Chapter 5

1K 36 7
                                    

P/S: These scenes happened days before Sandoval's first court appearance and arraignment. This is more like a flashback. It happened before and after Chapter 2.

°°°

Atty. Christine Villeza

"Christine, aalis muna ako ah. Maglinis ka ng bahay." utos sa akin ni Mama habang nag-aayos ng bag niya.

Napahinga tuloy ako nang malalim. Hindi na maliit ang bahay namin kaya sigurado akong nakakapagod linisin ito. Siguro'y dapat humanap na ako aming kasambahay para hindi ko na maisingit pa ang paglilinis ng bahay sa aking trabaho. Tambak pa naman ang aaralin ko sa kaso ni Sandoval.

"Sige po, Ma." Wala naman akong magagawa. Kung kaya niya linisin 'tong buong mansyon, dapat kaya ko rin. Matanda na si Mama pero nakaya niya pa. Ako pa kayang bata pa? "Saan nga po pala kayo pupunta?"

Tumingin sa akin si Mama at ngumiti. "Dadalawin ko ang kapatid mo sa hospital, Anak. Baka doon muna ako mag-stay hanggang mamayang gabi tapos uuwi ako sa dati nating bahay para maglinis doon. Baka sa isang araw pa ako makauwi, Anak. Papuntahin mo na lang dito ang kaibigan mong si Jelsey para may makasama ka."

"Ihatid na kita, Ma?" Tatayo na sana ako para sana mag-ayos ng aking damit kaso bigla siyang nagsalita.

"Nako, Anak, h'wag na. Tapusin mo na 'yang inaaral mo at maglinis ka ng bahay ah!" bilin nito sa akin at ngumiti. "Sige na, Nak, mauna na ako."

Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi. "Ingat po, Ma."

SIGURO MGA ILANG oras din akong naglinis ng buong bahay simula una hanggang ikalawang palapag. Napakalawak kasi talaga ng bahay na ito kaya nagpapasalamat din ako sa bilyonaryong gago na si Sandoval. Ganito ba siya ka-galante sa ibang mga abogado niya? Napaisip tuloy ako habang nagpapalit ng aking basang damit.

Nang makaupo muli ako sa sofa para makapag-pahinga ay biglang may tumawag sa aking cellphone. I looked at my phone and noticed that it was an unregistered number. I once thought of not answering it, but I guess it was urgent so I picked up the call. Pagkadikit ko sa aking tainga ay marami akong narinig na mga nag-uusap.

"Hello? Who's this?"

"Hi, Love?" I heard that he laughed mockingly from the other line.

"Fuck you, Sandoval." I knew it was him based on his voice. Tunog gago eh. "What do you want?"

"Well, things really happen fast. Nasa presinto ako ngayon----!" Naputol ang linya sa kabila ngunit bumalik din pagkatapos ng ilang segundo. "My bad. Nahablot ako ng isang reporter eh. Pero ayos pa naman, buhay pa."

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. "Where the hell are you? Exact."

"Pasig City Police Station----!" Ngayon ay naputol ang salita niya ngunit hindi naputol ang linya. Narinig kong kailangan na siyang ipasok sa interrogation room sabi ng isang pulis. "Oh, bye, Attorney! I better go."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad akong tumayo't nagpalit ng maayos na damit pantrabaho. Kakatapos ko lang mag-linis pero ito na naman ako, magta-trabaho na naman.

Kailan ba ako makapagpapahinga?

°°°

"The YinYang of the Court Trials." he trailed off and smiled.

"So, para malinawan na kami. Could you tell us what really happened before the crime scene?" Jelsey started as I pressed the record button of my phone.

We needed to get this session recorded so we could have an unlimited access to his statement. Mapag-aaralan din namin ang mga posibleng nangyari dito. Kahit na nabigyan na kami ng mga pulis at mga imbestigador ng mga impormasyon na pwede naming magamit sa kaso ni Sandoval, mas maganda kung magkakaroon din kami ng amin.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt