Be Careful Who You Bully (Part II)

36 0 0
                                    

Be Careful Who You Bully (Part II)

Hi! Maraming salamat po Admin/s ng Spookify dahil napost yung kwento ko at maraming salamat din po sa lahat ng nagkomento haha natawa at natuwa po ako sa mga kinoment ninyo. (Mahaba po uli ito)
Yung sa Kaibigan ko po, lalake at engkanto po siya hindi po demonyo. Sa probinsya po namin sa Northern Samar niya ako nakita't nakilala, alam niya yung tungkol sa Biringan dahil doon siya nanggaling, sinasabi niya sa akin yung tungkol sa lugar na iyon, ilang beses kona siyang pinilit na ipasyal niya naman ako doon pero lagi lang niyang sinasabi na bawal pa daw sa ngayon, sa tamang edad ko nalang raw na niya ako dadalhin doon. (16yrsold napo ako)
Hindi ko po masasabing masama na siya dahil lang sa gumagawa siya ng hindi maganda o gumaganti sa mga nananakit sa akin...
Nung pumunta kami nila mama sa lugar ng pamangkin ko para bumisita (bakasyon, last year) nasa 2ndflr ako ng bahay nila at nakadungaw sa bintana, nakita ko yung kaibigan ko sa labas ng gate na malungkot na nakatingin sa batang madungis na nakaupo sa gilid ng kalsada, umiiyak yung bata at nakahawak sa tiyan. Bumaba ako at pinuntahan ko sila, sabi ng kaibigan ko..
""""Bili tayo ng pagkain para sa kanya.""""
""""Wala akong pera eh, pero saglit lang..""""
Bumalik ako sa bahay ng pamangkin ko, saka ko tinakas yung isang balot ng tasty bread sa ref. saka ako tumakbo palabas at binigay sa bata, buti nalang nasa kwarto silang lahat nagkukwentuhan, tsaka madami naman silang foods okay lang yun XD may tatlong tsukulit din ako nun sa bulsa, binigay ko yung dalawa sa bata tapos kinain ko yung isa HAHAHA!
Tapos eto pa po, lunch na namin nun (august or september ata yung month, ngayong taon lang po) bumibili kami ng mga classmates/friends ko ng foods, nung binigay na sa akin yung binili ko binulong sa akin ng kaibigan ko na h'wag ko daw ubusin lahat (naisip ko nga nun baka kakain din siya hahaha) okay lang naman tsaka may baon din naman ako, pumunta na kaming lahat sa Yellow (yun yung tawag namin dun kasi yellow yung kulay ng pader ng kainan HAHA) Habang kumakain na kami may bata na nanghihingi ng pagkain edi ayun binigyan ko, tapos nakita ko yung kaibigan ko na parang baliw na nakangiti habang nakatingin sa akin tsaka sa bata HAHAHA!
Minsan din kapag nakakatulog ako sa paggawa ng assignments, paggising ko nasa higaan na ako na kanina ay nasa sala. Tinutulungan din niya akong pigilan yung pusa ko na nilalaro yung butiki (kinakagat kasi kawawa naman) at kapag mag-isa lang akong nagpapakain sa mga baboy, manok, ibon, pato, at mga iba ko pang naging alaga/kaibigan kong hayop dati, sinisitsitan niya ako kapag hindi agad ako kumilos kapag inuutusan ako ni mama HAHAHAHA! Sinasamahan din niya ako magdasal at madami pang iba. Para ko na nga siyang kuya eh :') siguro nga siya yung pinakilala sa akin ni Papa God para maging kuya ko.. palagi ko po kasing pinipray kay papa God dati pa na sana magkaroon ako ng kuya o ate na magtatanggol at mag-aalaga sa'kin at ayun dumating siya :') Sa ngayon wala pa naman po siyang ginagawan ng masama o pinaghihigantihan, tsaka nagpapaalam o magtatanong muna siya sa'kin bago siya kumilos pero syempre sinasabi ko po na hwag, na hayaan nalang at umo-oo nalang siya.
Hindi naman po siya kagaya ng naiisip ng iba... kapag po kasi narinig ng iba yung word na 'Engkanto' ang naiisip agad nila ay masama kahit hindi naman nila alam yung dahilan kung bakit nakakagawa ng masama o hindi maganda sa iba. Tulad din sa mga nagkomento na Demonyo 'daw' yung kaibigan ko kahit wala pa naman akong sinasabi kung ano siya.. porket po ba sinabing ibang nilalang at nakakagawa ng masama eh demonyo agad? Paano naman po yung mga taong mas masahol pa yung ginagawa? Yung mga taong sinisira yung kalikasan, nananakit ng mga hayop, pumapatay ng kapwa tao para sa kayamanan, kasikatan, at iba pa? Diba dapat sila yung tinatawag na 'demonyo'? Haha pero maraming salamat pa din po sa mga opinyon at advise ninyo :') sa mga may gusto pong sabihin, h'wag po kayo matakot na baka ganito,ganyan.. hindi naman po ako madaling maoffend kahit super sensitive ko HAHAHAHA tsaka opinyon ninyo naman po yan eh basta yung may respeto pa rin naman po. Sa mga hindi naniniwala at nagsabi na 'nakuha niya lang yan sa ganito,ganyan blablabla...' siguro po kung ikaw yung magbabahagi ng kwento eh siguro ganun yung gagawin mo kasi nakakaisip kana po ng konklusyon eh, pero naiintindihan ko naman po kayo, siguro nga kung masyado pa akong attach sa physical world at wala ako sa sitwasyon nung magkukwento ng ganito lalo na't hindi ko kilala eh hindi talaga ako maniniwala o masasabi kong imposible ito hahahaha!
So ayun, ibabahagi ko na po yung sa abilities ko... Nakakapagpagalaw po ako bagay gamit ang isip (telekenesis) pero kapag ginagawa ko iyon sa wala namang kwentang dahilan eh sobrang nakakapagod kaya ginagamit ko lang iyon kapag kailangan lang, nakakagawa din po ako ng apoy pero lumalabas lang po ito sa tuwing nagagalit ako, hindi ko po nakokontrol ito kapag nagagalit ako, natatauhan lang ako o nawawala ang galit ko kapag may nasaktan ako at umaray siya, kaya kapag naiinis ako tumitingin nalang ako sa mga puno, halaman o hayop para gumaan o mawala yung nararamdaman kong inis at hindi na umabot sa galit (and thanks kay papa God kasi katabi ko yung bintana sa classroom, tanaw ko agad yung nature) At kapag naiinis po ako umiinit yung katawan ko lalo na yung palad ko, pero kahit hindi ako naiinis hindi pa rin tama yung temperatura ng katawan ko, hindi pa rin tama yung init ng katawan ko, kaya madalas nagkakasingaw ako o humahapdi yung taas ng upper lip ko kasi mainit yung hangin na lumalabas sa ilong ko. Kaya hindi ako nagpapahawak ng kamay o nagpapadampi ng katawan kay mama kasi sasabihin nanaman niya, ""Init mo, 'nak"" o ""May lagnat ka nanaman"" tapos papainumin ako ng gamot kahit sabihin kong wala naman akong lagnat, ganun din yung kapatid at pinsan ko at mga nakakahawak sa'kin, sasabihin nilang ""Ang init mo."" Madali din po akong lamigin kaya palagi akong nakajacket kahit sa bahay balot na balot yung katawan ko ng tela. Nanghihina ako kapag wala akong nahahawakan sa isang araw na mainit na bagay. Nakakapanggamot din ako (shamanism) gamit yung sa init ng palad ko.
Nadiskubre ko po ito noong 5yrsold ako (2005) nasa province kami sa Northern Samar, naiinis ako nun sa Papa ko kasi nakikipag-inuman, nasa terrace ako mag-isa, may puno doon malapit sa gilid ng terrace, inaabot ko yung sanga, nainis ako lalo kasi hindi ko maabot! Naiiyak na ako sa inis kasi hindi ko talaga maabot pero pinipilit ko parin abutin kasi gusto ko hawakan yung sanga. Inaabot ko pa rin tapos biglang parang lumapit yung sanga sa'kin kahit walang hangin (yun yung sa telekenesis kopo) kaya natakot ako pero nahawakan kona yung isang dahon bago ko nabitawan dahil sa takot nga kasi lumapit yung sanga, nung nabitawan ko umapoy! Edi ayun mas lalo akong natakot kaya umiyak ako tapos pinuntahan nila ako, binuhusan ng tubig yung sanga kasi kumakalat na yung apoy.
Nasa province din kami nun 2005 nung may nakilala akong lalake, siya yung nagturo sa akin kung paano ko pa mapalakas o makontrol yung abilities ko.
Nitong August lang, pabalik na kami dito sa maynila kasi bumibisita kami sa Northern Samar taon-taon para sa Salvacion. Nasa Airconditioned Bus kami, wala na kasing ordinary. Mga ilang minuto lang na nandoon ako sobra na akong nilalamig kahit in-off ko na yung hangin sa taas, kaya doble-doble jacket ko.. nung malapit lapit na kami parang mas lalong lumamig, pagtingin ko sa likuran sa akin pala nakaharap yung hangin ng aircon ng nasa likuran namin! Tapos nakita ko pa yung babaeng nakaupo sa likuran namin na nakangiti sa akin na parang nang-aasar! Edi ako tinutok ko yung hangin sa kanya! Hmp! Tumigil yung bus, umihi ata yung driver, tulog ang mga tao kaming dalawa lang ata gising nun, tumayo yung babae tapos tinutok uli sa akin, saktong-sakto pa talaga sa mukha ko! Edi sobra na akong nainis! Wala naman kasi akong ginawa sa kanya eh ewan ko kung anong problema nun sa'kin papansin-.- edi ayun nga! Hinawakan ko yung kamay niyang nakahawak pa sa iniikutan ng hangin! Naramdaman kong may kuryenteng mainit na lumabas sa kamay ko at saka siya sumigaw kasi napaso! Buti nga hindi ko siya tinuluyan! Nabalatan yung kamay niya tapos sumisigaw siya ng ""Waaahh! Ang sakit! Aray!"" sus kasalanan naman niya! Nagising yung mga tao, tapos sinamaan ko siya ng tingin, tingin na nagsasabing hwag sasabihin yung nangyari, edi ayun natakot naman ata siya. Tinanong na siya ng mga pasahero kung bakit pati driver pero nakatingin lang siya sa'kin na parang natatakot tapos kinuha niya yung bag niya tapos bumaba ng bus, sabi niya sa driver na ""Dito nalang po ako, dito nalang."" Nung pinaandar na ng driver yung bus nakita ko siyang nakatayo malapit sa bintana ng upuan ko, may hawak na bato hahaha buti nalang nung binato niya eh sa baba lang ng bintana tumama tapos binelatan ko saka bumilis yung takbo ng bus hahahaha! Active po ang Pineal gland ko at katulad ng iba eh sobrang dami po ng karanasan ko na mga nakakatakot (sa susunod ko po ikukwento).
Gaya ng nakwento ko nung una, simula elementary at junior high eh palagi akong binubully, walang kaibigan na tao, at palaging masikreto. Pero ngayong grade 11 na ako, inopen at sinasabi ko na po ito. Nung pasukan, syempre magpapakilala, dun ko na sinabi sa kanila na may psychic abilities ako ganito,ganyan.. eh kasama sa pagpapakilala yung talent, skill blablabla kaya ayun inopen kona, ang hirap po kasi na ako lang nakakaalam yung walang mapagsabihan na, syempre super kabado ko nun pero natawa ako sa mga reaksyon ng iba kong classmates.. ""Siya pala si $+@-S33|), blablabla.."", para kasing ang saya nilang nalaman na nila na ako yung anonymous sa GC ng HUMSS dash won hahaha! So ayun, ang naging pinakaclose friend o naging bestfriend ko ngayon na tao ay si Alexandra (ayan na parr namention na kita, hwag na magselos kay wacky XD) may nagtanong po na ""Paano daw kung mabroken ako edi kawawa daw si kuya"" hahahaha! Nung babalaan ko yung kaibigan ko na h'wag papakialaman yung unang nagpapuyat sa akin XD Inunahan napo niya ako, sabi niya na alam naman na niya blablabla..
So ayun po, yung nagturo po sa akin kung papaano mapalakas o makontrol yung abilidad ko ang sabi sa akin, kailangan ko din daw iyon ituro sa iba para magising sila tsaka yun din yung misyon ko/namin dito, kaya ayun may mga tinuturuan po ako ngayon na mga classmate, kaibigan sa personal, o kakilala sa fb na gustong matuto o curious lang, may group kami sa FB at doon ko binibigay yung info. (Hi sa inyo mga pareko'y!) tinuturuan ko sila kung paano I-activate ang DNA, Kundalini awakening, Aura reading, etc., binibigyan ko sila ng mga information about sa ganito, ganyan ng walang bayad o hinihinging kapalit,may mga Psychic po kasi na hihingan ka muna ng pera bago ka turuan na kahit alam naman nilang bawal iyon, para sa akin ang pinakamagandang kapalit na matatanggap ko sa kanila ay yung makita silang natututo. Hindi ko pa po alam ang lahat, patuloy pa rin ako sa pananaliksik at lahat ng bago kong nalalaman ay nasasabi ko naman agad sa kanila, pero syempre sinasabi ko din sa kanila na magresearch at tumuklas sila, na maging curious at sila ang humanap ng sariling sagot sa katanungan nila.
Kung may magtatanong kung alam ito ng Pamilya ko? Hindi po. Hindi lang nila ako papaniwalaan, nung minsang naghalungkat si mama sa mga gamit ko.. nakita niya yung mga iba't-ibang kulay ng kandila,insenso, at mga ginawa kong voodoo doll (Yep, witch din po ako, Good witch).. nagtanong siya kung para saan yun, ang sabi ko ay project pero ang sabi niya ""Umayos ka! Dati ko pa ito nakikita! Kapag nalaman kong may ginagawa kang masama gamit nitong mga 'to, umalis kana dito!"" at nung minsan ding nabasa niya yung notebook ko ang sabi niya, ""Paano ka magkakaroon ng kaibigan kung pinapairal mo yang kaweirduhan mo!"" ""Lumayas ka dito! Blablabla..!"" See? Kaya malayo ang loob ko sa kanila, ayaw nila ng anak na weirdo. Yung kapatid ko hindi ko kaclose, nilalayuan niya ako kasi nga puro kaweirduhan pinagsasabi ko. Kaya nga maraming salamat sa mga kaibigan ko ngayon kasi naiintindihan nila ako, tanggap nila kung ano ako. Yung sa pagiging witch ko po, ang ginagawa ko lang po ay potion, remedy, etc., hindi po ako nanggagayuma o nangkukulam hahahaha! So ayun po, hanggang dito na muna, pasensya kung mahaba. Hanggang sa muli!
"We do not see things the way they are, we see things the way we are."

-Brou.
Northern Samar


📜Spookify
▪︎2017▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang