Love, Friendship, God

22 2 0
                                    

Love, Friendship, God

Ang kwento ko po ay katulad sa kwento ni Alibaba sa isang parte lang naman. Anim po kaming magkakapatid ako po ang bunso. Nung magcollege na ko lahat ng mga nakatatanda kong kapatid may trabaho na kaya po maluwag ako ng konti sap era kasi suportado nila ko. Hindi po ako sa manila nagkolehiyo sa may kapitolyo lang ng lalawigan namin pero dahil po malayo ito sa baryo namin kaya nagboardinghouse ako. Ang kinuhang boarding house ng ate ko yung puro lalaki lang ang boarders kasi para daw hindi ako matukso. May anim na kwarto yung boarding house. Yung isang kwarto para sa landlord. Labing lima po kaming boarders, tatlo kada kwarto. Mabilis akong nakaadapt sa college life tapos nung patapos na ang 2nd sem nakuha ang player ng volleyball. Sabi nung coach namin, lipat na ko sa dorm na nasa loob ng university. Nagpaalam ako syempre sa mga ate at kuya at bago matapos ang bakasyon eh pumayag naman sila sa tulong na rin ng pangungulit nila nanay at tatay sakanila. Kaya pagdating ng 2nd year nakalipat na ko. dito nap o nagsimula lahat. bilang varsity may naka assign saming locker sa gym. May padlock naman mga locker pero may siwang na dalawang guhit kaya pwedeng masingitan pa rin ng papel. Malinaw pa sa alaala ko lahat yung araw na yun, june 21 2000, 3pm. Pagbukas ko ng locker ko may nakasingit ng envelope na kulay pink. Pagkahawak ko naamoy ko mabango pinabanguhan. Pagbukas ko ng envelope, may sulat. Binuklat ko at maikli lang naman. Normal na love letter na pinupuri ako galing ko raw maglaro, ngiti daw ako palagi, galingan ko pa lalo. Syempre kinilig po ako lalo at ngsb pa ko nun. Nagtuloy-tuloy yun hanggang sa makita na yun ng mga tropa ko tapos kantsawan na. Yung simple pero nakakakilig na mga love letters nag level up pagkatapos ng dalawang buwan. August 28 2000. Lunes nun at tanghali na ko nakabalik ng dorm kasi hindi na ko pinaalis nila nanay ng bahay nung linggo. Papasok akong dorm nung yung si kuya edong, yung guard ng dorm sabi nya may nag-iwan sa harap ng pinto ng kwarto namin nila timothy. Chocolates na nasa maliit na basket. Tapos sabi ni kuya edong pahingi sya nung kisses pagbubuksan ko na. tinanong ko agad kung sino nagbigay? Hindi nya raw alam basta nung nag-ikot sya nung sabado ng gabi nasa harap na ng pinto namin, pinakita nya yung card nakalagay, Richard. Ako po yun. Lalaki po ako. Kantsawan mga tropa ko kasi ang kapal kapal daw ng mukha ko kasi biruin ko raw babae yung nagbibigay sakin ng ganun. si Julius yung isang tropa kong masasabi kong hindi ko kaclose kasi hindi naman ako kinakausap at parang laging inis sakin  eh sinabi na baka ako lang din yun. Syempre nainis ako. Nagkakuhaan kaming salita. Eh mahal yung mga chocolates na nasa basket, cloudnine nga lang kinakain ko eh. Ano yun self support? Tapos sabi nya eh saming lahat ako yung may pera kaya kayang kaya ko. inawat na sya ng iba ko pang mga kaibigan. Kaya nung nasundan yung pagbibigay na naman ng secret admirer ko, hindi na ko natuwa. Tinatapon ko na yung mga love letters, yung mga chocolate binibigay ko na kay kuya edong sabi ko sa mga anak na lang nya. Matatapos  na 1st sem ng 2nd year, habang nagpapractice kami, sinabi ni coach na bago kami umuwi sa kanya kanya naming mga bahay eh dumaan muna kami sa bahay nya at debut nung anak nya. Muna kaming lahat ng dorm, naligo kami pagkapahinga tapos syempre nagpapogi. Hindi lang kami yung varsity na nandoon, pati yung mga basketball at volleyball girls. Wala namang program kainan na agad. Nahiwalay ako sa mga tropa ko kasi pinauna kong kumuha yung mga babae ng pagkain. Tapos kasi wala na kong maupuan, naghanap ako sa loob ng upuan. Doon ko muntikan ng mabanga yung isang babae. nagsorry ako tapos ayun nafall ako sakanya. Niligawan ko sya december ng 2000, sinagot nya ko pebrero ng sumunod na taon. Kapatid sya ni coach, pero okay lang kay coach. Sa ibang university sya nag aaral pero sa kapitolyo rin lang kaya madali lang samin magkita. Tuloy pa rin po yung sa secret admirer ko at alam yun ni Almira. Cool pa nga sya.
October 2001. Pagpasok ko ng gym sinalubong ako ng suntok ni coach. Ako wala akong ideya kung anong problema nya. Nung nakalma sya, saka ko nalaman dahilan. Hinampas nya sa mukha ko yung dahilan. Pictures, ako na tulog, sa kama ko sa dorm kasi yung punda ng unan at kobre kama kong terno na bili nanay yung nakita ko sa picture. Topless po ko nun sa picture na talagang ganun ako matulog. Kahit mga tropa ko, sinabi kay coach na totoo yun. Madali namang kausap si coach nagsorry sya kasi akala nya niloko ko kapatid nya. May inabot syang sulat. Nasa pink envelope din. Habang binabasa ko yung sulat nanginginig ako sa galit. Pinapalabas nung admirer ko kuno na ako daw at sya ay nagsex. Kung gaano kabilis kong nakumbinsi si coach na hindi totoo yung sinasabi sa sulat syang hirap naman kay Almira. Nakipagbreak sya sakin tapos hindi na nya ko kinausap o hinarap man lang. Pag uwi ko ng bahay makulimlim mukha ni nanay at tatay. Lahat ng ate at kuya ko nasa bahay din. Yung panganay na kuya ko lumapit sakin pinaupo ako sa upuan na nasa gitna. Pinalibutan nila ko. pinakita ni kuya rey yung picture. Katulad nung picture na pinakita ni coach. May sulat din katulad ng laman. Umiiyak si nanay kasi akala nya mag aasawa na ko. pinaliwanag ko lahat kahit kinakabahan na ko sa dalawang kuya ko na parang anumang oras dadagukan na ko kasi umiiyak si nanay dahil sakin, bagay na ni isa sakanila hindi nila ginawa o tinangka man lang. nung matapos akong magpaliwanag, sabi nila ate baka sinisiraan ako nung admirer ko kasi nagalit nung nagsyota ako ng iba. Naisip ko naman pano kong ang syosyotain yung secret admirer ko eh hindi ko nga sya kilala? Bilin sakin ni tatay mag-iingat ako kasi parang iba na tumatakbo sa utak nung kung sinoman yun. Pagbalik ko ng dorm, panibagong basket na naman ng chocolates. Tinapon ko yun at yung mga sumunod pa. kahit yung mga sulat tinapon ko rin at hindi ko na binasa. Hanggang sa matapos ang 2nd sem ganoon ang ginawa ko. December na naman tapos nagkayayaan kaming magbabarkada na magswimming. Doon naungkat yung tungkol sa admirer ko. tinanong nila ako kung aktibo pa rin bay un sinabi ko oo pero wala na kong pake, na galit ako at hindi na ko natutuwa dahil una sinira nya kami ni Almira. Pangalawa, umiyak si nanay dahil sa ginawa nya. sabi nung ibang mga tropa ko na siguro baliw o obsessed sakin yun kasi ang lala ng ginawa. Hindi namin alam may ilalala pa.
3rd year. May naging kaklase ako sa isang subject na babae, si cecil. Una nanghiram lang sya sakin ng ballpen hanggang sa ayain ko na sya na magneryenda sa canteen. Yung pag aya kong yun sakanya yung naging dahilan kung bakit yung all boys na tropahan namin, nagkaroon na rin ng babae. kasi nung maging close kami, naging close ko na rin mga kaibigan nyang babae at naging close na rin ng mga tropa ko. dahil tropa rin namin  si kuya edong, pag sya ang guard sa gabi sa dorm, pwedeng pumasok sa hall namin sila cecil. Bawal lang talagang uminom ng alak. Hinihiram namin yung tv at vcd sa guard house tapos manonood lang kami ng movie. Naging ganoon na ginagawa namin. tapos naging bestfriend ko na si cecil. Nasabi ko na sakanya yung tungkol sa admirer ko pati ginawa nun sa relasyon ko. sya na rin madalas nagbabasa ng mga sulat tapos sya kumakain nung mga chocolates kasi sayang naman daw kung itatapon ko. pero ang kinakain nya lang yung mga nakasealed pa. sabi nya safety precautions lang baka raw kasi pag yung wala na sa plastic eh nilagyan na nung baliw ng lason. Isang gabi, nasa dorm na naman sila, cecil, myra, joan tapos gwen. Nakalimutan ko na title nung movie na pinapanood namin pero si Angelina jolie yung bida, kinalkal ni alen yung bag ni cecil kasi naghahanap syang floss dahil naubusan na sya. Nakita nya yung chocolates na nakaplastic pa tapos inakala nilang sya yung admirer ko. kantswan ng sobra na natigil lang nung ako na yung nagpaliwanag. Sinegundahan naman ni cecil na kesa masayang sya na lang makikinabang tapos yumakap sya sakin. niyakap ko rin sya pabalik. Katulad ng magbestfriend na babae at lalake, napagkakamalan kami kahit ng mga tropa namin na mag on. Siguro kung hindi ko po bestfriend si cecil malamang liligawan ko sya. Kaya lang kasi nung maging close kami, nalaman ko yung tinatago nyang sikreto. Babae sya at babae rin ang gusto nya, si gwen. Sa aming lahat, ako lang nakakaalam ng sikreto nyang yun. Pag may nagtatanong syota ko ba sya ang ginagawa ni cecil, hinahawakan nya ko sa kamay. Tapos ako naman tatawa lang. nung gabing yun tinanong nila kami bakit hindi na lang maging kami. Tumawa lang kami pareho tapos nung matutulog na, tumabi sya sakin at tahimik na umiyak. Si gwen po kasi nung gabing yun, umalis kasi doon matutulog sa bahay ng boyfriend nya. Araw po ng linggo, pinuntahan ako nila alen sa bahay. Kasama nila si myra na mugto ang mata tapos may bandage sa noo. Nagsasampay ako nun ng mga nilabhan nila ate nabitawan ko yung mga sipit na kinuha ko sa loob ng bahay nung sabihin nilang si cecil nasa ospital kasi may nangursunada sakanila ni myra nung papauwi na sila sa boarding house nila. dali-dali po akong nagsuot ng pang itaas na damit at umalis. Pagdating namin sa ospital tulog si cecil. Yung kalahati ng mukha nya may benda, yung kanang braso nya sinimento pati yung kanang binti nya. kwinento ni myra na yung umatake sakanila, naka bonnet, may hawak na tubo. Sya ang unang tinulak tapos sinunod si cecil. Nung magising si cecil pinalabas nya silang lahat maliban sakin, kahit daddy nya pinalabas nya. Pagkaupo ko sa tabi nya sabi nya kunin ko yung jacket nya sa bag nya. pinakuha nya yung nasa bulsa ng jacket. Nanlamig ako bigla kasi pink na envelope. Ang nasa loob, piraso ng yellow paper, nakasulat. Akin lang sya. Mas nanlamig po ako kasi sabi nya, binulsa sakanya yun nung umatake sakanila pagkatapos syang hampasin ng tubo. Tapos sabi nya, nasa mga tropa lang namin yung admirer ko. sabi nya isipin kong mabuti, sa loob ng ilang buwan nilang pagtambay sa dorm namin, nung huwebes lang ng gabi kami nagtabi matulog na sobrang kantswan ang nangyari na akala ng lahat ng tropa eh kami na. sabi nya mag-iingat ako, wag na wag kong sasabihin sa iba naming tropa sinabi ko sakanya. Hindi ko alam ang gagawin. Ayaw ko syang iwan. Malaking pagkakamali. Hindi kasi ako pumasok hangga’t hindi sya nakalabas ng ospital, isang linggo din yun. Saka lang ako napanatag nung makauwi na sya. Akala ko kasi safe sya. Sunod na linggo na ko pumasok na halos wala kong kinikibo sa mga tropa namin dahil nagkaroon na ko ng paranoia. Sinasabi nila myra sakin na okay na si cecil wag na ko mag alala masyado, akala nila na yung pagiging balisa ko at tahimik dahil lang sa nangyari kay cecil. Dahil dun nag ngitngit ng todo yung may gawa nun kay cecil. Hindi ko malalaman yung pangalawang nangyari sakanya kung hindi pa sya tumawag sa bahay namin at makausap si nanay. Si nanay dinayo ako sa campus kasama sila ate para sabihin na umalis na ko sa varsity at mag uwian na lang ako, susunduin ako ni kuya rey lagi pauwi. Pagkauwi ko ng bahay, nandun si cecil at daddy nya. si cecil na may cast pa rin binti at braso at may bandage pa rin sa kaliwang pisngi, nadagdagan na naman. Mayroon na sya nung sa leeg. Nung tinanggal nya yun, napamura sila kuya. Kasi namamaga, sinakal sya habang tulog. Yung bahay nila cecil kaya sya nagboboard eh nasa dulo ng probinsya namin. Halos tatlong oras ang byahe. Sabi ng daddy ni cecil, kung sinoman yung secret admirer ko, wala na sa tamang katinuan at dahil doon, ililipat na nya si cecil ng university at dapat ganoon na rin ang gawin ko. tapos nilapag nya sa mesita namin yung pink envelope. Ang nakasulat, malandi ka Cecilia mamatay ka na. kaso lang po mas naguluhan ako eh. Kasi ayon sa kwento nilang mag ama nahuli sa akto ni uncle yun, at nagpambuno pa sila. Lalaki daw. Tumango si cecil, hirap syang magsalita pero pinilit nyang kinumpirma na lalaki nga. Noong unang encounter nila kasi hindi nya masyadong matukoy dahil naka jumpsuit yun, pero nung ikalawa na, nakatshirt na plain white lang at pntalon yung tao. Lumipat si cecil sa manila, ako naman sinusundo ni kuya rey. Okay lang naman sakin dahil alam kong safe ako pag kasama ko sya. Malaki kasi syang tao tapos pulis pa. sya na rin kumausap kay coach tungkol sa pag alis ko sa team. Si coach biniro pa ko na ang lakas ng kamandag ko biruin ko raw pati lalaki nagkagusto sakin. iniwasan ko na rin na maging close kila myra na katuad sa pagiging close ko kay cecil. Si cecil naman tuloy komunikasyon namin, telebabad. Sya tumatawag syempre para tipid ako. Nagpatuloy yung pagbibigay sakin ng sulat at chocolates, iniiwanan sa bahay namin, una sa may pintuan, tapos nagdesisyon sila kuya na magpapader at magpagate, ayun sa harap na lang ng gate iniiwan. Nung graduation naman may nadagdag, relo, yung relo po may naka engraved na initials ko, RW. Sabi nya sa sulat, parehong pareho kami at pati yung sa font ng initials namin. Iniipon ko na lang tapos nung mag aapply na ko ng trabaho sa manila, nilagay ko lahat ng sulat sa isang bag pati yung relo at iniwanan ko sa bus.
Napatunayan ko na tunay nga yung hinala ni cecil na nasa tropahan lang namin yung admirer ko dahil kahit po wala na ko sa university, nag uupa na ko ng maliit na bahay sa manila eh dun naman nito iniiwanan yung mga sulat. Sinabi ko yun kila nanay na dahilan para mag-alala sila. Tapos sabi ni ng ate kong pagkatapos kong grumaduate eh nagpakasal na sa italyano nyang boyfriend, kukunin na lang nya ako doon sa Italy ng matigil na pero pansamantala habang hindi pa ko makakaalis, pinagreresign nya ko sa trabaho at pinauuwi sa probinsya. Sabi ni ate baka kasi ikadali ng buhay ni nanay yung labis na pag-iisip sakin. sa bayan na lang namin ako nag-apply at pinalad namang natanggap. Naghintay pa ko ng dalawang taon. Sa loob ng dalawang taon, kahit anong aya ng tropa sakin na magjamming hindi ako sumama. Lagi akong nagpapalusot. Kay cecil lang ako nakikipagkita. Si cecil lang din may alam na aalis ako papuntang Italy. Naisip ko oo ang unfair pero kasi natatakot na ko eh. Sa kung anong kaya pang gawin ng admirer ko oras na malaman nya na aalis ako. Naisip din yun ni kuya rey kaya kinumbinse nya sila tatay, limang buwan bago ako makaalis na sumama na sila sakanya sa pangasinan kung saan sya madedestino at dun na lang sila. Pumayag naman sila tatay kahit mejo natagalan kasi hindi namin sila masisi, dugo’t pawis nila sa pagsasaka yung pinangbili sa lupa at pag papagawa ng bahay, ayaw nilang ibenta ng ganun na lang. pero kinausap ko sila na kung sakali na gusto pa ko nung baliw na yun at malaman nyang lalayo ako baka sila naman ang balikan, kung hindi sila aalis, hindi na rin ako aalis. Pag-alis ko nakalipat na rin sila.

(send ko po kasunod hindi po kaya ng form nyo pala yung sobrang haba)

Chard

📜Sigaw
▪︎2020▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant