Chapter 23

678 21 0
                                    

Atty. Christine Villeza

Nandito na naman ako, nakatingin sa kawalan sa harap ng bintana. Parang wala nang sigla ang buhay ko. Parang wala nang kwenta ito nang malaman ko ang nangyari kay Jayron. Sinusubukan nila akong kausapin pero hindi ko sila hinahayaan.

Gusto kong mapag-isa.

Isang linggo na nang malaman namin ang nangyari kay Jayron. Sobra akong nasasaktan kapag naririnig ko si Jayron na umiiyak dahil nalaman nito ang totoo. Na hindi na niya maaalala ang mga nangyari sa isang araw kapag natulog na ito sa gabi. Araw-araw nilang sinasabi ang totoo, araw-araw nasasaktan at umiiyak si Jayron. Araw-araw din siyang natutulog nang pugto ang mga mata.

Hiniling ko na nga na sana ako na lang. Hindi 'yung kapatid ko pa ang nagdurusa ng ganito.

Pakiramdam ko'y sayang ang pera na ibinigay ni Sandoval para gamutin ang kapatid ko. Pero naiisip ko rin. . . kung walang pera, baka namatay din ng maaga si Jayron. H'wag naman sana 'di ba? Napakatok nga ako sa kahoy nang maisip ko 'yon.

"Christine?" rinig kong tawag sa akin ng tao sa labas ng kwarto. Nirerespeto naman nila ang desisyon kong mapag-isa kahit nandito pa rin ako sa hospital nina Sandoval. "Christine, do you hear me?"

"Loud and clear, Jelsey. Come in."

On cue, Jelsey came in with her black suit case and lawyer-uniform. She's in formal attire, and she looks very great. I gave her a timid smile and looked away again. "What brings you here?" I halted.

Tumabi ito sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. "I've heard about Jayron's condition." she opened up.

Nanatili akong nakatingin sa bintana't naka-pokus sa kawalan. "Any update about Sandoval's second trial?" Hindi ko talaga pinansin ang tanong niya dahil ayoko nang mas malungkot pa. I needed a diversion, though.

Kaso ito naman akong magulo ang isip. Minsan gusto kong mapag-isa, minsan naman gusto ko ng makakasama. Bahala na siguro si Lord sa buhay ko.

"Don't worry about it, Christine. Dahil sa lindol na nangyari, ipinagpaliban muna ng Manila RTC ang mga pagdinig at paglilitis sa mga kaso. Mahaba pa ang panahon para mag-handa, Christine. If you still can't, I can do it myself. Kaya nga naging magka-partner tayo rito. Tutulungan kita."

Tumingin ako sa kaniya't ngumiti. "Salamat ng marami, Jelsey."

"Everything's gonna be fine."

Ngumiti ako nang mapait. "But not for Jayron, Jelsey." Napatingin ako sa malayo't tumitig sa kawalan. "N-Not for Jayron."

"You know that we can still make the world better for him right?" Jelsey carressed my back.

"P-Paano, Jelsey?" Tuluyan na namang bumuhos ang mga luha ko habang nakatingin sa kaniya. "Patay na ang future ni Jayron, Jelsey! Wala na! Paulit-ulit na kasalukuyan na lang. P-Paulit-ulit na lang!"

Naibato ko na sa sahig ang flower vase na nakapatong sa lamesa dahil sa inis. Dahil sa sakit! Halos wala na akong mailuha sa tuwing naiisip ko ang kalagayan ng kapatid ko. Oo, masakit para sa iba. Eh para sakin? Ako ang kapatid eh! AKO ANG NAGPALAKI SA KANIYA!

Ako ang nag-palit ng lampin niya nang maging OFW si Mama. Ako ang naglaba ng pinag-taehan niya, ako ang nag-hele para makatulog siya, ako ang nagpakahirap para maalagaan si Jayron. Ako ang naging ina para sa kapatid ko!

Nang mamatay si Papa, kumayod na rin ako para may maipa-aral sa kaniya. Ako ang naglampaso ng sahig ng ibang bahay para may maipakain sa kaniya. Ako ang nagpa-alila sa iba para may maipang-pagamot siya noon!

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now