HIKA

23 0 0
                                    

HIKA

Maulang panahon po sa inyong lahat at nawa'y magpaulan po ng biyaya sa bawat isa si Lord. Si Faith po ulit ito ng Pampanga. Salamat po Admin, more power sa page na to. Maraming  salamat po sa lahat ng tumatangkilik sa aking mga kwento, sa mga nagko-comment ng positibo, kayo po ang dahilan kaya lalo akong nai-inspired na magsulat ng mga simpleng  kwentong hango sa tunay na buhay pero kapupulutan naman ng aral 😘, hindi ko na po kayo iisa-isahin. At dun sa mga nagsabing magulo po ang kwento ko, pasensiya na po kayo. Maganda po siguro basahin nyo uli para maunawaan nyo. (refer to my previous story, this will be my 6th). Kasi po minsan iba-iba ang interpretasyon natin sa isang kuwento. Kaya po pilit kong sini-simplihan ang mga salita para maka-relate ang lahat, ang mga millenials, ang mga oldies but goodies at ang mga simple lang ang pinag-aralan.

This is true to life story between life and death. Gusto ko itong i-share sa inyo dahil nakaranas ang pamilya ko ng pangyayaring hindi namin malilimutan at kung gaano ka-totoo na walang imposible sa Diyos. Katulad ng life verse kong "Whatever things you ask when you pray, believe that you will receive them and you will have them." Basta maniwala ka lang.

Unang linggo rin ng Hunyo 'yon. Nakatira na kami nung panahong ito sa bahay na pinakipag-palitan namin, sa tapat ng tindahan (yung dati naming bahay ay tapat ng simbahan), malapit na akong mag 7 taon nun. 'Di ba, nakwento ko sa story ko kahapon na na-post (June 11, 2020) na may Kuya ako yung pang-13, 'yung baby na malambot. Nu'ng pinanganak ako ay naging matamlay siya. Ang mga baby daw na ganun kadalasan ay di nagtatagal. He passed away after few months when I was born.

Sobrang lungkot ng ate ko nu'n na kasunod niya, si Ate Pattie--na nainis sa akin, baka kung hindi daw ako dumating ay hindi siya nawala. Oo, sinumbat niya sa akin 'yun at sinabi ring pabiro ng isa ko pang ate. Siyempre, nasaktan ako. Anak ako sa pagkatanda. Actually, sa iba hindi ko  sinasabi ito, pero sa inyo I'm proud to say it, hehe.

Lumaki ako na may hika at hindi ako gaanong nakakalaro no'n, lagi lang akong nakaupong nanonood sa upuan at mesa na ginawa ng Kuya Norbert (nabanggit ko siya sa story kong "BABOY" na nasa tindahan kasama ang barkada niya) ko sa ilalim ng umbrella tree sa harap ng bahay namin. Lagi akong may tuwalya sa likod at hindi ako pwedeng sumama sa malalayong lakaran dahil mapapagod daw. 'Pag sabado ay may ministry ang pastor namin, umaakyat ng bundok para mamigay ng relief sa mga kapatid na Aeta, at maghatid ng salita ng Diyos. Pwedeng sumama kapag gusto. Pero ako di ako makasama, aissst.

Inggit na inggit ako kay Karyll: kaibigan ko, kaklase at churchmate. Ang saya raw at lumulusong sila sa tubig at umaakyat sa mga puno ng mangga. Dahil 'di ako nakakasama, pinagdadala na lang niya ako ng mangga. Tapos bawal din akong maglaro ng habulan, mapapagod ako. 'Yung laro ko ay bahay-bahayan lang at sungka. Sa sungka madalas kong kalaro ang mga Ate ko, kinakalaban ako kahit lagi akong talo for the sake lang na hindi ako mainip sa bahay. And nung time na 'yon, 'yung mga kapitbahay na ka-age ko ay parang ayaw rin naman akong kalaro, feeling nila rich sila kasi nasa Saudi ang mga Ama nila, si Lilac nga lang nag-iisa kong kalaro sa balkonahe noong buhay pa siya. (Bigla tuloy akong nalungkot, naalala ko sya.) Uso na ang discrimination noon pa man dahil mahirap lang kami at doon sa block na 'yon ay kami lang ng pamilya ko ang Born Again. Very limited lang talaga ang mga activities na nasasalihan ko.

Seryoso nun ang hika kasi wala pang nebulizer. 'Pag 5AM ay bina-bike ako ng Tatay ko--pasyal--hanggang doon sa bahay ni Don Ramon (yung kastilang may malaking bahay na nagmu-multong may kinakaladkad na kadena - kwento ko kahapon). Maluwang kasi roon at para raw makasagap ako ng sariwang hangin. Araw-arae yun.

Isang araw mangingisda ang Tatay ko sa ilog at gusto ko talagang sumama, umiyak pa ako at naglupasay sa lupa (I was a Daddy's girl, ganu'n naman ang bunso 'di ba? Idinadaan lagi sa iyak, hehehe). Napapayag ko siya hangang pati nanay ko ay kailangang sumama na rin para siya ang magbitbit ng gamit at pasan naman ako ng tatay ko sa kanyang balikat, ang saya-saya ko nu'n. Nagbaon kami ng kalderong may bigas, nagsaing kami sa ilog at nag-ihaw ng mga nahuling isda si Tatay para pang-ulam namin. Pumapalakpak ako kapag naglalagay ng isda ng tatay ko sa apoy tapos nangingisay bigla, sabi ko pa noon ay ang galing sumayaw ng mga isda 😂.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon