Epilogue: Love Defended?

441 13 0
                                    

Atty. Christine Sandoval

I was beyond happy. We were beyond happy. Inalalayan ako nina Mama at Jelsey na nasa aking tabi; inaayos ang laylayan ng aking trahe de boda. This wedding gown was quite big and heavy, but the excitement and happiness within me was way heavier. Siguro dahil kinakabahan din ako. "This is it, Mama!"

Nakangiti si Mama pero may luhang tumulo sa kaniyang mga mata. Tears of joy I'd say. Hinaplos nito ang aking mukha at niyakap ako nang mahigpit. "Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya para sayo, Anak." Kumalas na din ito sa pagkakayakap at inalalayan na ako palakad sa harap ng malaking simbahan.

Jelsey clung to my arm and giggled. I gazed at her and she looked happier than I am. Pero may iba din sa kaniyang mga ngiti. "May problema ba, Jelsey? Are you okay?"

She glanced at me and shook her head. "Nothing serious. Naiingit lang ako, Christine." Jelsey pouted. "Ikaw ikakasal na. Another chapter of your life. Ako ito, tao pa rin."

I jokingly rolled my eyes and nudged her in the elbow. Inalis naman nito ang pagkakaangkla ng kaniyang braso sa akin at naglakad na ng normal. "Dadating ka din diyan, Jelsey! Malay mo si Anthony pala ang para sayo!"

Inirapan ako nito pero humagalpak din siya nang tawa. "Shut up, hahaha! Mas okay pa si Dark----!" Hindi na nito natapos ang kaniyang sinasabi at napatakip na lang sa kaniyang bibig.

Hindi ko na ito pinansin pero pinipigilan ko ang aking pagtawa.

Bumalik ang atensyon ko sa malaking pinto ng simbahan nang makita kong tumatakbo si Agustus papunta sa pinto. He stood there and smiled at me. I'm still amazed by his blue eyes pero nasanay na rin naman ako. Ngumiti ako sa kaniya pabalik tapos siya nama'y bahagyang tumungo. A few seconds later, he and the other guards opened the huge door and welcomed me inside the church.

Una kong nakita sina Severina, Katerina, at Charisse na naghahampasan pa sa loob. The moment they saw me, they stopped instinctively. I mouthed, "You all are gorgeous." They thanked me and complimented me back through hand gestures. Natatawa na lang ako kasi kahit dito ay napakakukulit nila. Hindi rin nila ako sinapawan ng pag-awra ngayon kaya masaya din ako, hahaha.

The next person I saw was Dark Alvarez. As usual, he didn't have any expression, but it was not as cold as before. Hindi ko nga alam kung sa akin ba ito nakatingin o kay Jelsey. Ito namang si Jelsey sa tabi ko ay grabe kung mag-maganda. Grabe pa mag-pawis ang kamay kaya ni-signal-an ko siya. Napansin ko din si Prof. Natasha Magnaye na nasa tabi ni Dark. She was happy seeing me walking down the aisle. I'm so glad that she accepted my invitation.

Sa kabilang gilid naman, doon ko nakita si Doc. Ivan na masayang nakangiti habang pinagmamasdan ako sa gitna. I mouthed him, "Thank you." and he replied, "Congrats." with all his smiles. Ang secretary din ni Anthony na si Seo Hyun Kang ay um-attend. Nandoon din sina Ate Sising at Kuya Caesar. Pati ang ibang mga malalapit na katrabaho namin sa Rivamonte Hotel ay nakasama rin ngayon.

When I looked in the middle, it wasn't my future husband whom I saw first. It was a blinding but breathtaking radiance coming from the chandelier above us. And maybe coming from the Almighty God who helped us get through our struggles until we reached this phase of our lives. May malaking bintana din kasi sa taas at saktong sakto sa amin yung sinag ng araw. Habang papalapit ako sa unahan ay unti-unti na rin itong nawawala. Unti-unti ko na ring nakita si Anthony na todong nakangiti habang nakatingin sa akin.

Hindi ko namalayan, nasa unahan na pala ako't wala na sa aking tabi sina Jelsey at Mama. Nakita ko naman sa likuran ni Anthony sina Tita Cheska, Lorraine, at si Ate Rose Marie na katulong nina Sandoval. I beamed at them, they were emotional, but they managed to smile back. Tita Cheska mouthed, "Congratulations, Anak." I smiled at her and finally looked at my future husband.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now