LEONORA ISABEL

45 3 0
                                    

LEONORA ISABEL

Hello, ishe-share ko lang yung naging experience ko dati nung nag-aaral pa ako sa college, medyo crëépy itong story na ito.

It was started nung nag-sembreak kami nung 2016, mga pasado 11:30 pm na ng gabi nun, at nakaramdam na ko ng antok. Habang nanaginip ako, para bang nag-time travel ako pabalik sa past. Magulo yung event, parang bumalik ako sa 1940s during WW2 in the Philippines. Sa panaginip ko, isa raw akong sundalo dun sa starting scene. Nakahandusay daw ako at ginigising ako na kapwa ko sundalo sa dreams ko, and I remember tinawag niya ako sa name na "Guillermo", nagising naman ako, at may sugat ako sa kaliwang braso (in my dreams only pero ramdam na ramdam ko yung sakit).

Habang tumatakas kami nung kasama kong soldier sa dream ko, dinig na dinig ko yung pütûtán ng mga bärîl, pagbagsak ng ärtíllêry shell at yung tunog ng mga tora-tora aircraft na nagda-dívè-b0mbìng malapit sa pwesto namin (nakakakilabot na experience, parang nandun ka talaga sa mismong wärz0ne). Habang tumatakas kami nung kasama kong soldier, parang may sümâb0g sa bandang likuran namin, at ayun, nawalan kami ng malay pareho.

Nagising na lang ako nun sa isang field hospital habang may kumakausap sa ‘kin na mestisang nurse at nagpakilalang si "Leonora Isabel", maganda si Leonora, mukhang sinaunang dalaga nung panahon ng Kastila, mestisa na may maamong mukha. Ang kanyang ama sa pagkakatanda ko ay isang don at may-ari ng isang farm, at ang nanay naman nito ay isang theater actress. Habang kinakausap ko si Leonora, para bang unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya makalipas ang ilang araw (sa dream ko).

Niligawan ko si Leonora at naging kami. Naging mabuti naman ang relationship namin ni Leonora, napaka-nostalgic ng eksena, para talaga akong nasa 1940s. Isang araw (in my dreams), doon na nagsimula ang kalbaryo. Pumunta raw kami sa bahay nila Leonora para ipakilala ako sa kanila ngunit ang tatay niya (bigyan na lang natin ng name na Don Mariano dahil nakalimutan ko na yung name) ay tutol sa aming pagsasama namin ni Leonora dahil si Don Mariano suportado ang Pamahalaang Hapon (Japanese Government) at dahil ang character ko rito ay si "Guillermo". Isang sundalong kampi sa Pamahalaang Amerikano.

Sa kadahilanang tutol ang mga magulang ni Leonora, minabuti na lang namin na magsama at mamuhay ng mapayapa malayo sa kanilang pamilya. Masaya naman kaming namuhay pero ang kasiyahan na naramdaman namin ay napalitan ng sigalot dahil ang bahay na tinutuluyan namin ay sinalakay ng mga sündal0ng Hapon. Bìnügb0g ako ng mga sundalong yun (naramdaman ko yung paghampas ng riflë sa tiyan ko, parang totoo kahit sa panaginip lang) habang si Leonora nagmamakaawa sa mga sundalong Hapon na
ako’y palayain, pero ang nangyari tinuläk nila si Leonora at biglang b!närìl.

Nagälit ako, nakipagbuno ako sa mga sundalong Hapon. Para akong nawala sa sarili, naagawan ko ng bärîl yung isang sundalo, binaril ko raw yung sundalo na bümâr!l kay Leonora. After nun, ako naman yung bînär!l ng sundalo hanggang sa näm4tày ako. Bigla na lang akong nagising na pawis na pawis at lumuluha. Mga 4:45-5:00 am na yun nung nagising ako. Natulog na lang ako ulit at nagising bandang 7 ng umaga. Pagkagising ko sobrang sakit ng buong katawan ko, para akong bìnügb0g. Tapos pagbangon ko, pagtingin ko sa salamin, tinignan ko yung buong katawan ko at parang may mga maliliit na pasa. Ang mas kinagulat ko pa, yung pasa ko sa katawan may mga bilog na maliliit (parang tinamaan ng bälà na di tumama, yung namuo lang yung tama ng bälà sa katawan tapos naging pasa).

Habang nagbe-breakfast ako, iniisip ko yung napanaginipan ko kagabi, at naalala ko nung mga bata pa kami may kwinento sa ‘min yung lola ko about kay Leonora Isabel Del Castillo at Guillermo Joaquin Perez, yung dalawa na yun ay Lolo at Lola namin sa tuhod. Naalala ko yung picture nilang dalawa nakadikit sa diary ni Lola, yung picture ni Leonora. Ganun na ganun yung itsura sa panaginip ko, habang si Guillermo naman pagkakatanda ko kamukha niya si Ian Veneracion na may bigote.

Habang iniisip ko yun, bigla na lang akong napaiyak sa isang tabi, hindi ko alam kung bakit yung picture nilang dalawa ni Leonora at Guillermo. Di ko na alam kung nasan na napunta yun. Kahit isang beses ko lang yun nakita, tandang-tanda ko yung itsura nilang dalawa.

Senpai
2016
HRM
DCSA

📜FEU Secret Files
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now