Huli na para masabing 'mahalaga ka'

410 11 0
                                    

Huli na para masabing 'mahalaga ka'

This story should be a love story, ngunit dahil sa katangahan ko, ang kwentong sana ay kwentong pag-ibig, naging kwento nalang.

Rem, ako si Rem. At sinaktan ko yung taong dapat pinasaya ko sa nalalabi niyang araw sa mundo.

Nakilala ko si Den nung grade 8 jr high school ako. Bagong lipat siya sa school namin at saktong sa katapat na bahay lang namin siya nakatira. Maganda naman si Den maitim nga lang. Siguro dahil sa laki nga siyang probinsya. Pero kahit na ganun marami pa ding nanliligaw sa kanya sa school namin. Classmate kami ni Den nitong grade 9 at 10 pero kahit kailan hindi kami naging close. Ayoko kasi sa kanya. Hindi ko alam bakit. Naiinis ako sa kanya una palang.

Nag-umpisang mangulit si Den sakin pagkatapos ng unang markahang pagsusulit namin nung grade 8 kahit di kami magkaklase nun, magkatabi naman kami ng classroom. Pinagtapat niya sa akin sa chat na gusto niya ko pero di ko siya pinansin. Hindi ko siya type sabi ko sa sarili ko. Pero di nagtigil si Den sa pangungulit sa akin. Pati sa room pinagsisigawan niyang ako yung gusto niya. Lagi siyang nangungulit at halos araw-araw akong binibigyan ng sulat. Na gusto niya ako na ako crush niya na sobrang patay na patay siya sa akin. Madalas kaming tuksuhin sa classroom nung naging magkaklase kami na hindi ko ikinatuwa. Pero kahit anong pag iwas ko at pag hindi sa kanya ng harapan hindi pa din siya tumitigil. Dahil nga pareho kami ng lugar, sumasabay siya sa akin sa pag-uwi. Nakabuntot lagi sa akin. Hindi ko siya kahit kailan sinubukang kausapin. Nasa likod ko lang siya palagi at tahimik na nakasunod. Pero kahit kailan din, hindi siya nagtangkang kausapin ako o kaya sabayan sa paglalakad. May pagkakataon pa nga na absent siya kasi may pinuntahan sila ng pamilya niya pero pagkahapon sa oras ng uwian, nasa labas siya ng gate at hinihintay ako para sumabay pauwi.

Napakasama ng trato ko kay Den kung tutuusin. Napakaharsh ko sa kanya at aware ako dun. Hanggang sa nasanay na ako na ganun palagi ang routine ng buhay ko.

Pero sa isang pangyayari, nagbago lahat. At nangyari yung bagay na pinagsisisihan ko hanggang ngayon.

Naglalakad na ko palabas ng school, umabset ulit si Den. Sa totoo lang masaya ako nun kasi nga walang nangulit sa akin. Pero alam kong may kulang talaga. At parang may mali. Pero gaya ng inaasahan ko, nasa labas si Den at naghihintay sa akin.

Pero hindi siya nakangiti gaya ng palagi kong nakikita sa kanya, matamlay siya. Halos kami nalang nasa labas ng gate dahil nga sinadya kong magpahuli sa paglabas para paghintayin siya ng matagal. Pasado alas sais na nun, 5:30 kasi labas namin. Naglakad na ko at sumunod naman siya. Medyo kinabahan ako sa aura ni Den pakiramdam ko hindi ko kilala yung kasama ko. At nagtaka ako kasi sumabay siya sa akin samantalang dati nasa likod ko lang siya. Hindi ko siya kinibo at hindi ko pinansin.

"Gustong-gusto kong sumabay sayo sa paglalakad pero alam kong magagalit ka kaya di ko ginawa" nakangiti siya nung sinabi niya iyon.

Pero di ako umimik. Nakangiti siya pero matamlay yung mukha niya. Malungkot siya.

"May pinapabili pa sa akin si mama Rem una na ko" tinahak niya yung kabilang daanan papunta sa palengke at ako dumiretso ako pauwi.

Hanggang sa matanaw ko na yung amin. Pero malayo palang ako mabibigat na ang bawat paghakbang ko. Maraming tao sa harap ng bahay namin, sa bahay nila Den.

Parang ayokong maglakad pa at lumapit hindi ko alam bakit. Ng makalapit na ko sinalubong ako ni mama. Nakangiti siya, ngiting malungkot.

"Binawian na ng buhay yung kaibigan mo kanina lang" pahayag ni mama.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Takot, lungkot, panghihinayang.
Hirap ako sa paghinga. At oo, pumatak yung luha. Umiyak ako sa harap ni mama.

May sakit pala si Den kaya madalas siyang umabsent para magpacheck up. Pero kahit kailan di ko naisip na malala pala sakit niya.

Ako yung taong inaasahan niyang papangitiin siya hanggang huling paghinga, pero sa huling sandali di ko nagawa iyon. Hinahanap-hanap ko yung Den na kinaiinisan ko. Yung Den na gustong-gusto ako. Pero wala na.
Nalaman ko lang na mahalaga pala siya---- nung wala na siya. Labis akong nanghihinayang. Pero wala na kong pwedeng gawin. Hindi pala inis yung nararamdaman ko sa kanya, hindi pala 'ayaw' at 'hindi' yung salitang nais kong ibigay sa kanya. Pero wala na. Hindi na pwede. At kailanman hindi na makakabawi pa sa nagawa ko sa kanya.

Denise 2nd death anniv ngayon. At ang kababalaghan nangyari, hindi kababalaghan para sa akin. Pakatatandaan ko to hanggang sa huling paghinga ko.

Patawad, Den.

Ps. Give importance to the people around you while they are still with you because it's not easy to bring them back when they learn to leave you.

-Rem

wrttnhzlsxy


📜Spookify
▪︎2018▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now