CAMILLE

26 0 0
                                    

CAMILLE

Hola ka sigaw, como estás? Hindi ko na dinugtungan pa yung dream about you kasi sinabi ko sa pinsan ko na siya nalang bahala magtapos. So this time ang story ko ay iikot Kay Camille. Base to sa na research ko about sakanya. Kwento to ng tita nya.

Tita ni Camille Pov

Bata palang si Camille ay introvert na to, ayaw nya na makihalubilo sa iba at lagi lang nasa loob ng bahay. Laging wala ang parents nya dahil busy masyado sa pagiging ofw. Lumaki sya sa lolo nya , habang lumalaki si Camille may napapansin kami sakanya. Lagi nya kinakausap ang sarili nya, minsan para bang kala mo may kalaro siya pero wala naman talaga. Sabi ng asawa ko baka may imaginary friend dahil nga di pala labas ng bahay. Minsan pinipilit ko sya na makipag laro kahit man lang sa mga pinsan nya, pero ayaw nya. Madalas pa ay inaaway lang Ito ng ibang bata. Kaya di na Namin sya pinilit pa.

Noong nag aaral na si Camille ng elementary, wala syang sinasabing kaibigan nya sa eskwela. Hindi naman mahaba ang mga grades nya sa eskwela. Pero madalas reklamo sakanya pagiging sobrang mahiyain.
Lagi padin nmin syang nahuhuli na nagsasalita mag Isa. Minsan pa eh pinagagalitan Namin sya. Nagtataka ang asawa ko sakanya, minsan masayahin sya, minsan naman kala mo naurungan ng dila sa sobrang tahimik. Minsan pa nakakatakot syang tumingin. Lalo pa kaming nabahala ng minsan bukod sa iba ibang mood nya pati pananamit iba iba din . Minsan panlalaking T-shirt ang hilig nya minsan naman pang babae.

Nag high school sya medyo nabawasan ang pagiging ganon nya. Nakampante naman kami kaso wala syang kaibigan. Lumuwas ako ng probinsya noon para sa asawa at anak ko. Naiwan sya lolo nya. Matagal bago ko sya huling Nakita. Nagkita kame nung huling lamay ng lolo nya, namatay sa heart attack. Ang laki ng pinagbago nya, mas tahimik at mailap. Laki din ng pinayat nya, umuwi ang mommy nya . Ilang buwan lumipas napansin ng mommy nya na may kakaiba sakanya kaya dinala sya sa espesyalista. Doon na diagnose sya na may multiple identity disorder. Binigyan sya ng gamot at therapy.

Nag kolehiyo sya, mas napanatag kami dahil nagkaroon na sya ng bestfriend. At mas naging normal na sya, pala kaibigan na at masasabi ko na iba sya. Pero isang gabi nagimbal ako sa iyak ng papa nya. May hawak un na maliit na notebook, nabasa ko laman non at halos sisihin ko sarili ko. Bakit ko sya iniwan noon sa lolo nya. Sana di nya sinapit yon , pero Nakita nman Namin na nagmove on na sya. Sabi nya sa amin ok na sya. Mas minahal sya ng lahat pero pagka graduate nya ng kolehiyo kasabay non ang pag panaw ng mama at papa nya. Plane crash ang kinamatay nila. Kahit walang luha sa mga mata nya ramdam ko ang sakit nito sabay pa ng pag iwan sakanya ng taong minahal nya.

Pero sa mga panahon na yon mas pinipili nya matulog, dahil daw may nagpapakita sakanya na babae. Dahil sa babae na yun, naibsan lahat ng sakit na nararamdaman nya. Naging pursigido sya, hanggang makahanap ng trabaho sa isang coffee shop. Simula non wala na akong balita sakanya. Hanggang sa nakatanggap ako ng text galing sakanya. Sabi nya " tita, Nakita ko na sya. Yung babae sa panginip ko. Ang saya saya ko. Pero sinabi ko may bf ako. Tita ang ganda ganda nya. Update kita uli".
Matagal bago sya nag text uli, tinatawagan ko pero di sinasagot. Hanggang sa nagtext sya uli, " tita iniiwasan nya ko tita."
Nasaktan ako pero sinabi ko na hayaan nya na. Sagot nya "not this time". Ayon na ang hulk nyang paramdam saakin.

- -------

Hindi akalain ng tita nya na ganon ang dinanas ko sa pamangkin nya. Nagulat sya ng makita ako, may kamukha daw ako pero di nya sure sino. At humingi sya ng paumanhin sa akin. Nabasa ko ung notebook na sinasabi ng tita nya at yun gumuho ang Mundo ko. Naisip ko matapang sya, kasi kung saakin ngyari ang ganon baka wala na ako sa Mundo. Naging sex slave sya ng lolo for how many years. Ngayon nasa mabuting kondisyon na si Camille. Ako na sumusustento sa mga therapy session nya at gamot. Sinabi ko sa sarili ko, di ko sya susukuan at di ko sya pang hihinawaan tulungan. Masaya sya now, masaya kame. Hanggang dito nalang sigaw. Salamat sa inyo.

Luna 💜

Iba pang kwento mula kay Luna
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=570086613732946&id=218238752251069



📜Sigaw
▪︎2019▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon