Chapter 61

487 20 8
                                    

Atty. Christine Villeza

"Sa court trial tayo ni Sandoval pupunta, Rina. Hindi sa fashion show."

Rina rolled her eyes at me and chuckled after I said that. "Panira ka ng trip, Christine. What's wrong with a long-fitted dress? Ang ganda pa nitong slits oh. Na-fe-flex ko pa 'tong legs ko."

Napairap na lang din ako at bahagyang natawa. Nasa kwarto ko kami ngayon sa loob ng isang walk-in closet dahil nag-aayos kami ng dadamitin namin para sa last trial ni Sandoval. Yes, the time has come to defend Sandoval for the last time. Maging ako ay kinakabahan dahil ito na ang huling pagkakataon at pagkatapos nito'y malalaman na namin kung makalalaya si Sandoval.

But whatever happens, I'll defend Sandoval at my very best. Noong una'y para lang sa pera niya't sa kapatid ko. . . pero ngayon ay para kay Anthony na mismo.

I love that asshole so much!

"Okay na ba 'to?" Jelsey asked while showing us the high stilleto that he borrowed from me. Hindi ko rin alam sa isang 'to kung bakit kailangang mag-high heels eh matangkad naman siya. Well, I don't really care though. Rina and I just gave her a thumbs up and smiled. Nagpatuloy na siya sa pag-aayos ng buhok niya pagkaupo.

After I wore my cream formal blazers, I sat down and fixed my hair as well. Hindi ko na ito inipit dahil pinaayos ko pa ito kaninang umaga. Alas-diyes na ng umaga pero ito pa rin kami, nag-aayos ng aming mga sarili. Well, we deserve to look nice after all the nights that we became like zombies while preparing for this day.

Nang matapos na kaming mag-ayos ay nagkatinginan kaming tatlo at nagtawanan. We were now sitting in a round couch while facing at each other.

"We all look gorgeous today, bitches." Rina complimented and smiled. "I'm quite excited but a little bit nervous about this last trial. You two should do great, a'right?!"

Napangiti kami ni Jelsey at naghawak-kamay. Napatingin ako sa kamay ni Jelsey dahil sobrang basa nito. "What's with this nervousness, Jelsey? Basang-basa 'yung kamay mo eh." natatawang sambit ko habang nakatingin sa kaniya.

"Sadya talaga 'yan, Christine. Arte nito!" Hinampas ako nito sa balikat at tumawa. Pagkatapos ng ilang segundo ay tumahimik din ito at tila nagmuni-muni. "But yeah, I kinda feel nervous. Pero ginawa naman natin ang lahat ng paghahanda kaya I still feel confident about this." Tumingin siya kay Rina at ngumiti.

"Good luck sa inyo, Christine, Jelsey!" Rina cheered and held our hands. "I'm rooting for the two of you."

We held Rina's hands with our other hand and grinned. "Good luck to us, Rina. We prepared for this together. We will reach the goal together. Fighting?"

"Fighting!" We all shouted and laughed as loud as we can. Rina's laugh lasted for a few seconds and stared at us while we were laughing.

She smiled a bit. . . but it suddenly went away with her hesitant eyes.

INALIS KO NA muna lahat ng mga bumabagabag sa isip ko nang pinakain na kami ni Mama ng niluto niyang ulam. I'm glad that she visited me for a while just to prepare us a food to eat. Kahit naman nandito si Yaya Sising para sa amin ay mas gusto ko pa rin ang luto ng Mama ko. Kaso hindi rin siya nagtagal dahil may pinabibili sa kaniyang gamot para kay Jayron. She also gave me a good luck kiss for the trial that I'll face today.

Hindi siya makakapunta sa trial dahil kailangan niyang bantayan si Jayron pero ayos lang dahil may media namang magko-cover ng trial kaya mapapanood din nila sa TV. Masaya pa rin ako na iniisip ako ni Mama sa kahit anong oras kahit madalas siyang wala sa bahay.

Pagkatapos naming kumain ay nag-toothbrush na rin kami't dumiretso na sa sofa para umupo muna. We were waiting for Jeffrey because he will be our driver to the Manila Regional Trial Court. Syempre, kasama rin siya doon dahil isa siya sa mga reporter na magko-cover ng huling paglilitis sa kaso ni Sandoval. Habang naka-upo kami ay nag-text na muna ako kay Agustus para magpabili ng pagkain.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon