BIBLIA

23 1 0
                                    

BIBLIA

Mapagpalang araw po sa lahat. Faith again.

Pag gabi ng Wednesday ay may ay Prayer meeting kami, wala pa kaming church building noon at sa bahay ng isang kapatiran namin ginagawa ang service. Pag ganun daw na ino-open mo ang bahay mo sa gawain ng Panginoon, He will bless you more.  Hindi makakasama nun ang tatay ko kay nanay may lagnat kaya ako ang sinama nya. Edi kumustahan muna tapos nag start na. Dahil may mga kasama ding bata ang ibang elders, pinaglaro nalang kami sa may kusina ng jack stone. Ako, si ate Marlyn,si ate Jen at Abby. Sila naman kantahan ng mga papuri sa Dios, pag-aaral sa mga talata sa Biblia na dala ng mensahero ng Dios at kung ano ang prayer request ng bawat isa at idudulog ng Pastor ang mga yun sa Dios. Sama-samang magkaka-isa sa panalangin. Tinapos ito sa isang awitin. Syempre  kamayan at yakapan. Natapos ng mga 9pm yung service at biglang bumulusok ang malakas na ulanm. Ang pastor namin ay uuwi pa sa ikapitong barangay,  malayo yun at  may gamit na motor at laging may nakahandang kapote. Kami namang mga naiwan nagkwentuhan pa ang mga nanay namin, kaya nag jack stone pa rin kami ni Abby, umuwi na rin nun sina ate Jen at at Marlyn kasama nanay nila, maging ang iba pang dumalo. At ng mapatingin ako sa wall clock nila ay 10pm na. Papasok pa ako bukas e. Hinuhuli ko ang mata ng nanay ko para senyasan syang uwi na kami. Hangang magtama ang aming mga mata,  naintindihan nya ako at  magyaya na rin syang umuwi. Paglabas pa lang sa daan ay kinilabutan na ako. Inisip ko baka sa ginaw gawa ng malakas na ulan. Kasi ang damit ko nun ay sleeveless na bistida. Palagi akong dina-damitan ng bestida ng nanay ko dahil tomboyish ako nun. Ang nanay ko naman ay blusa at palda ang suot at naka-bakya sya. May dala kaming payong na malaki at  kanang kamay ng nanay ko ang pinang -hawak at sa kaliwa hawak nya malapit sa dibdib ang Biblia nyang may nakaipit na belo. Habang naglalakad ay narinig ko ang nanay ko sabi sakin diretso lang ang tingin mo. ( Laging ganun sinasabi sakin ng Nanay ko pag gabing nasa labas kami. )  Di nga ako lumilinga. Magkasukob kami sa malaking payong at ang kaliwa kong kamay ay nakahawak sa palda nya. Ng walang anu-ano'y biglang tumaas ang palda nya bandang likod napasigaw ng "Maryosep!" ang nanay ko. Ilang minuto din yun at pilit ko itong ibinababa. Nagtataka ako dahil pano nangyari yun ay wala namang hangin. Malakas pa rin ang ulan nun parang babagyo. Naisip kong bigla baka walang pasok bukas. Ng walang anu-ano naramdaman kong nabasa ako, napasigaw ako ng "ayyy,", pagtingin ko naka-angat ang payong. Parang na magnet sa ere at may nakahawak dun sa matulis nya sa taas para mangyari yun. Nahindik ako ng magsalitang bigla ang Nanay ko. "Iwan mo kami. Wag mo kaming bibiruin at baka may mangyari samin kargo mo pa ang kaluluwa namin. Umalis ka dito." Bumaba naman ang payong pero naulit pa yun at ang sumunod ay hinilang palikod ang payong na lalong nagpabasa sa amin. Nanginig na ako sa ginaw nun. Muling nagsalita ang nanay ko, In Jesus name kung sino ka man na gusto kaming takutin iwanan mo kami, In Jesus name. ( pasigaw na ) Hangang bumaba na ito at napwesto ang payong sa dating posisyon. Nagpatuloy kami sa paglakad at dun na kami sa tapat ng abandonadong bahay. Ito ang may pinaka-maraming nagpaparamdam. Tapos narinig ko na naman ang nanay ko, "aray sya ng aray " hangang nakita ko parang may tinataboy sa Kaliwang  kamay habang hawak hawak pa rin ang Biblia. Hangang sa narinig ko syang sinasabi ang mga versikulo ng Psalms 23 ng pakanta.
"Ang Panginoon ang aking Pastol, hindi ako matatakot. Pinahimlay Nya ako sa luntiang pastulan at inaakay Nya sa tahimik na batisan. Pina-panumbalik ang aking kalakasan at pina-patnubayan Nya sa tamang daan. Upang aking parangalan ang Kanyang pangalan. Dumaan man ako sa libis ng kamatayan, wala akong katatakutan. Pagkat Ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo,aking gabay at sanggalang. Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo,nakikita pa ng mga kalaban ko. Sa aking ulo, langis ay binubuhos. Sa aking saro, pagpapala ay lubos-lubos. Kabutihan at pag-ibig mo sakin ay di magkukulang, syang makakasama ko habang akoy nabubuhay. At magpakailan man sa bahay ni YAHWEH mananahan..."
Sumasabay ako sa pagkanta ng Nanay ko nun.

Hangang sa makaliko kami sa kanto isang bahay nalang ang pagitan. Sinalubong kami ng aming aso at may tina-tahulan sa likod namin. Siya si Gretel, tahol sya ng tahol mukhang galit. Hinawakan ko sya sa kanang kamay ko.Hangang makapasok kami sa aming bakuran. Pagpasok sa bahay hindi pa nakapaghugas ng paa si nanay umupo sya sa agad sa mahabang upuan sa may mesang kainan sa kusina, dun ay may nakalagay na gasera para sa magdamag. Ako naman ay sumunod din at nakitabi sa kanyang pag-upo, tinignan ng nanay ko ang braso nyang kaliwa. Napa -Dios ko po ako ng makita ko, nakita ko ang mga bakas na itim na hugis ng mga daliri na tila bay pinagkukurot ang nanay ko mula sa braso hangang kamay. Intindi nya ay inaasar sya ng multo para mabitawan ang Biblia. Naghilamos na kami pagkatapos at nag pray bago matulog. Lagi po tayong magpasalamat sa Dios at hingin ang kanyang gabay at proteksyon araw-araw. Salamat po sa pagbabasa ng aking mga kwento na nagbibigay inspirasyon sa akin upang ibahagi ang aking mga karanasan. God bless.

Faith



📜Spookify
▪︎2020▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon