Chapter 51

480 17 0
                                    

Atty. Christine Villeza

"Nangyari na po ang lahat, Ma'am Christine. Wala na po kayong magagawa kundi tanggapin ang mga nangyari kanina."

Nag-echo sa aking isipan ang advice ni Agustus sa akin kanina. Nabanggit ko kasi sa kaniya na hindi naging maganda ang napag-usapan namin ni Charisse. Gaya ng sinabi niya ay wala na akong magagawa at tanggapin na lang.

Letse naman eh! Bakit ba kasi nadala ako ng emosyon ko?

Oo, tanggap ko naman. Tanggap ko naman na mali ako at hindi dapat naging gano'n ang pakikitungo ko sa kaniya. Due to my overflowing emotions, I forgot to reconsider her mental state while talking to her. Dahil doon ay nag-breakdown siya, at gano'n din ako ngayon. Kasalanan ko 'to eh!

Pero, kasalanan ko na naman ba? Kasalanan na bang ipagtanggol at angkinin ang taong mahal mo at para naman talaga sayo?

Ewan ko na. Hindi ko na rin alam. Halos pa-gabi na rin natapos ang usapan at pagda-damdam ko sa loob ng hospital. Mabuti na nga lang ay nahintay pa ako ni Agustus hanggang ganitong oras. I think we should call it a night. Pagod ako. Pagod ang utak at ang puso ko. Kaunti na lang ay hahagulgol na ako nang malakas at mag-i-iiyak sa kwarto ko.

Habang nakasandal ako sa bintana ng kotse n Agustus ay bigla na lang may nag-vibrate sa bag ko. When I looked at it, I found out that it was my cellphone and Jelsey was calling me. Kinuha ko agad ito at itinapat sa aking tainga. "How are you feeling?" I asked in an exhausted tone.

"I'm good. Rina has finished interrogating Sandoval about an hour or two ago. Hindi kita matawagan kanina, mabuti na lang at nasagot mo na ngayon."

Hindi ako nakapagsalita't hinayaan na lang siyang magpatuloy. "You seems stressed, Christine. How and where are you now?"

"I'm fine. Pauwi na." I shortly said. "Inihahatid na ako ngayon ni Agustus sa bahay."

"It's good to know that you're heading home. Kami rin ni Jeffrey ay malapit na sa bahay mo. Ngayon lang kami nakauwi dahil nagpasama muna ako para kumain ng gulay doon sa paborito nating resto."

I gave a weak chuckle. "Nag-date kayo?"

Pakiramdam ko ay drained talaga ako ngayong araw na ito. Lalo na't nagsisisi ako sa naging takbo ng usapan namin ni Charisse. I shoudn't have done that.

"Hindi 'yon date, Christine." she said in a monotonous voice. "Anyways, nandito na kami sa street niyo. Bye."

I have no strength to cut the call so I left it that way. Hindi rin pala ibinaba ni Jelsey kaya nanatiling nasa tainga ko ang cellphone. "And I know that you're not okay, Christine. Let's talk about it when you got home."

Nang patayin na niya ang tawag ay pinatay ko na rin ang cellphone ko para wala nang makaabala sa akin. Sumandal muli ako sa bintana ng kotse habang nakatingin sa traffic sa labas. Bakit ba ganito dito? Walang katapusang traffic! Kahit malapit lang ang Manila sa Pasig ay napatatagal pa rin dahil sa traffic na ito.

Napapikit na ang mata ko dahil sa sobrang pagod na rin siguro. Hinayaan ko na lang na iduyan ako ng kotse at ng nararamdaman ko. Sumandal ako sa aking upuan at hinayaan ang sarili kong makatulog. Wala rin naman akong gagawin. Mas mabuti nang makatulog kaysa mag-isip pa ng mga bagay na ikaiiyak ko.

"Are you my lawyer?"

"I'm on the defense side, Charisse. Your fiancé's counsel. Dahil ipinakulong niyo lang naman ang inosenteng si Anthony."

"Are you here to kill me? Para hindi ako makapag-salita laban sa kliyente mo?"

"Kung gusto kitang patayin, pinatay na sana kita habang na-comatose ka. But I didn't. Tingnan mo nga ngayon at nakapagsasalita ka pa."

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now