Chapter 21

656 17 0
                                    

Atty. Christine Villeza

"A-Ate Christine, bakit po nasa malaking ref si Papa?"

All of us are mourning because of our father's funeral. It was his 9th day and after this day, he will be burried six feet below the ground. We always wanted to be with our father, but what can we do?

It's a disease. It's a disease that we can treat only if we have money.

But we don't have! Fvck life! Fvck this world! Mga mayayaman lang ang may karapatang mabuhay!

Walang tumulong sa amin ni isa. Halos magpaka-subsob kami ni Anthony para magtrabaho habang nag-aaral, at nang makatulong kay Mama para maipagamot si Papa. Sakit sa puso ang ikinamatay niya. Nakalulungkot dahil wala pa kami sa tabi niya nang mawalan siya ng hininga.

Nasaan kami? Nasa labas. Nasa kalsada! Naghahanap ng pera para madugtungan ang buhay niya.

Napakasaklap 'di ba? Sino ba mag-aakalang gano'n-gano'n lang matatapos ang buhay ni Papa. Hindi ko man lang siya nayakap sa mga huling hininga niya. Hindi ko man lang naibalik ang mga sakripisyo niya para sa amin.

Napakawalang kwenta ko namang anak!

"Ate, bakit nga po nasa ref si Papa?" pangungulit pa ni Jayron na nasa aking tabi. Nasa harap kami ngayon ng kabaong ni Papa para magbigay ng bulaklak at dasal. Tanghaling-tapat, tirik na tirik ang araw ngunit napakadilim ng aming mga hitsura.

Sinubukan kong ngitian si Jayron habang hinahaplos ko ang kaniyang ulo. "Jayron, kabaong ang tawag d'yan. Diyan hihiga ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na."

"Hihiga na lang po ba sila d'yan forever? Kawawa naman po si Papa, Ate Christine." Hinawakan ni Jayron ang kabaong ni Papa at biglang umiyak.

Lumapit ako dito't niyakap siya. Mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita kong umiiyak ang kapatid ko. "H'wag ka nang umiyak, Jayron. Nandito si Ate Christine mo."

"P-Pero kailangan po ni Papa ng kasama, Ate Christine! Mag-isa lang po siya sa ref oh!" Sabay turo pa nito sa kabaong ni Papa.

Napa-dasal naman ako sa loob-loob ko dahil sa sinabi ni Jayron. "Jayron, hindi kailangan ni Papa ng kasama o susunod pa sa kaniya----!"

"Ako, Ate, gusto ko sumama kay Papa." Tumingin ito sa akin nang may namumugtong mata.

Napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "A-Anong sinasabi mo, Jayron?"

"Mamamatay na rin ako, Ate Christine, 'di ba? Hahaha!" Isang malakas na pagtawa ang narinig ko mula sa kaniya habang nakatingin siya sa akin. "Sasama na ako, Ate!"

"Jayron, tumigil ka sa kalokohan mo ah!"

"Sasama na ako, Ate! Ayoko na dito! Gusto ko sumama kay Papa!"

"Jayron, hindi!"

Lumakas ang hangin sa paligid na animo'y binabagyo ang buong kapaligiran. Napatingin ako sa aking paligid. Lahat sila'y nakangiti at may inaabot na pera sa akin. Pagtingin ko muli kay Jayron, may dugo na sa kaniyang dibdib habang siya'y nakasapo rito.

"Ate, nahihirapan na po ako! Mamamatay na ako, Ate!"

"Jayron, hindi!"

Patuloy na lumayo ang kaniyang imahe sa akin. "Ate, kinukuha na ako ni Papa!"

"Jayron, h'wag!"

"Ate Christine, m-mahal kita----!"

"Jayron!"

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now