Lumang Larawan

36 2 0
                                    

*Sorry medyo mahaba ito.

Dati sa lumang bahay namin, nagkalkal kami ng mga lumang gamit ng mga pinsan ko. Hanggang sa makita namin yung couple picture ng ninunu namin tapos nagdecide kami idisplay sa bahay namin yung picture.

Nung time na yon may kinuhang house boy noon ang lola ko para tumulong samin sa mga gawaing bahay. Pangalanan nalang natin na Kuya Ethan. Madaling araw nun, lumabas si kuya ethan para mag igib ng tubig sa may poso sa amin. Yung poso samin nakaharap yun sa pintuhan ng likod bahay. So si kuya ethan sabi nya nung nag iigib daw sya, nagulat sya ng may makita syang dalawang matanda na nakatayo mismo sa pinto ng likod bahay, parang nakatingin pa daw ito sa kanya at ang suot pa ay naka barong at saya. Tinawag nya pa "Nay? gising na kayo?" pero napaisip daw sya kasi parang hindi yun ang lola ko kasi naka lumang damit pa daw. Gusto nya daw tumakbo kaya lang nakita nya pa daw na tumalikod yung dalawang matanda tapos ang natandaan nya lang is may nunal ito sa gitnang-batok na malaki. Pagkatapos daw ay biglang nawala. Doon na sya tumakbo palabas samin at hindi sya pumunta sa bahay noon ilang araw.

After nito, ganito din ang nangyari sa neighbor namin na nag iigib ng poso, si Ate Ana. Kung ano yung nakita ni kuya ethan ganoon din ang nakita nya nung nagkwento sya. Kaya nagkakatakutan na sa bahay namin nung mga panahon na yun, as in kung may mag iigib ng tubig laging umaga or hapon nalang, wala ng nagpapaabot ng gabi.

Yung isang pinaka kinatakutan namin na ng nangyari ay yung nangyari sa second cousin ko. Ilang bahay pa bago yung bahay nila mula samin kaya dito kami napaisip sa nangyari sa kanya. Yung pinsan ko na yun madalas tumambay sa gabe hanggang madaling araw sa may tapat ng bahay nila. Madaling araw ito ulit, sya nalang ang nasa tapat ng bahay nila kasi umuwi na yung mga kasama nyang tumambay non. Nakatayo pa daw sya at nagcecellphone ng may dumaang matanda sa harap nya at nagsabi ng "Ne ang ganda mo." Yung pinsan ko naman sumagot, "thank you po" nakayuko pa daw sya nito busy magtext kaya hindi nya kita yung nasa harap. Maya-maya nagulat daw sya ng tignan nya yung matanda, nakadamit saya din ito at nakatali ang buhok. Natulala daw sya nung makita pa nya nung maglakad ang matanda dahil parang nakalutang ito sa lupa. Tapos nung nakatalikod na daw yung matanda, nakita nya rin na may malaking nunal ito sa batok. Lumiko daw yung matanda papunta sa bahay namin bago mawala. Doon na daw sya nagtatakbo at nagsisigaw. Lahat halos ng tao sa bahay nila ay nagising dahil akala nila may magnanakaw or ano.

Tatlong araw nilagnat yung pinsan ko, sa tatlong araw na yon may time na sumisigaw sya bigla sa kwarto nya "tigilan mo ako!" "tigilan mo ako!" Nung tinanong sya ng papa nya, ang sinabi nya, naririnig nya daw yung bulong ng matanda na "Ne ang ganda mo." "Ne ang ganda mo." paulit ulit daw.

Noong nangyari ito sa pinsan ko, sakto namang bumalik din sa bahay namin si kuya ethan, nasa sala sila ng lola ko nun at nag uusap dahil nga bigla syang hindi pumunta sa bahay. Maya maya napansin daw ni kuya yung picture ng ninunu namin sa may sala at sinabi sa lola ko na "Nay, sila ho yung nakita ko sa may likod bahay.." Putlang-putla daw non si kuya ethan kaya nagpaalam na rin sya agad sa lola ko at umuwi. After non doon din namin nakumpirma na sila din ang nakita ng neighbor namin na si ate ana at ng pinsan ko.

>> Pina albularyo namin ang pinsan ko kasi hindi na namin ang gagawin sa kanya para syang nasisiraan ng bait dahil naririnig nya pa rin yung bulong ng matanda. May dasal na ginawa doon sa pinsan ko, pagkatapos ay pumunta naman sa bahay namin yung albularyo dahil nabanggit ng pinsan ko na doon nya nakita yung matanda na papunta samin. Sinabihan ng albularyo ang lola ko na ibalik namin kung saan namin nakuha yung picture ng ninunu namin at wag na daw itong gagalawin ulit.

**After ilang years, binenta ng lola ko ang bahay dahil sobrang minalas kami. Madami pang nangyari dyan sa old house namin. Next time nalang ulit.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now