Chapter 78

352 10 2
                                    

Atty. Christine Villeza

"Breaking news! As of this moment, 6:15 pm, the Regional Trial Court which was led by the Honorable Judge Natasha Magnaye has now ended the Sandoval-case. Here is her statement a few minutes ago."

"In the matter of state of Philippines versus Anthony Sandoval, court file number R-MNL-21-01***-CR, I, the judge and the jury, on the charge of murder and serious physical injury on or about the 12th day of January 2020 in the City of Pasig, Philippines, find the defendant NOT GUILTY BEYOND REASONABLE DOUBT. The verdict was agreed to at the hour of. . ."

"However, during the verdict-making of the judge and the jury, there has been multiple truths that were unravelled such as the direct connection of Francheska Sandoval and the victim, Charisse Villaluna herself. There is also a crime happened before the verdict announcement including the gunning-incident of Jayron Villeza and the suicide of Noel Serafica,"

"On the other hand, the parents of the victims or the plaintiff also didn't show up after the verdict-reading. The prosecutors in-charged, Prosecutors Bright Harris and Dark Alvarez, has fled from the court. No media has acquired their statements regarding their lose here in Sandoval-criminal-case. We tried to contact them to request for their statements and if they're going to re-appeal the court decision, but it seems like they've already given up the case. What happened to the Grey Shade of Prosecution?"

"All of it will be further discussed by the reporters on the other line. This is Jeffrey Skyler, reporting on SBS News. Back to you, guys!"

"ATE, gising na."  Nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses ay agad kong iminulat ang aking mga mata. Agad akong lumuha nang makita kung sino ang nasa aking tabi. "Tapos na ang lahat, Ate. Babalik na sa normal ang buhay mo." Ngumiti ito't hinaplos ang aking buhok.

Nang nilibot ko ang aking paningin ay nalaman ko agad na nasa hospital ako't nakahiga. Puti ang mga pader, may maliwanag na ilaw, may sari-saring mga prutas sa lamesa samantalang bukas ang TV na binabalita ang mga nangyari kanina sa korte.

I roamed my eyes around and noticed that only me and my brother are here. "Nasaan sila, J-Jayron?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang ito't kumuha ng mansanas at kinagatan. Napangiti ako rito't sinubukang hawakan ang mukha niya kaso hindi ko maigalaw ang kamay ko dahil sumasakit ang aking tiyan. "K-Kumusta na ang lagay mo?"

Ngumiti ito sa akin at kumagat muli sa mansanas niya. "Huwag mo na ako alalahanin, Ate. Ayos na ako." Hinawakan nito ang kamay ko't inilagay sa dibdib niya. Tumulo na rin ang mga luhang namumuo sa mga mata niya pero nagawa pa rin niyang ngumiti. "A-Ate, alam mo namang mahal kita 'di ba?"

Agad akong tumango't ngumiti habang pinipilang tumulo ang luha ko. "Oo n-naman." Kahit may masakit sa tiyan ko'y pinilit ko pa ring hawakan ang kamay niya. His hands were too cold so I made sure that I'm holding it tight to make him feel better.

I will do anything for my brother.

"A-Ate, aalis kasi a-ako eh. Magpapaalam na sana ako sayo bago ako umalis." sambit nito sabay punas ng luha niya. "P-Pero h'wag kang mag-alala, Ate. Magiging okay ako d-do'n."

"P-Para saan? B-Bakit ka aalis?" Pinilit kong pigilang tumulo ang luha ko pero hindi ko nagawa. Humagulgol ako't hinila ang braso niya para yakapin. "S-Sinong kasama m-mo, ha? Kaya mo na ba ang s-sarili mo? M-May sakit ka pa, J-Jayron."

"Gagaling ako agad d-doon, Ate. E-Everything will be alright."

"S-Saan ka ba pupunta?" Kumalas na ako sa pagkakayakap at tinitigan siya sa kaniyang mga mata. Our eyes were both flooded with tears while looking at each other. "M-Malayo ba 'yan? C-Can I go with you?"

"Hindi n-na, Ate. Dito k-ka na lang, bantayan mo si Mama."

"Saan ka nga p-pupunta?" tanong ko ulit na halos pasigaw. I thought everything will be alright after the court case, but I guess I was wrong. Mas lalong nagulo ang lahat. Lalo pa akong naluha nang malaman ko ang sagot ng kapaitid ko.

"S-Sa playground." he said and smiled, but I can still see the sadness in his eyes. "Kasama k-ko naman si Papa----!"

My eyes went wide and as the tears continued to rush off my eyes. I immediately hugged him while I was crying hard. At that moment in time, memories continuously filled my mind.

"Ate, bakit nga po nasa ref si Papa?" pangungulit pa ni Jayron na nasa aking tabi. Nasa harap kami ngayon ng kabaong ni Papa para magbigay ng bulaklak at dasal. Tanghaling-tapat, tirik na tirik ang araw ngunit napakadilim ng aming mga hitsura.

Sinubukan kong ngitian si Jayron habang hinahaplos ko ang kaniyang ulo. "Jayron, kabaong ang tawag d'yan. Diyan hihiga ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na."

"Hihiga na lang po ba sila d'yan forever? Kawawa naman po si Papa, Ate Christine." Hinawakan ni Jayron ang kabaong ni Papa at biglang umiyak.

Lumapit ako dito't niyakap siya. Mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita kong umiiyak ang kapatid ko. "H'wag ka nang umiyak, Jayron. Nandito si Ate Christine mo."

"P-Pero kailangan po ni Papa ng kasama, Ate Christine! Mag-isa lang po siya sa ref oh!" Sabay turo pa nito sa kabaong ni Papa.

Napa-dasal naman ako sa loob-loob ko dahil sa sinabi ni Jayron. "Jayron, hindi kailangan ni Papa ng kasama o susunod pa sa kaniya----!"

"Ako, Ate, g-gusto ko sumama kay Papa." Tumingin ito sa akin nang may namumugtong mata. "Pagkatapos po niyan saan na siya pupunta?"

Ngumiti ako nang mapait habang nakatingin kawalan. "Sa plaground. Masaya do'n. Hindi na mahihirapan si Papa."

"Gusto ko rin makapunta doon sa playground, Ate." Pinunasan nito ang luha niya't blankong tumingin sa libingan ni Papa. "Ayoko na rin pong mahirapan sa sakit ko."

Nang bumalik na ang iisip ko sa sitwasyon ngayon ay  napansin kong hindi ko na yakap si Jayron at nakatayo na lang siya sa aking harap habang nakangiti. Sinubukan kong tumayo para sana habulin siya ng yakap pero hindi ko nagawa ddahil masakit talaga ang katawan ko. I looked at him straight in the eye while unconsciously telling him to not let go.

"K-Kailangan ko nang umalis, Ate. Malayo pa ang lalakarin namin ni Papa." Natatawang tugon nito kahit alam kong naiiyak na rin siya. Kitang-kita sa mga mata nito ang kalungkutan pero nagawa pa rin niyang ngumiti na parang walang problemang pinagdadaanan. I reached his hand and held it. "A-Ate, please."

"H-Hindi ka na ba talaga pwedeng mag-stay? Tatawagin ko si Mama para makita ka naman niya." Pinunasan ko ang luha ko't ngumiti sa kaniya. Kahit masakit ay pinilit kong ngumiti dahil ayoko namang maitang malungkot ang kapatid ko dahil sakin.

"H-Hindi talaga, Ate." Binitawan na nito ang kamay ko't inayos ang damit niya. "Aalis na ako, Ate. Dalaw-dalawin n-niyo ko ah----!"

"P-Please, h'wag ka munang umalis, Jayron." Sinubukan ko itong pigilan pero hindi ko nagawa. I can't move my body. It feels like I was paralyzed for a momennt while seeing my brother walk to the door for his final exit. "J-Jayron, please."

"A-Alam kong nakapag-I Love You na ako ng ilang beses pero uulitin ko ulit dahil mahal k-kita, Ate. Salamat sa lhat ng sakripisyo mo ah!" Ngumiti ito't binuksan na ang pinto. "I love you, Ate. M-Mahal ko kayo ni Mama."

"J-JAYRON. . ." Humagulgol na talaga ako ng iyak habnag pinapanood ang kapatid kong lumabas ng pinto. "JAYRON, P-PLEASE-----!"

"JAYROOON----!"

Defending Mr. Billionaire (Sandoval Trilogy #1) | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon