Chapter 32

601 25 2
                                    

Atty. Christine Villeza

"Pride will always be the longest distance between two people." 'Yan ang kadalasang sinasabi ng mga nakatatanda sa mga kabataan ngayon. They didn't know that it's also applicable to them. Kahit nga si Jelsey ay nabanggit din sa'kin 'yan ngayon. "Parehas kayong mahihirapan, Christine." dagdag pa niya.

"Anong gusto mong gawin ko?" I retorted while rolling my eyes. "Lumuhod sa harapan niya?"

"Yeah." she chuckled. "Then i-blowjob mo----!"

"Yuuuck! Ang bastos talaga ng bibig mo!" Marahan ko itong hinampas na ikinatawa naman niya. Hindi ko na ito pinansin dahil dumami na rin yung tao sa elevator.

Nasa SM kasi kami ngayon, mamimili ng bago naming mga formal attire para sa trabaho. I suggested na um-order na lang kami sa mga online shopping apps kaso tumutol naman siya. Hindi raw kasi guaranteed na maganda ang makukuha namin. Sumunod na lang ako sa kaniya rito kaysa naman mabagot sa bahay. Ayoko namang magtagal sa hospital nina Sandoval dahil hindi pa kami magkaayos. Nakakahiya naman.

We were going to the 3rd floor of this mall. Nando'n kasi 'yong mga branded na pang-formal attire namin ni Jelsey. Balak na rin naming dito kumain dahil magla-lunch na. Wala rin kasi sa bahay si Mama kaya for sure ay wala kaming daratnang pagkain. Uuwian ko na lang siguro si Mama 'pag natapos kami rito.

Nang makalabas kami sa elevator ay agad na nagsalita si Jelsey. Only if I could cover my ears, I would. Kaso ang weird ko naman tingnan 'pag gano'n 'di ba? Napakadaldal kasi nitong si Jelsey. Hindi naman 'to ganito kadalasan.

"But seriously, why don't you settle this for the both of you. Sandoval will get his liberty back to him, you will get extra money for your brother's expenses. Win-win."

"It's not that easy, Jelsey." I replied. Pumunta na kami sa Bench at namili ng mga female formal attires.

"Not easy to what? To lower your pride?" Tinapik nito nang bahagya ang aking balikat at namili na rin ng mga bibilhin niyang damit. "Pride might leave you with nothing, Christine."

"Mm-kay." I shortly retorted. Natawa ito nang bahagya sa aking sagot.

"Akala ko ba, mahal mo si Sandoval?"

Napatingin ako sa kaniyang sinabi. "Kailan ko sinabi 'yan, ah?" Nagpatuloy lang ang paghawi ko ng mga coats and skirts na nadadaanan namin. I was planning to buy these following a business casual dress code. Bagay naman sa amin lahat.

"Wala. . . pero halata naman. Remember, Christine, never let your pride keep something shattered that your heart wants to repair."

Napangiti ako sa kaniyang sinabi pero hindi ko pinahalata sa kaniya. She's right. Siguro dapat na ngang babaan ko ang pride ko't magpakumbaba na lang kay Sandoval. Just like Jelsey said earlier, it's a win-win situation. Maging si Bright ay 'yon din ang sinabi sa akin kagabi.

Speaking of Bright, "Alam mo bang nakasama ko si Bright kagabi? The time when I walked out of the police station." Lumingon ako kay Jelsey at napansing hindi siya nabigla.

"I already know that. Prosecutor Dark texted me yesterday evening. . . bago ka pa umuwi sa bahay niyo." Tumingin ito sa akin at ngumiti.

Bahagyang napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "Paano kayo nagkaroon ng koneksyon ni Dark? Gago 'yon eh, mag-ingat ka."

Natawa ito habang kumukuha ng mga damit na bibilhin niya. "Remember when he accompanied me to the hospital after that congressman-incident? Kinuha niya 'yong number ko no'n eh."

"At binigay mo naman?"

"Hindi naman siya nagtanong kung pwede niyang kunin. Hinablot niya 'yong phone ko tapos kinuha niya 'yon number ko. Tama ka, gago siya. Hindi lang ako nakapalag dahil pagod na pagod ako no'n." Umiling-iling ito't inilagay na ang pinamili niya sa basket.

"You already changed your number?"

"No, why would I do that just because of him? Ni-block ko lang 'yong number niya." Natatawa nitong sambit. "Eh kayo ni Bright? What did you two do?"

Bigla kong natawa sa kaniyang sinabi. "Grabe namang tanong 'yan! Akala mo naman, nag-sex kami ni Bright."

"Ay hindi ba?" She pretended to be so shocked but she bursted out laughing. "Hahaha, sorry na! Akala ko naman kasi talaga ay may magic driving nang nangyari."

Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalagay ng damit sa aking basket. "Walang gano'ng nangyari, okay? Kinuwentuhan niya lang ako ng kaunti tungkol sa problema niya, that's it."

She smirked and chuckled. "Hindi ka nag-kwento pabalik?"

"Nag-kwento rin naman ng kaunti." I just shrugged my shoulders after I glanced at her.

"So nag-kwentuhan nga kayo?" she meaningfully asked while emphasizing the word 'kwentuhan'. Sinamaan ko ito ng tingin kaya bahagya siyang tumawa. "What? Kwentuhan! As in story time, gano'n. Ito naman iba agad ang nasa isip."

Napangiti ako't bahagyang umiling-iling. "Oo, pero kaunti lang. Nabanggit ko lang ng pahapyaw 'yong problema ko kay Sandoval."

"Iyon lang?"

"Yah. Wala naman akong nasabi tungkol sa ini-imbestigahan nating kaso ni Sandoval kaya wala siyang nakuha sa'kin. Though, hindi naman siya nagpakita ng motibo na may gusto siyang makuhang impormasyon. Baka problemado lang din 'yong tao."

Dahan-dahan itong tumango at ngumiti. "Tara na, tapos na ako mamili. Ikaw ba?"

"Yeah, I also got enough too. Tara na."

Medyo natagalan kami sa pagbabayad dahil mahaba ang pila sa cashier. Medyo nainis lang si Jelsey at muntik na makipag-sabunutan dahil sa isang sumingit sa pila. Mabuti naman at napakalma ko dahil kung hindi ay baka mabalita pa ito. Mahirap na, kasagsagan ng kaso ni Sandoval.

Speaking of Sandoval's case, I'm still deciding whether I'll come to him and say sorry for what I've acted, or drop the case and let Jelsey handle it. Medyo naiinis pa rin kasi ako sa kaniya dahil sa mga sinabi niya sa akin kagabi.

Pero nang makita ko 'yong kapatid ko kaninang umaga, naisip ko na baka, "Ah sige. I'll do this again for my brother. I'll continue defending Mr. Billionaire." sambit ko sa aking isipan.

Siguro dapat ko na ngang aminin na hindi ko kayang mawalan ng koneksyon kay Sandoval nang gano'n-gano'n lang. I will continue defending him no matter what. Bahala na! Para sa kapatid ko ulit.

Nang makapagbayad na kami sa cashier ay dineretso muna namin itong mga dala namin sa kotse para wala kaming bitbit bago kumain. Nasa tapat lang naman ng mall naka-park ang aming kotse, maliwanag pa, kaya alam naming ligtas dito. Medyo nag-ingat na kami dahil nadala na kami sa nangyari noong nakaraan.

Papasok na sana ulit kami sa loob nang mall nang may mapansin kaming dalawang pamilyar na lalaking nagtatago sa likod ng isang kotse. Ang isa'y naka-all white formal suit ngunit nakatalikod sa amin kaya hindi ko nakilala.

Ang isa naman ay---- "Oh, shit." Napatingin ako kay Jelsey na siyang napatakip sa kaniyang bibig. Kinalabit ako nito't pinalapit ako sa pwesto niya. "Look who's that! Wait, I'll take a picture."

Nang makita ko kung sino ang tinutukoy niya ay nanlaki ang aking mga mata. Ang huli naming pagtatagpo ay noong mahuli namin siyang muntik nang saktan si Jeffrey sa SBS building. Inilabas ko ang phone ko't kinuhanan siya ng litrato.

"Noel Serafica. What are you doing here, huh?"

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now