Chapter 30

647 23 0
                                    

Atty. Christine Villeza

"Knock knock!"

"Pumasok ka, Jelsey. Bukas 'yan!" Hindi naman masyado kabigatan ang malaking pinto ng mansion na ito kaya nakapasok agad si Jelsey. She was wearing her favorite black coat and white high-waist pants. She's in formal attire. . . I don't know why. "Getting back to work?"

Isinara agad ni Yaya 'yong pinto habang naglalakad papunta sa tabi ko si Jelsey. Oo nga pala, Sandoval got me a maid-slash-yaya after what happened to me last three days. Mabait naman at maasahan si Yaya Sising. Nagkasundo nga agad sila ni Mama rito sa bahay.

"Nope," Jelsey answered while sitting beside me. Nandito kami sa sofa ngayon, nakain ng chips habang nanonood ng TV. She mentioned earlier that she'll be visiting me after her days of resting. Here she is now, bugging me again. "Jeffrey and I will meet later."

I looked at his clothes and looked at her. "A date?"

Bahagya itong natawa at sumandal sa sofa. "With all this professional attire, do I look like I'm coming into a date?" nakangiti nitong tanong.

"Well, when talking about your Jeffrey, I know that you two are dating occasionally. Ngayon ba?"

"Nope, we will not. But I was planning to cancel our meeting na rin naman. Tinatamad na ako. Nood na lang tayo rito."

Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "You sure about that? Hindi ba 'yan importante para i-cancel mo agad?"

She smiled and glanced at me. "I was cancelling our meeting as you speak." Pumindot-pindot pa ito sa phone niya at nang matapos ay ngumiti ito sa akin at kumuha ng chips na hawak ko. "Cancelled! H'wag ka mag-alala, mas mahalaga naman kasi 'yong gagawin natin ngayon."

I was about to reply but Mama suddenly came in and gave our lunch. Nginitian ako nito't tumabi sa aking tabi. Malawak naman 'yong sofa para sa aming tatlo. "Bago 'yang mga gagawin niyo, heto't kumain muna kayo nang magkalaman ang mga tiyan niyo."

"Salamat, Ma." I beamed while getting my food from the table. Si Jelsey ay kinuha na rin ang pagkain niya't sumubo na ng kanin. "Nandiyan naman po si Yaya Sising, hindi niyo na po kailangang mag-abala na paghandaan pa kami."

"Anak, minsan ko lang naman kayo pagsilbihan ni Jelsey. Tsaka, gusto kong bumawi sayo dahil palagi na lang akong nagbabantay kay Jayron at hindi na kita naaasikaso." Hinaplos nito ang aking buhok at ngumiti. Ipinatong ko na sa hita ko ang pinggan at nagsimula nang kumain.

"Hindi naman kailangan, Ma, pero salamat po. Kamusta na nga po pala si Jayron sa hospital? Hindi ho ako nakadalaw kaninang umaga dahil may kailangan kaming tapusin ni Jelsey ngayon." Sumubo ako ng kanin at ulam na inihanda sa amin ni Mama.

Kahit kailan talaga'y masarap magluto si Mama ng mga ulam na may sabaw. Ito nga't takam na takam ako sa niluto niyang adobo. Si Jelsey naman ay malapit nang maubos ang pagkain niya na animo'y ngayon lang nakatikim ng masarap.

"Iyon, ayos naman. He's somewhat recovering. . . sinusunod namin 'yong mga treatments and practices na sinabi ng mga doktor. Though, he always asks me to send his greetings to you. Congrats raw and love you."

Napangiti ako sa nabanggit ni Mama sa akin. Alam kong hindi na si Jayron gagaling sa kaniyang anterogade amnesia, pero kahit sana sa sakit niya sa puso ay gumaling siya. I have many plans for my brother and I will do all I can just to make him safe. "Thank you sa pag-aalaga sa'min, Mama."

Ngumiti siya't hinalikan ako sa noo. "Responsibilidad ko 'yon sa inyo, Anak. Sige na't punta muna akong kusina. Magli-linis lang ako." Tumayo na ito't umalis na sa sofa.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon