DARK SPELL

46 2 0
                                    

DARK SPELL

Last year namatay ang tita ko. All we knew is because of her diabetes and and its infections na kumalat na sa kanyang buong katawan. Ilang taon lang nagkasakit ang tita ko, almost 3 years lang then namatay na sya, di na nya kinaya. Few days bago sya mamaalam, kita namin na hirap na hirap na talaga sya, kahit gusto nyang kumaen she can't swallow. Sobrang payat na, hindi na nakakapagsalita, puro iling nal ang. Hindi na din nakakalakad, nasa wheel chair na lang. 1 year syang ganun. But when she died at ineembalsamo na sya, pinatawag yung asawa nya. Then may mga pinakita sila sa tito ko na mga higad na malalaki na lumabas daw sa bibig ng tita ko.

Sabi nung lalaki "Pre, pinakealaman ng tao ang asawa mo." Yes, kulam. Una pa lang sinasabi na ng mga kapitbahay nila na kinukulam ang tita ko nun pero hindi sila naniniwala and kami din kasi nga malakas naman yung faith namin. And meron naman kasing scientific explanations sa mga dinanas ng tita ko. But sabi nung embalsamador sa tito ko "Kung masisikmura mo pre, sa araw ng libing ng asawa mo sa sementeryo, bago nyo sya ibaon pakuan mo ang kanyang noo ng kwatro (yung 4" na pako). Tutal hindi mo naman na mababawi ang buhay nya eh kaya kung kaya mo yung gawin, para makaganti ka man lang sa gumawa non sa misis mo." Kasi daw sigurado yung nangkulam sa asawa nya is pupunta dun para kunin yung tinatawag nilang "karkarma" sa Ilocano. Parang yun daw yung gantimpala nila sa tuwing nakakapatay sila, mas lalo silang lalakas.

And then yun na nga. Nung araw ng libing, pinatabi muna ng tito ko yung mga taong nakapalibot sa kabaong. Nang walang pag aalinlangan ay ibinaon nya ang pako sa noo ng bangkay gamit ang martilyo. At kasabay na din nun ang pangingisay ng isang matandang babae na dumalo sa libing. Bumulwak ang madaming dugo sa matanda ngunit wala naman itong butas. Kinalaunan ay namatay din ito. Dun namin napag alaman na kamag anak din pala namin ang gumawa non. Ang sabi nila dahil daw sa inggit dahil sa pag asenso sa buhay ng tita ko. From that time, dun ako nagsimulang maniwala sa kulam. Unbelievable but true. The place is somewhere in Tarlac.

Xieeeee



📜Spookify
▪︎2016▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now