Chapter 58

372 11 0
                                    

Atty. Christine Villeza

"Yeah, I'm heading home." sagot ko kay Jelsey na katawagan ko ngayon. Narinig kong may ni-request pa ito sa kabilang linya pagkasakay ko ng aking kotse. "No, I won't buy you an ice cream. Meron d'yan sa ref, ubusin mo."

"This is not my favorite, Christine!" Jelsey demanded over the phone. Narinig ko pang binuksan niya ang ref at pinalagabog ng sobrang lakas. "Hindi ko naman mautusan si Rina dahil naka-work mode on na siya. Nahihiya naman akong makisuyo kay Yaya Sising."

"Ba't ka ba mag-a-ice cream, nireregla ka 'di ba?" I argued. Kung maka-request sa akin ay akala mo naman naglilihi. Ibinili ko na sila kanina pagkauwi ko noong umaga, tapos ngayon magpapabili pa. "Use your feet, Jelsey. Hindi mo ako yaya para utusan."

Pinatay ko na agad ang tawag at pinaandar na ang kotse ko. I'm not in a bad mood, actually. Normal na usapan lang namin 'yon ni Jelsey sa tuwing nangungulit siya, at ganito rin siya sa akin 'pag ako ang nangungulit. Sometimes, I get to give her what she wants but that was just once in a blue moon. Malaki na siya, may sarili na siyang buhay at pera. She must not be babysat.

Pagkatapos ng paguusap at pakikipag-kwentuhan ko kay Sandoval kanina ay balak ko na ring umuwi dahil wala na naman akong ibang gagawin. We planned to talk about the evidence and the witnesses today for the upcoming trial of Sandoval. Bilang na sa mga daliri ang mga araw bago ang huling paglilitis sa kaso ni Sandoval kaya kailangan talaga naming paghusayan ang paghahanda.

I turned on the radio and listen to it. Napakunot ang noo ko nang may marinig na pamilyar na boses. Napansin ko na si Jeffrey pala ang nagsasalita at nagrereport sa radyo. I instinctively smiled when I found out that he already has his own radio channel. Malayo-layo na rin ang narating ni Jeffrey bilang journalist and reporter. Well, all thanks to his involvement to Sandoval's case so his visibility has been boosted.

Mukhang recorded na itong pinalalabas sa radyo at hindi live dahil interview lang naman ito ni Jeffrey sa isang kilalang senador. Sigurado akong may iba nang ginagawa si Jeffrey ngayon dahil nabanggit ni Jelsey kanina na hindi raw nagtatrabaho si Jeffrey ngayong araw. Napaisip naman ako sa sinabi ni Jelsey. . . ano kayang ginagawa ng mokong na Jeffrey na 'yon ngayon?

I just shrugged the thought off my head and focused on what I was listening. Boses lang ni Jeffrey galing sa radyo ang naririnig ko ngayon hanggang sa may biglang pumasok sa isipan ko.

"The world is not running the way you wanted, Christine. We all are doing this for something that is important to us. As for me, it's the reputation and the economic stability. I'm sure that you're doing the same unintentionally."

That was Dark's line when we talked about the theft-issue earlier this morning. Hanggang ngayong ala-una ng hapon ay naalala ko na naman ito sa hindi inaasahang pagkakataon. I wonder how I remembered that all of a sudden.

Then suddenly, another thought came after my mind and left me frustrated.

"Hindi gano'n ang takbo ng mundo. We are all doing this for money, for fame, for reputation. It's quiet impossible that you didn't do the same yet, Attorney."

And that line was from Jeffrey. Noong gabi na pumunta kami sa Rivamonte Hotel para kuhanin yung hidden cameras, inakusahan ng pulis sa labas, pero nagawang makaalis doon dahil sa koneksyon at pamba-blackmail ni Jeffrey.

Now, I knew why I remembered Dark's monologue after I heard Jeffrey's voice.

Magkaparehas sila ng takbo ng utak.

Well, at the very least, Jeffrey is on our side while Dark is our enemy. Kaya rin siguro ako naiinis kay Jeffrey sa simula pa lang ay dahil sa ugali nito at sa pagtingin nito sa mundo. His view of the world is the same as with Dark.

That the world can be manipulated by the ones who can. And that the end justifies the means so they're free from guilt and conscience. Parehas sila na sinabing lahat ng kamaliang ginawa mo ay may importanteng rason kaya hindi mo kasalanan dahil iyon na ang normal na takbo ng mundo.

Napailing na lang ako't nagpokus sa pagmamaneho pauwi sa bahay. I can't take that off their heads because it's their mindset and not mine. Sila ang kailangang magbago at sarili lang nila ang makakatulong sa kanila. They're wrong. . . because the world is being ran by the rules and regulations, the law, perhaps? We need to follow the law and if ever you we get convicted, we will be able to be fairly judged by the people and the court.

Hindi lahat ay nadadaan sa padulas o pera. Hindi lahat ay tungkol sa palakasan o sa kung anong estado mo sa buhay. The lady of justice, which is the symbol of the law, has its purpose.

The blindfold symbolizes that the law is blind from bias, prejudice, and greed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The blindfold symbolizes that the law is blind from bias, prejudice, and greed. It represents the impartiality of the law which guarantees us that we will be judged fairly, without any special favor to whom.

The sword tells us that the law is just, with authority, and is final. Sinasabi nito na ang batas ay may kakayahang mag-disiplina at hindi dapat ginagamit upang ipang-abuso o upang gamitin sa masama.

The scales represent that the evidence provided must be weighed and should stand on its own. Na kailangang timbangin kung sino ang nakapagsasabi ng katotohanan nang maparusahan. The weighing will just end until the court reaches a certain verdict that was proved beyond reasonable doubt.

At doon kami umaasa na makamit ang hustisya. Alam kong hindi palaging naibibigay ito sa mga taong nangangailangan nito, pero sa kaso ni Sandoval at sa mga taong matutulungan ko pa, sisiguraduhin kong walang tao ang makukulong dahil sa kasalanang hindi naman nila ginawa. I'm not an attorney-at-law for nothing.

I stand by my principles and that is my difference from Prosecutor Dark and Jeffrey Skyler.

Natigil ang malalim na pag-iisip ko nang biglang tumawag sa akin si Rina. I swiped the screen to the right to answer Rina's call. Pinatay ko na muna ang radyo para marinig ang boses ng kausap ko. "Hello? Any news?"

Dapat ay didiretso na ako sa daan pauwi sa amin kaso naisipan ko na ring bilhan ng ice cream si Jelsey, kaya dumiretso na lang ako sa malapit na ice cream parlor. I drifted my car and went to the road I knew which will lead me to that nearest store. Akala ko ay nawala na ang katawagan kong si Rina hanggang sa bigla na lang siyang magsalita. "Hello, Christine, can you hear me?"

"Yeah, Rina. Loud and clear." I answered. Mukhang malapit na rin ako sa tindahan dahil may nakikita na akong mga taong may hawak na ice cream. That ice cream parlor is famous anyway.

"I've got something to tell you, Christine." she paused as I heard some keyboard clicking noise over the phone. "Mayroon na akong impormasyon tungkol kay Noel—!"

"Wait, Rina. I'll call you back."

Hindi ko na narinig at pinatapos ang sinasabi niya nang may makita akong mga pamilyar na pigura na nasa likod ng isang kotse sa gilid ng ice cream parlor. I parked near them and walked to see who are they. Lalong napakunot ang noo ko nang marinig ang isang boses na narinig ko rin kanina sa radyo.

"Anong ginagawa mo d'yan, Jeffrey—?"

Napatigil ako sa pagsasalita nang makita kung sino ang lalaking kausap nito. Matagal-tagal na rin nang huli kaming nagkita. Noong huli pa ay yung nahuli namin siyang muntik nang saktan si Jeffrey tapos ay tumakas at nagtago bago pa namin siya sampahan ng kaso na workplace violence.

This tall, in his mid-30's man, looked at me as if I was a thing to be played for. Naningkit ang mga mata ko sa kaniya samantalang siya'y ngumisi. "N-Noel Serafica?"

"Long time no see, Christine." he mockingly said and smirked.

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon