Hotel in Manila

12 0 0
                                    

Hello! Just wanna share my experience during my OJT days in one hotel in Manila. Closed na yun hotel na yun ngayon.

I was an OJT in one of the most known hotel in MANILA wayback 2014.

During that time, I was assigned in the Back of the house, sa housekeeping to be specific.

So ang trabaho ko is maglinis ng rooms, magdala ng mga needs, etc. basta related sa back of the house.

Sa kamalasan pagkakataon isang araw habang nabyahe pauwi (manila-qc), natapilok ako habang nababa sa train station. So yun paa ko e namamaga.

Pero syempre di naman ako pwede umabsent badta basta dahil sayang yun oras at bad record ba din kaya ang binigay na lang na role ko habang injured ay maging runner instead na maglinis ng mga rooms.

Ang hotel pla btw ay hanggang 22nd floor. 1st floor is the main lobby, second is casino, 3rd is kitchen,4th is our housekeeping office,5th and 6th is under renovation, and HR office is at 7th floor. 8th-11th floor is under renovation then 12th-22nd is yun mga rooms na. Wala kaming 13th floor.

Sa going back, i was the runner that day ang my shift was closing time 2pm-11pm. so meaning, nasa office lang ako and pag may nagrequest, saka lang ako ang aakyat para ihatid yun need nila.

Tandang tanda ko, it was 8PM, when room 1208 requested for a bathrobe. Take note ha, 8pm. Chineck ko kung sino nakacheck in thru our system and ayun, foreigner. so yun room na yun, ang tapat nya is sa may elevator landing, then may stock room sa gilid. So di na ko nagdala ng robe dahil sa stockroom na lang ako kumuha. Swerte naman na si robert e nandun saktong pababa. So sabi nya e sasamahan nya na lang ako para sabay kaming tatambay sa office pgbaba. Edi eto na..

*Knocking at the door*
Me: good evening, housekeeping.

Mga tatlong sabi ata ng good evening housekeeping until may nagopen

Robert: hi baby!
Me: hello baby! Here's your bathrobe.

Madilim yun buong kwarto as in. Ang nagbukas samin ay batang babae, nakatali yun buhok sa dalawa, nakasadong puti at panty na puti, mukang chinese, maputi, around 6-7y/o

Batang babae: huh?
Robert: here's your bathrobe baby.

Then nagbabye na kami.

Then sinara nya na yun pinto, bumaba na kami.

So ayun na nga, mga bandang 10:50, tumatawag nanaman tong si 1208, bathrobe daw. Sabi ko sa coordinator, "hala sir nadalhan na namin kanina yan ah, diba bert?"

Sir coor: dalhan nyo na lang, paout na din naman kayo.

so kami, para makaout agad edi gora na.

Eto na..

*knocking*

Me: goodevening, housekeeping!

Then ang nagopen is babae, mukhang joiner.

Joiner=pokpok (uso yan dun e, lalo na at malapit kami sa malate.

Joiner: ay, dalawa po. (Isang robe lang binigay namin)

Robert: ay ma'am nagdala na po kami kanina ng isa, inabot po namin dun sa bata.

Joiner: sinong bata?

Me: yun kasama nyo po.

Joiner: wala po kaming kasamang bata

Me to robert: e sino yun bata kanina?

Robert: ah sige po ma'am padalhan po namin ulit kayo

Joiner: kuya sino yun bata?

Robert: ah baka po nagkamali lang po kami ma'am.

Nagmadali kami bumaba jusko po. Kung pwede lang tumakbo.
Ibang kilabot yun naramdaman namin dahil totoong bata talaga kausap namin na parang di naiintindihan yun lenggwahe namin.
Naisip din namin na pano magkakaron ng bata? Isa lang ang nakacheck in dun, foreigner pa. Malamang, di magsasama ng bata yun kung dadale sya ng pokpok.

Sinabihan kami na wag na ikwento sa ibang nagwowork dun dahil nga daw baka matakot din.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now