Chapter 18

664 24 10
                                    

Atty. Christine Villeza

Parang model na naglakad si Maria sa gitna na animo'y napakaganda niya. Grr, sarap batukan ng baklang 'to! Nirerespeto ko naman siya sa gusto niyang ituring siya bilang babae kaya nga 'she' at 'her' ang gamit kong pronouns sa kaniya. Pero kung sa prosecution siya kumampi ay malamang kaaway namin siya. She chose to have a war on us. Later, I'll let her suffer. "Kilala mo ba 'yan?" tanong ko kay Sandoval na nasa aking tabi.

"Staff namin sa hotel." tipid nitong sagot. "There's nothing special on her. Bakit?"

I rolled my eyes and heaved a heavy sigh. Minsan wala talaga 'tong kwentang kausap. "Ang ibig kong sabihin, nakita mo ba siya bago pa mangyari ang krimen. Nothing special daw eh nandyan nga sa witness stand bilang witness ng prosection." angil ko.

Napaisip ito't bahagyang tumungo, pagkatapos ng ilang segundo'y tumingin muli ito sa akin. "Ah, I remembered her. Siya 'yong naghatid ng dinner namin ni John noong gabi bago ang krimen."

"And. . ?"

"And what? Wala na. Naghatid lang siya ng pagkain and nothing more."

Dahan-dahan akong napatango't ngumiti. Tama nga ang hinala ko. Kinuha lang siya bilang eye witness kuno para lang idiin si Sandoval sa kaso. Bukod sa si Sandoval na mismo ang nagsabing hindi siya ang gumawa ng krimen, na pinaniniwalaan naman namin, alam ko ring may gustong palabasin 'tong si Maria. Alam ko na ang mga baho niya.

Napakarami. Umaalingasaw.

"What is your name?" Prosecutor Bright asked. Minsan ay naglalakad ito sa harap ni Maria, minsan naman ay nakasandal lang ito sa witness stand.

Maria answered confidently. "Mario Baraña, Attorney."

"You're under an oath. Everything you say must be the truth and nothing but the truth. Do you understand?"

"Yes, Attorney."

Muntik na akong masuka at matawa sa sinabing 'yon ni Bright. Really? Truth and nothing but the truth? Eh halata namang kinuntsaba lang 'yang si Maria para idiin ang kaso ni Sandoval. Yes, kinuntsaba. Hindi siya pinilit dahil kusa siyang sumama sa prosecution. At 'yan ang papatunayan ko mamaya.

"Where were you on January 12th, 2021?"

"I was at the Rivamonte Hotel, Attorney. Sa hotel na pag-aari ng mga Sandoval at Villaluna."

"Anong ginagawa mo ng mga oras bandang alas-siete hanggang alas-otso?"

That was the time range before the expected crime had happened. Alam ko na ang palalabasin ng prosecution. They'll prove that there's premeditation that was happened before the crime.

"Naghahanda ng pagkain para kina Sir Anthony at Sir John, Attorney."

Prosecutor Bright walked slowly in front of Maria, trying to intimidate her. Napailing na lang ang ulo ko. "And you're also preparing the murder weapon, aren't you?"

Nanlaki ang mga mata ko sa diretsang pagsabi ni Bright ng gano'n. Lumakas ang bulong-bulungan sa likod maging ang mga midya ay hindi magkandarapa sa pagkuha ng magandang anggulo.

I was about to stand up, but Jelsey was faster. She must be expecting this to happen. "OBJECTION, YOUR HONOR! THE QUESTION IS LEADING!"

Leading question or question that was answerable by 'Yes' or 'No' wasn't allowed in direct examination, o kapag ikaw mismo ang nagtatanong sa witness mo. Kung kami ay magtatanong, pwede. . . gano'n din kung sila ang magtatanong sa witness namin. Pero dahil witness nila 'yan, leading questions are not allowed.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now