Chapter 31

594 24 2
                                    

Atty. Christine Villeza

"Pero kung scripted 'yon, Sandoval must know it already! Sana sinabi na niya sa atin agad 'di ba?!"

Kahit papagabi na ay umalis agad ako ng bahay at sumakay sa aking kotse. I think it's already 6:00 pm. I was wearing my usual formal attire when going to Sandoval's detention room. Hindi na ako napigilan ni Jelsey dahil kailangan ko talagang malaman ang totoo mula sa bibig ni Sandoval.

Kailangan naming malaman kung scripted nga talaga ang mga 'yon. If it really is, then all of that was just a bunch of waste. It wasn't a genuine vlog or a video footage. It's fake.

We need to know the truth from Sandoval himself.

Habang nagmamaneho, bigla na lang may tumawag sa aking telepono na nasa aking tabi. I looked at it and found out that Jelsey was calling. I pressed a button and put it on loudspeaker. "What is it?" I acquisced.

"Why are you in such a haste, Christine? Hindi naman makakatakas si Sandoval d'yan eh."

I rolled my eyes while listening to Jelsey. "I need to know the truth right here, right now. Mas lalo akong magagalit kung pinagmumukha lang pala tayong tanga ni Sandoval. That son of a bitch!" Napa-preno pa ako dahil sa nag-overtake na sasakyan sa harap ko.

I heard her heaved a heavy sigh and slighly chuckled. "Kumalma ka nga, Christine. You will hear the truth in no time. Just. . . Just be safe in driving."

"Okay, fine. Bye, Jelsey. I'll hang the call now."

MABUTI NA lang nakarating na rin ako sa wakas sa police station. Alas-syete na rin ng gabi kaya medyo madilim na. I got out of my car and went straight to Sandoval's room. Muntik na nga akong hindi papasukin ng pulis dahil 'di raw muna tumatanggap ng bisita si Sandoval. Bago pa lang siguro itong pulis na ito. Nang malaman nila na abogado ako ni Sandoval ay pinapasok agad nila ako.

Agad ko namang isinara ang pinto at nakita si Sandoval na natutulog sa kama niya. I rolled my eyes when I noticed that he was faking it. "Sandoval, we need to talk."

He opened his eyes and glanced at me. Tapos bumalik na naman siya sa pagkakatulog. Inilapag ko ang bag ko sa lamesa at bahagya siyang nilapitan. "Hey, Sandoval! Mag-usap nga tayo!"

Umupo ito mula sa pagkakahiga at tiningnan ako ng masama. "What the fuck, can't you see that I'm sleeping?"

"Eh, p*tangina ka pala eh, abogado mo ako 'di ba?" Hinampas ko ito sa balikat para tumayo siya. Nang tumayo naman ito ay lumayo ako nang bahagya. "What?!"

"Ano bang pag-uusapan natin, ha?"

"Scripted ba 'yong mga videos niyo ni Charisse sa camera mo?" diretso kong tanong. She was caught off guard by that sudden question. Tiningnan ko lang siya hanggang sa kumawala na ang tingin niya sa akin.

"Why don't you investigate it yourself?" He looked at me straight in the eye. I feel like he's up for something. Mukhang galit ito sa akin o ano.

"Why don't you cooperate, Sandoval? You're my client! Bakit ba pinahihirapan mo ako ng ganito?"

"Eh sayang naman pala 'yong milyon-milyon na binigay ko sayo eh!" sigaw nito sa akin habang dinuduro ako. "Puro ka lang siguro kalandian sa prosecutor na kalaban mo? Nakipag-halikan ka pa nga sa kaniya no'ng nakaraan. Kung hindi pa kita nahuli, ano? Magse-sex na kayo?

I was taken aback by his sudden statement. Nanlaki ang aking mga mata habang at napaawang ang aking bibig. "W-What the fuck?"

He was also shocked by what he had said. "N-No, no, I'm sorry, Christine----!"

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now