Chapter 57

402 13 0
                                    

Atty. Christine Villeza

"Good morning, Attorney Christine."

Ngumiti ako sa mga pulis na bumati sa akin at bumati rin pabalik. "Good morning din. Keep up the good work."

Mabilis akong nakarating sa kwarto ni Sandoval dahil na rin wala pa namang mga busy na pulis na nagsisiksikan sa daan. Nginitian ako ng babaeng pulis na nagbabantay sa labas ng kwarto ni Sandoval. "Mukhang good mood kayo ngayon, attorney, ah?"

Bahagya akong tumango bilang pagbigay-galang at ngumiti. "Gumanda lang naging good mood na?" biro ko sa kaniya at bahagyang natawa. Bahala na siya kung maintindihan niya ang biro ko at iniwan na siya sa labas.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ni Sandoval at nadatnang nakahiga ito habang nakatingin sa kisame na animo'y malalim ang iniisip. Inilapag ko sa lamesa ang dala kong bag tapos ay inilabas ko ang mga tee shirt ni Sandoval na pinabili nito pati na rin ang dinala kong pagkain para sa kaniya. I caught his attention when I threw him a shirt. Mukhang malalim talaga ang iniisip dahil nagulat pa ito nang makita akong nasa loob ng kulungan niya.

"Oh, Christine, nandito ka pala." Nakangiti nitong bungad sa akin at dali-daling umupo sa upuan na nasa tapat ko. "Pasensya na't hindi kita agad napansin. I was too preoccupied."

I smiled at him and sat in front of him as well. Magkaharap kami ngayon habang inihahanda ang baunan ng pagkain na para sa kaniya. Inihanda ko na rin ang akin para sabay na kaming kumain dito. "Preoccupied about what? Sa last trial mo ba?" I asked.

He got the spoon and fork that I was giving him and smiled. Sumubo ito ng kanin at ulam na ibinigay ko at ngumiti nang abot tainga nang makunok ang pagkain niya. "This is very delicious, Christine! Where did you get this?"

I pouted when I heard his response. Not because he thought that I just bought this food but because he evaded my question. "Ba't mo iniiwasan ang tanong ko?" I asked again and rolled my eyes.

Nagpatuloy ito sa pagkain pero bahagya ring tumigil nang mahalata niya na tinititigan ko lang siya habang hindi niya ako sinasagot. "Finish your food, Christine. Masarap 'tong binili mo kaya i-enjoy natin 'to" He smiled and continued eating.

"Sandoval." I spoke with authority.

Tumingin ito sa akin at ngumiti ng mapait. "Okay, fine." He heaved a heavy sigh as his shoulders relaxed. "I was just thinking of the scenarios if ever that I get convicted, you know? Mahirap sa kulungan. Mas mahirap pa sa mga naranasan natin noon sa pagtatrabaho, Christine."

I gave him a warm smile and tapped his hand. Ngumiti ito pabalik at nagpatuloy na sa pagkain. "Just trust your attorneys, Sandoval. Truth and justice will be served to everyone by the law. Trust the law even more. You deserve the truth and justice behind this framed crime, Sandoval. Makakalaya ka."

He smiled bitterly. I'm glad that I can still see the hope in his eyes. "Promise?"

I chuckled. I was astonished by his childly response. "Pinky promise." I rolled my eyes and laughed. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain dahil sobrang sarap talaga ng niluto ko. Hindi 'to joke ah. "By the way, I cooked this food for you."

Napatigil ito sa pagkain at tinitigan ako. I raised my right eyebrow and smiled mockingly. "Oh shit, I'm s-sorry, Christine. I thought y-you just bought it for me together with the tee shirts that I requested."

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hinayaan siyang makonsensya. Natatawa pa rin ako sa loob-loob ko dahil sa mga unexpected gestures niya. "No, it's okay. Wala namang offensive sa sinabi mo." Nginitian ko ito at tinapos na ang aking pagkain.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now