ng honeymoon, nahihiya yata akong isend HAHA.

Faith♥️
Pampanga



📜Spookify
▪︎2020▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now