Chapter 4

1.2K 41 6
                                    

Atty. Christine Villeza

We all need to be tough. Kailangan nating maging matapang para sa mga pagsubok na haharapin natin kinabukasan. Bukod pa riyan, kailangan nating maging matatag para sa mga mahal natin sa buhay. Sino pa ang kakapitan nila kung susuko ka na? Yes, life is tough but so are we! We gotta be tough to survive.

"Wow naman, may secret admirer!" Pagkagising na pagkagising ni Jelsey ay 'yon agad ang bungad niya sa akin. She was wearing her favorite tee shirt and pajamas while she came to me here on the sofa. Dito kasi siya nag-overnight sa bahay dahil pinagpuyatan namin ang pag-aaral sa kaso ni Sandoval. Nilapitan niya ang mga pagkain, bulaklak, at tsokolate na pinadala ni Sandoval dito kaninang umaga. Hiwalay pa 'yong binigay niya kahapon ah!

"Secret admirer ka d'yan." I pouted. "Ang advance mo mag-isip, Jelsey."

She rolled her eyes and and mockingly laughed. "Eh sino naman 'yan nang makilala ko? Kahapon ay may nagpadala rin sayo ng gan'yan, hindi mo naman sinabi kung kanino galing."

Natawa ako sa aking isipan. Hindi ko nga pala sinabi sa kaniya kung sino ang nagpadala sa akin ng mga bulaklak, pagkain, at tsokolate kahapon dahil baka sabihin pa nito'y ready na ako makipagbalikan kay Sandoval. Madaldal pa naman 'to at advance mag-isip. Baka nga isipin niya'y nagde-date pa kami.

"Hindi ko alam kung sino ang nagpapadala ng mga 'yan. But to whoever he is, I must be thankful." Nagpapasamat din talaga ako kahit na si Sandoval pa ang nagbigay niyan sa akin. Imagine, hindi na ako bibili ng pagkain na dadalhin ko mamaya para kay Jayron. Balak ko kasing dalawin ang aking kapatid sa hospital at mabuti na lang ay may mabibitbit ako.

Mabuti na lang at alas-diyes pa 'yong preliminary hearing namin sa kaso ni Sandoval kaya makakadalaw pa ako ngayong alas-syete. Sasamahan din daw ako ni Jelsey sa pagdalaw kay Jayron. Wala naman kasi siyang gagawin dito dahil nakapag-review at naplano na namin ang lahat kahapon.

"Magbihis ka na nga, Christine! Gusto ko namang makalabas ng bahay." Tumayo na ito't nagpuntang kusina para tingnan kung anong makakain namin ngayong umaga. Hindi nakapaghanda si Mama dahil wala siya rito't may kailangang asikasuhin sa dati naming bahay. Mukhang sinangag at itlog na naman ang lulutuin ni Jelsey dahil sa naaamoy kong bawang. "Pagtapos mo maligo, kumain na muna tayo."

"A'right!" Dumeretso na ako sa aking kwarto sa second floor para makaligo. Medyo naiinitan rin ako dahil nakalimutan kong buksan 'yong aircon kagabi. Pero ayos lang rin dahil nakatipid. Baka kakapasarap ko dito sa bahay na bayad ni Sandoval ay maubos ko agad 'yong isang milyon na bayad niya pa, pati ang iba pang kinikita ko sa mga online consultation. "Sarapan mo 'yong luto, Jelsey, ah."

"Oo na, tumahimik ka na!" sigaw ni Jelsey sa baba habang ako'y kakapasok palang sa kwarto. Ayaw niya kasing naiistorbo siya kapag nagluluto. Eh kahit naman maistorbo o hindi, hindi pa rin naman gaanong kasarap 'yong niluluto niya. Magkasing-edad lang kami niyan ah!

NANG MATAPOS ako maligo ay kumain na kami't nag-ayos ng aming mga sarili. Nagsuot ako ng red long sleeves at long, black coat para handa na ang aking ayos papunta sa preliminary hearing namin para kay Sandoval. I paired it with high, black stiletto, criss-cross stockings, and dark blue skirts, which have made me more formal than my other lawyer-attires. Si Jelsey naman ay ganon rin, magkaiba lang kami ng kulay na pinili sa mga damit namin.

"Tara na, Jelsey!" Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa sari-sarili naming kotse. I hopped into my 2021 Acura ILX while Jelsey got her 2021 Porsche 911. Halata sa kotse niya pa lang na napakayaman niyan ni Jelsey. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa nag-aasawa.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now