Chapter 41

620 17 1
                                    

Atty. Christine Villeza

"Kanina pa tayo magkasama, hindi ka pa ba aalis?"

Atty. Christine Villeza

"Kanina pa tayo magkasama, hindi ka pa ba aalis?"

Nginisian lang ako nito't uminom muli ng milktea niya. Ako naman ay humigop din ng akin habang nakatingin sa labas. Nilibre niya kasi ako kanina nang maubos ang iniinom kong tsaa. Aalis na sana ako kaso pinigilan niya naman ako. "Hindi pa. Mamaya na."

"Naiirita na ako sa mukha mo eh."

"Pagkatapos kitang bigyan ng rosas?"

Napairap ako sa sinabi nito. "Hiningi ko ba sayo 'yan?" Isinakbit ko na sa aking balikat ang shoulder bag ko at tumayo. "Kung ayaw mo pang umalis, ako aalis na 'ko. Salamat dito sa milktea ah. Just give me the bill later."

Iniwan ko na doon ang pulang rosas na binigay niya dahil baka isumbat niya pa sa akin 'yon. Binuksan ko ang pinto at tumitig sa basang kalsada. Mabuti na lang at hindi na umuulan pagkalabas ko, at may sinag pa naman ng araw na nagbibigay-ilaw sa daan. Hindi na ako lumingon pa dahil baka akalain pa ni Bright ay hinihintay ko siyang sumunod.

Nagsimula na akong maglakad sa tabi ng kalsada. The sidewalk is wide, so I think it is safe to walk here. Kaso, sa kinamalas-malasan, naka-buntot pa rin sa aking likod si Bright. Nilingon ko ito't inirapan. "Hindi mo talaga ako tatantanan, 'no?"

Tinawanan lang ako ng gago. "Ang aga-aga, napakataray mo. Alas-cinco pa lang oh."

"Tuwing gabi lang ba pwedeng magtaray?" Nagpatuloy na akong maglakad at hindi na lang siya pinansin. His mischievous smile is always making me annoyed. Ang lakas talaga mang-asar. Nakakairita! Ilang beses ko na sigurong nasasabi na naiirita ako sa kaniya sa tuwing nagkakatagpo kami.

Ilang segundo lang ang nakalilipas ay tumabi na ito sa akin at sinabayan na ako sa paglalakad. I can see his full smiles from my peripheral view. Kapag sinuntok ko ba 'to ngayon, kakasuhan niya ako? Tiningnan ko ito at nginisian. "Will you sue me if I did something bad to you?"

"It depends on how will you do it to me." Napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "If you're going to kiss me until a second before I totally be suffocated, then I might not sue you with attempted murder or anything. Or if----!"

"Shut that nonsense, son of a bitch. Mamamatay muna ako bago kita mahalikan." Mas bumilis ang paglalakad ko kaso mabilois naman siyang nakahahabol. Hinayaan ko na lang tuloy na sumabay siya sa'kin. Wala naman akong magagawa 'di ba? "Taas ng confidence mo ah?"

"Well, you kinda kissed me once. Noong nasa Pasig City Police tayo, after that attempted multiple murder and rape incident. I still remember how Mr. Billionaire watched us that day." Ngumisi ito sa akin pagkasabi niya no'n.

Bahagya akobg napatigil sa paglalakad pero pinagpatuloy ko pa rin. Baka sabihin nitong si Bright ay masyado akong apekyado sa halik na 'yon. "It wasn't counted. Aksidente 'yon."

Pakiramdam ko'y pulang-pula na ang mukha ko't gusto ko na lang lamunin ng lupa. Bakit pa kasi naalala niya 'yon? Damn this prosecutor! Hindi ako makatingin sa kaniya samantalang siya'y patuloy akong inaasar. He kept on teasing and tickling my little belly.

"So you wanna have a kiss that can be counted as one?" He stopped for the very moment and held my hand before I could even go away from him. Tiningnan niya ako nang diretso sa mata at ngumiti. It was a different smile from his usual smile in court. This one is. . . different. This was just like what I've seen when we were at the Ortigas Park.

I don't know what the hell happened to me, but I froze for a moment and dumbly looked at him. He smirked and looked at my lips. "Anong kayang lasa ng lip gloss mo, Defense Atty. Christine?"

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora