Chapter 26

675 22 1
                                    

Atty. Christine Villeza

"The Times' here," I updated Jelsey over the phone. "Bilisan mo ah, nandito na kami sa SM Pasig branch, Starbucks, 7th table from the door, left wing."

Kinuha agad ni Jeffrey sa akin ang cellphone at sila naman ang nag-usap. Napairap na lang ako sa hangin habang nakatingin sa kaniya. Kanina pa ako naiinis sa isang 'to eh. Imagine, the table was half occupied because of his huge camera and few equipment. 'Yong bag ko nga ay sa tabing upuan ko na lang nailagay. Ipinatong ko rin 'yong binili kong frappe sa gilid dahil ayaw niya, baka raw mabasa yung gamit niya.

Tapos ito ngayon, hinablot pa 'yong cellphone ko para kausapin 'yung loved one niya. "Why don't you call Jelsey by your phone, The Times? Cellphone ko 'yan eh!" I argued. I usually call him The Times when I'm pissed. Kaunti na lang talaga ay masisipa ko na ng pinagmamalaki nito.

"Shut up, Attorney." He shushed with the slightest respect. Sasagot pa sana ako kaso ibinigay na niya 'yung phone sa akin nang padabog. "Iyan na, Attorney. Happy?"

I twitched my lips and raised my brows. "Happy as hell." Itinabi ko agad ang cellphone ko't hindi na siya pinansin. Humigop na lang ako sa coffee frappe na in-order ko't tumingin sa labas.

Dalawang araw na ang nakalipas nang dumalaw kami kay Sandoval. Nagtampo 'yon sa'kin dahil tinanggap ko raw ang bigay na mga bulaklak ni Bright. Hindi ko na lang siya pinansin. Sino ba kasing may sabi na tinanggap ko 'yong bulaklak? Hinawakan ko lang. Hindi ko tinanggap.

Sinubukan ko siyang dalawin kanina pero pinagbawalan ako ng mga pulis dahil hindi siya tumatanggap ng dalaw. Pinabayaan ko na lang kahit ako pa ang abogado niya, at may karapatan akong makita siya. Bahala siya sa buhay niya. Nagpapa-miss siguro.

Dapat siguro'y sa kaniya ko na lang ibinigay 'yong bouquet na binigay sa'kin ni Bright.

Speaking of Bright, we saw each other yesterday when Jelsey and I requested for the prosecution's evidence. We had Sandoval's approval to examine and use the evidence so the jury and the judge already approved and signed our request. Kinukuha na ni Jelsey ngayon 'yong mga ebidensya at ito naman kaming hinihintay siya.

Ay wait, may isa pa pala kaming hinihintay. "Where's Severina Hemsworth?" I asked Jeffrey who's now playing mobile games. Tumingin ako sa aking relo at nalamang alas-tres na ng hapon. Mukhang magpupuyat na naman kami ni Jelsey sa bahay para sa kaso ni Sandoval.

"She's about to come in a minute." Tumingin ito sa cellphone niya at bahagyang napangiti. "Oh yeah, here she is." Lumingon ito sa pinto na nasa likod namin.

"Sino? Si Severina?"

Umiling ito at bahagyang ngumiti. Hindi ako nito sinagot at kumaway lang sa kung sino ang nasa likod ko. "Hi, Jelsey! Here!"

I rolled my eyes and chuckled. Akala ko naman, artista na. Tumingin rin ako sa likod at nakita si Jelsey na papalapit sa amin. "Hay salamat, nandito ka na, Jelsey. We've waiting you for hours." Pinaupo ni Jeffrey si Jelsey sa tabi nito.

"Just an hour, Christine. H'wag kang OA, haha." natatawang sambit nito habang inilalabas ang mga papeles sa gamit niya. Si Jeffrey naman ay ibinaba na ang mga mahal niyang camera kaya nailapag na namin ni Jelsey ang mga gamit namin.

Sinamaan ko si Jeffrey ng tingin nang magtagpo ang mga titig namin. Ibinaba niya lang talaga ang gamit niya nang maglabas si Jelsey ng mga gamit? Pero 'yong kape at bag ko hindi niya pinalagay kanina? Aba, unfair talaga!

"Bakit ba The Times ang tawag niyo sakin, ha?" Jeffey asked out of the blue. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Jelsey.

"Why? You're a journalist from The Times abroad, right?" Jelsey acquiesced without looking at Jeffrey. She's busy reading some paperworks.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now