Chapter 35

625 25 0
                                    

Atty. Christine Villeza

"Bakit ba kailangan pa ulit nating pumunta roon?" angil ko habang hinahabol ang bilis ng paglakad niya. Kabababa lang namin ng kotse tapos ito namang si Jelsey ay napakabilis maglakad. Nasa tapat kami ngayon ng Pasig City police station at kailangan niya raw pumunta kay Sandoval para makausap. "Why are you in a rush, Jelsey?"

Nakapasok na kami sa police station kaya maraming mga pulis ang bumati sa amin. They were not hostile just like before. Siguro'y namatay na 'yong issue tungkol sa pag-aaway at pag-wo-walk out ko rito noong nakaraan.

"Good morning." Jelsey greeted the police once. Binagalan nito ang paglalakad at bumulong sa akin. "We need a statement from Sandoval regarding their drafts from his camera. Hindi ba't di pa natin alam kung scripted ba talaga ang mga video nila?"

I heaved a heavy sigh and looked at her intently. Mabagal kaming naglakad ni Jelsey patungo sa kwarto ni Sandoval. "Hindi ba't sinabi ko na sayo ang mga sinabi niya sa'kin kahapon?"

"Did you record it?"

"N-No." Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Sandoval nang nasa tapat na kami nito.

"Then we have to get one. Kailangan may paghawakan tayo sa kung ano mang lumalabas sa bibig ni Sandoval." Binuksan na nito ang pinto at nakitang natutulog pa si Sandoval.

Nang makita kami nito ay bumangon din naman siya nang may inaantok pang mga mata. I smiled a bit and so as he. Napakunot naman ang noo ni Jelsey dahil siguro sa weirdness naming dalawa ni Sandoval.

"Take this." Hinagisan ko si Sandoval ng mga bagong damit at pang-ibaba. Ngumisi ito't bahagya lang natawa.

"What's up?" Sandoval asked while changing his clothes. Jelsey with a straight face, she didn't mind Sandoval changing in front of him. Samantalang ako'y bahagyang namula at umiwas pa ng tingin. "Kahapon ay dumalaw na sa akin si Attorney Christine. Ngayon, magkasama na kayong dalawa."

Hindi pinansin ni Jelsey ang sinasabi ni Sandoval habang inilalapag nito ang laptop niya sa lamesa. Nagkatinginan kami ni Sandoval nang bahagyang gumalaw ang lamesa nang ipinatong namin ang mga gamit dito. "What the----? Paano nasira 'tong lamesa mo, Sandoval?"

Nagkatinginan muli kami ni Sandoval at bahagyang napatikhim. Sandoval chuckled while I was turning red in front of him. Bakit nga ba nasira 'yan?

D-Dahil ba 'yon sa second round namin kahapon? Bakit ko pa kasi pinilit si Sandoval ng isa pa eh!

"Ah. . . eh. . Baka bumagyo kahapon?" palusot ko na ikinatawa naman ni Sandoval. Si Jelsey ay bahagyang napailing at umupo na lang. Umupo na rin kami ni Sandoval at nagharap-harap.

"May nangyari kasi kahapon, Attorney Jelsey." pagsingit ni Sandoval kaya ako napatingin sa kaniya. Sinamaan ko ito ng tingin na ikinatawa na naman niya. "What? May nangyari naman talaga sa'tin kahapon ah?"

I rolled my eyes and looked at Jelsey. "Nag-away lang kami kahapon, Jelsey. W-Wala ng iba."

Napakunot ang noo ni Jelsey habang nakatingin sa akin. "You mean, ikaw ang may gawa nito? Ikaw ang sumira nitong lamesa?"

"Huh?" I left an awkward laugh while looking at them both. "H-Hindi ba pwedeng si Sandoval? Siya 'yong lalaki oh. Siya lang ang makabubuhat niyan."

Jelsey smirked and chuckled. "Only if Sandoval can make this thing broken in front of you. Sayo na nanggaling, Christine. . . hindi naman nananakit ng babae si Sandoval."

Bahagya akong nanigas sa aking kinauupuan. Mahuhuli na ba kami? Bakit parang may kasalanan kami?

"Ah. . . ako ata ang may gawa. Baka nasira ko kahapon noong nagdabog ako." pagsingit muli ni Sandoval habang nakangiti. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na muling nagtanong sa amin si Jelsey. Hinayaan na lang niyang nag-iingay 'yong lamesa kapag nagagalaw.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now