"Manong!" tawag sa kaniya ni Kenjie.

"P*tang*na manong bingi ka ba?!"

"Bwisit ka---AAAHHHHH!!" sigaw ni Kenjie tsaka tumakbo palapit sa kanila.

"Bakit?!" tanong ni Kurt.

"W-walang m-mukha yung driver!" sigaw niya. Nagkatinginan naman yung dalawa tsaka nilapitan rin yung driver.

"G-gago!!"

"T*ng*na!"

Tumakbo naman yung dalawa papalapit sa pwesto nila tsaka ginising na yung ibang kasama nila.

"Guys gising!" kaya nagising naman sila.

"Asan tayo?" tanong ni Kenneth.

"Pano tayo nakarating dito?" tanong naman ni Claire.

"Bakit nasa bus tayo? Diba nasa dorm tayo kanina?" sabi naman ni Samantha.

"Teka? Nasa bus pala tayo?" tanong ni Kairon.

"Ok, what the hell is going on?" lutang nga naman si Amara.

"Winter, ikaw lang yung aasahan namin dito. Wala kasing mukha yung driver, takot kaming lumapit dun." sabi ni Kenjie kaya tumawa naman yung kaibigan niya dito.

"W-walang m-mukha?" kaya tumango naman sila. Lumapit naman si Amara doon sa driver tsaka tinapik ang likod nito pero hindi siya hinarap nito.

"Bingi ba siya?"

"Ewan ko lang, kanina lang namin yan tinatawag pero hindi siya nagsasalita." sabi ni Kenjie. Nabigla na lang sila ng huminto ang bus na sinasakyan nila at may pumasok na dalawang zombie kaya natumba naman si Amara.

Yung isang zombie ay kinagat yung driver pero yung isa naman ay nasa ibabaw ni Amara. Lumapit naman agad si Kairon kay Amara tsaka sinubukang gamitin ang kapangyarihan niya.

"Damn it, di ko magamit ang kapangyarihan ko!" sabi ni Kairon sabay sipa sa zombie na nasa ibabaw ni Amara.

"It's no use! May box akong nakita at alam kong may laman yun! Kunin niyo dali!" sigaw ni Amara kaya kinuha naman agad yun ni Kenjie tsaka tiningnan ang laman.

"P*t*ng*na Chief! Salo!" sabay hagis sa baril. Sinalo naman agad to ni Kairon tsaka binaril ang ulo ng zombie kaya patay agad. Tinulungan naman niyang tumayo si Amara tsaka binaril na rin yung isang zombie na kumagat sa driver nila.

"I'll close the door...." sabi ni Amara tsaka sinarado ng pinto ng bus.

"Ok ka lang Winter?" kaya tumango naman siya.

"T*ng*na, pano tayo nakarating sa lugar na to?"

"Ewan ko lang, ako yung una nagising." sabi ni Kenjie.

"I think yung milkshake na ininom natin ay may pampatulog." sabi ni Amara kaya nagkatinginan naman sila.

"Ano na naman kaya ang trip ni Mama, kuripot yung Mama ko kaya nakakabigla lang na binilhan niya tayo ng milkshake." kaya tumawa naman kami dito.

"T*ng*na, kinabahan ako dun ah. Akala ko mamamatay na ako." tumayo naman si Amara tsaka lumapit doon sa box.

"16 guns, kumuha kayo ng dalawa. Hindi natin alam kong ilang bala ang laman nito pero mas maganda na sa ulo niyo sila tatamaan para patay agad. Tsaka sasabihin ko na sainyo, wala kayong maasahan sakin ngayon."

"Huh?" tanong ni Kairon.

"Takot ako sa mga ghost or something na nakakatakot." sabi ni Amara kaya nagkatinginan naman sila tsaka sabay na tumawa.

MYSTIC ACADEMY: The Cursed and Strongest HeiressМесто, где живут истории. Откройте их для себя