Classmates and prof.

82 2 0
                                    

Classmates and prof.

Hi spookify, Sana mapost to. True story na na-experience ko sa loob ng classroom.

Maaga talaga ako pumapasok sa school. Mas gusto kong nauuna ako kesa malate eh. 7:30 ang time ko pero 6:00 andun na ko agad. Ang aga ko no? Malapit lang naman kasi yung house namin sa school eh. Naglilibot lang ako sa school. Sanay na ko kasi yun na yung parang exercise ko tuwing umaga pag papasok. College ako kaya di na uso samin yung flag ceremony. Para sa klase ganahan ako.

So eto na. Napaaga ako ng pasok, mga 6:30 pumasok na ko. Naglakad lakad tas pagtapos punta na ng room. Nagulat ako kasi lahat ng kaklase ko andun na. Tas tinignan ko yung time ang aga pa. 6:30 pa lang. Nagulat din ako kasi kumpleto talaga sila. Tahimik lang silang nakatingin sa board. Ang weird samantalang ang iingay naman nila pag wala pa yung prof. namin. Naisip ko baka inaantok tong mga to, kaaga aga magsipasok eh. Tas nagsalita ako ""Guys aga nyo ah? Takot na kayo malate? Haha"" kasi prof namin ayaw ng late. Walang response sakin. Ako naman nagheadset na lang at nagcecellphone. Nakanta kanta, halos ako lang yung nag iingay.

Nagulat ako anjan na pala yung prof namin. Nakatalikod sya at may sinusulat na. Di ko napansin na pumasok kaya pandalas akong kumuha ng notes at ballpen tas tinanggal na yung headset sa tenga ko. ""Be di mo sinabi anjan na pala si miss"" sabi ko sa katabi ko. Nakafocus lang sya sa sulat nya, pagharap ko sa board yung prof ko walang muka! As in blur talaga. Pumikit ako at nung pagmulat ko ganun pa rin. Sumigaw ako. ""GUYS NAKIKITA NYO BA? WALANG MUKA SI MISS?"" tas pagkita ko sa kanila mga wala din silang muka! Nakaupo lang sila pero yung position ng ulo nila nakaharap sakin. Nangangatal ako sa takot. Hindi ko alam gagawin ko, umub-ob na lang ako sa upuan ko habang nagdadasal hanggang sa makatulog ako.

Paggising ko, ang ingay ingay na. Anjan na yung mga totoo kong classmate ""Be? Ano gulat na gulat ka ata? Okay ka lang? Di ka namin magising eh, ayaw mo gumising. Sabi mo pa layuan ka namin. May problema ka ba?"" Sabi nung mate ko. Pagkita ko sa relo ko tapos na ang 1st subject namin, 8:30 na. Hindi sya panaginip kasi totoo talaga. Nakita daw ako sa cctv malapit sa room namin, hagip yung pinakaloob ng room. Mag isa lang daw ako at nagsasalita mag isa, bigla akong nagsisigaw. Hindi ko makakalimutan yung experience ko. Simula non nasabay na ko pagpasok sa kaibigan ko.

Juju


📜Spookify
▪︎2016▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now