Chapter 33

634 22 1
                                    

Atty. Christine Villeza

"Forget about that Noel Serafica for now. We already got a lot of plates in our hands." Rina said while watching Charisse's drafts on Sandoval's camera. Nagpatuloy na rin kami sa panonood ng mga videos dahil balak ko na ring mag-sorry kay Sandoval mamaya.

I will not drop the case. . . I cannot. Patuloy kong dedepensahan sa korte si Sandoval.

"But here me out," Mas inilapit ko ang pwesto ko sa kanilang dalawa ni Jelsey. Nanonood kasi sila ng mga videos ni Charisse samantalang ako ay gumagawa ng strategic plan para sa kaso ni Sandoval. "Anong koneksyon niya sa kaso ni Sandoval?"

Napakunot ang noo ni Jelsey at tumingin sa akin. "Koneksyon agad? Nakita mo lang sa SM, may koneksyon na agad sa kaso na hawak natin?" natatawang sambit nito.

I rolled my eyes and not minding her doubt. "He's talking with Bright discreetly, Jelsey. Ano sa tingin mo ang iisipin ko?"

"Bright agad? Porke't naka-all white yung kausap ni Noel, si Bright na agad? And also, nakatalikod siya sa atin, Christine."

Dahan-dahan akong umiling at mas ipinaliwanag pa ang side ko. "I know Bright's figure. Matangkad, palaging naka-puti, naka-clean cut, malinis ng likod ng sapatos, at rolex ang relo! Siya 'yon, Jelsey. Sure ako."

"Bright. . ." Rina halted. "You mean Prosecutor Bright Harris ng Grey Shade of the Prosecution? 'Yong kalaban niyo sa kaso ni Sandoval?"

Napatango ako sa sinabi ni Rina. "Yeah. 'Yong gwapo."

Jelsey chuckled and smirked. "Mapang-asar ang adjective mo sa kaniya dati. Ngayon 'gwapo' na? Aba, mukhang may relationship development na kayo ah----!"

"Stop it, Jelsey. Hindi mangyayari 'yang sinasabi mo."

Natawa lang siya sa akin sinabi.

"Since there is a possibility that Noel Serafica might be used against Sandoval, I'll start investigating him too." Rina acquiesced while taking down notes.

"You said it yourself, Rina. Marami na tayong ini-imbestigahan. Ako na lang siguro ang mag-i-imbestiga kay Noel dahil ako naman ang nakaisip nito." I retorted and smiled.

She beamed and started to watch again. "It's my job, Attorney Christine. 'Yon lang naman ang ginagawa ko, ang mag-imbestiga. Tsaka binabayaran ako ni Sandoval para tumulong na mapawalang-sala siya. I'll do everything that I can to help you all." She smiled again and nodded.

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Sa totoo lang ay kahit binabayaran siya ni Sandoval ay may mga bagay pa rin siyang ginagawa na wala na sa trabaho niya. I could say that we are now friends with her. Mabait siya't masarap kasama. Ito nga't komportable kami sa isa't isa rito sa loob ng aking bahay.

"So when will you ask Sandoval about that thing?" Jelsey suddenly asked while holding a cup of coffee. Hindi ko rin alam ang trip ng isang 'to. Tirik na tirik ang araw sa labas pero nagkakape. "Sure ka na ba talaga? Ikaw pa ang mag-so-sorry ah! The nerve of that son of a bitch. Pagkatapos kang sigaw-sigawan at sumbatan ay ikaw pa ang hihingi ng tawad."

"Just like you advised me yesterday, we need to settle this fast. Malapit na ang huling paglilitis sa kaso ni Sandoval at hindi naman maganda kung hindi maayos ang samahan namin. Bahala na, basta gagawin ko 'to para sa aming lahat."

Rina smiled and glanced at me. "You have a point." Naikwento nga rin pala namin sa kaniya ang nangyari kaya alam na niya ang mga pinagsasasabi namin ni Jelsey. She knows about this plan too. The plan to make things better between me and Sandoval.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon